CHAPTER 18

844 26 0
                                    


“Ate hindi man lang po umuwi si mama. ” Malungkot na sabi ni Elaija, Gabi na kasi pero hanggang ngayon wala pa rin si mama. Bakit hinahayaan ni mama na mangyari 'to? Ayoko sanang sabihin 'to pero hindi niya ba talaga naiisip kung anong mararamdaman ng mga kapatid ko dahil dito sa mga ginagawa niya

Parang mas priority niya pa yung boyfriend niya. Ayos lang kung saakin niya gawin 'yun. Yung wala siyang pakealam pero Kung pati sa mga kapatid ko parang hindi kona matanggap 'yun, Naawa na ako sakanila, marami silang mga bagay na hindi naranasan sa magpamilya

“ matulog na Kayo na.” saad ko. Tumango sila

“good night ate, Good night kuya. Salamat po dahil naging masaya ang Araw na ito para saamin. ” saad ni Elaija

Ngumiti ako

“ good night ate, Good night kuya.” saad ni Yurica

“ good night ate, Good night kuya, Salamat po dahil nandito kayo para saamin.” saad ni Naria

“good night. ” naka ngiting sabi ni Thyroid

Nagtungo na sila sa kwarto nila

“ are you okay?” tanong ni Thyroid. Tumingin ako rito saka tumango

“ You're not. ” saad neto

“ Nabasa ko Frei.”

“ Napapaisip lang naman ako kung Paano ni mama natitiis na gawin 'to.”

“ Hindi niya man lang naisip na mahalaga ang araw na ito para kay Elaija.”

“ May limitasyon din pala itong pag unawa. hindi pala sa araw araw ay laging maiintidihan ko si Mama, at ngayon parang naubos na nga. Pagod na akong Intindihin lagi si mama”

“ napapagod na ako. ” Humina na yung boses ko

Niyakap ako Ni Thyroid

“ syempre may puso ka Frei, and yeah you're right, May limitasyon nga yang pag unawa, Hindi sa lahat ng oras kaya mong intindihan ang lahat ng tao, ayaw mong magsalita dahil ayaw mong may masaktan, pero paano ka? Lagi nalang bang ikaw ang mag uunawa sa mama mo?”

Hindi na ako nakapag salita pa, Pakiramdam ko ay komportableng komportable ako sa yakap niya. Parang pinapagaan neto yung pakiramdam ko

Biglang may kumalabog kaya Kumalas kame mula sa pagkakayakap

“ ano 'yun?” napatingin ako kay Thyroid na nag iba ang tingin ngayon

“ There's a vampire.” saad neto

“ano? ” hinawakan neto yung kamay ko. Ang kanilang Itim niyang mga mata ay biglang Namula

Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto, Malakas ito at halos matanggal na yung pintuan sa sobrang lakas

Nakatayo sa harap namin ang isang Lalaking bampira, naka labas ang pangil at namumula ang mga mata

“ Buhay ka pa pala.” nakakatakot ang tingin sakin ng bampirang ito. Mabilis na humarang sa harap ko si Thyroid

“ Makakalaban mo muna ako bago mo siya mahawakan” matigas na sabi ni Thyroid

“ Lumayo ka muna samin Frei. ” utos ni Thyroid. Umatras ako dahil sa sinabi niya

Biglang nawala sa paningin ko ang bampira at bigla nalang inatake si Thyroid, mabuti nalang at mabilis rin siyang nakailag

Muli siyang humarap kay Thyroid at Aatakihin na sana Ito pero mabilis na nawala si Thyroid

Napatigil ang bampira dahil doon

Nasaan na siya?

Biglang tumingin ang bampira sa kisame, Pero nagulat nalang ako nang biglang lumitaw si Thyroid sa likuran neto at binaon ang sariling Kuko sa Likod neto

MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]Where stories live. Discover now