Bukod pala sa May Corinne na nangungulit kay Thyroid ay may Louisa pa siya na Kinakamusta pa rin siya kahit na ex niya na itoDamn that hot and handsome Vampire. Talagang Ayaw tigilan ng mga babae
“ Alam moba kung saan natin makikita ang ibang bampira?” tanong ko, Nasa Mansyon na rin kame ngayon.
Umiling ito
“ Pero may isang bampirang kilala ko na may alam tungkol dito. ” saad neto.
“Pwede ba natin siyang kausapin ngayon? ” tanong ko
“ it's already 9:30 pm, Hindi kapa ba magpapahinga? ” tanong neto
“ Gusto ko munang makausap ang bampira na sinasabi mo. ” saad ko. Hindi naman ako sobrang napagod ngayong araw kaya Sayang naman yung oras ko ngayon
“ Okay. ”
“ magbibihis lang muna ako. ” saad neto. Tumango nalang ako saka lumabas ng kwarto. Mabuti naman at sinabi niya na magbibihis siya hindi yung agad agad nalang na naghuhubad sa harap ko.
Maya-maya pa ay lumabas na rin siya mula sa kwarto. Kahit anong Isuot niya Ang gwapo niya parin. Amoy na amoy ko yung pabango niya. Parang gusto kong amuyin nalang ito ng amuyin, parang nakaka adik kasi e
“let's go. ” saad neto
Sabay na kameng lumabas at Pumasok sa sasakyan niya. Siya na mismo yung Naglagay ng seatbelt sakin, Habang inilalagay niya ito ay hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang maamo niyang mukha
Malayo man o malapit sobrang gwapo niya parin.
“ You're beautiful too. Katulad ng buwan, sobrang ganda mo rin. ” saad neto at Tinitigan ako sa mga mata. Sobrang lapit neto sakin, hindi ko maintindihan kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko
“ i can feel your heartbeat, Sobrang lakas.” saad neto habang titig na titig parin sa mga mata ko. Agad na nag iwas ako ng tingin
“ kinakabahan lang ako, baka kasi wala roon yung bampirang sinasabi mo.” pagsisinungaling ko. Lumayo na rin ito sakin
“ Hindi umaalis 'yun don. ” saad neto at Pinaandar na ang makina. Tumango nalang ako saka tumingin sa labas ng bintana.
“ malayo ba dito yung bampirang sinasabi mo?” Tanong ko
“ sobrang layo, kaya nga Gusto ko sanang ipagpabukas nalang 'to dahil baka antukin ka lang sa byahe.” saad neto. Ganun ka layo?
“ Okay lang, Ayoko na kasing mag Sayang ng oras. ” saad ko
“ Saka naka hanap na rin ako ng trabaho na sa gabi lang ako Papasok.” dugtong ko. Tumingin ito sakin ng naka kunot ang noo
“bakit naghanap kapa ng ibang trabaho? Hindi ba sapat ang kinikita mo sakin? ” tanong neto
“ hindi naman sa ganon, Pero kasi Ayokong sa'yo nalang lahat, I mean Parang Kasi sayo nalang ako umaasa.” saad ko
“ Nag t-trabaho ka naman, Kaya hindi mo na kailangang mag trabaho pa sa gabi masyadong delikado. ” saad neto
“ Sanay ako sa Ganto, Wala namang nangyayaring masama saka kaya ko yung sarili ko.” saad ko
“ hihintayin pa ba nating may mangyaring masama?”
“ kaya ko naman yung sarili ko, Saka Kailangan ko rin 'yun para kahit papaano Ay Makapagpadala ako ng marami kay mama.” saad ko. Sila lang naman 'yung inaalala ko e
“ dadagdagan ko ang sweldo mo.” saad neto
“80,000” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya
“s*ra kaba? Hindi 'yun yung gusto kong mangyari. Tigilan mona nga 'yan Thyroid sinabi ko nang sapat na itong tulong na ginagawa mo kaya 'wag monang dugtungan pa. ” saad ko. Narinig ko ang pag buntong hininga neto
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...