Alas onse na ng gabi pero hindi parin umuuwi si mama, Tulog na rin silang tatlo , kakatulog lang masyado sigurong nag enjoy sa pakikipag usap kay Thyroid
Hindi pa rin kame umuuwi dahil inaantay kong umuwi si Mama pero hanggang ngayon ay wala pa din
“ Parating na 'yun.” saad ni Thyroid habang naka dekwatrong naka upo sa sofa
“ si mama?” kunot noo kong tanong. Hindi pa'ko neto nasasagot nang may biglang kumatok
Si mama na ata 'to. Tumayo ako at nagtungo sa pintuan upang pagbuksan ang taong kumakatok. Sigurado akong si mama ito
Nang mabukas ko ang pinto ay Nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha ni Mama nang makitang ako ang nagbukas ng pinto
“oh? Anong ginagawa mo dito? ” nilagpasan ako neto
Napatingin pa ito kay Thyroid na naka upo sa sofa saka Dumiretso sa kusina. Sinundan ko si mama
“ Nagpunta po ako ako dito para sana kamustahin kayo. ”
“ may pera kaba dyan?”
Nagsalin ito ng tubig sa baso saka uminom pagktapos ay nilapag niya muna ito sa Mesa bago ako sinagot
Hindi niya man lang pinansin yung sinabi ko
Kinuha ko sa bulsa ko yung Pera at inabot kay mama
“ eto po. ”
Tinignan niya lang ito
“ limang libo lang? ”
“ Marami pa po akong pinamili na groceries saka mga gamit po nina Naria. 'Yan nalang po yung natira. ” magalang kong sabi
“ lintek ka talaga Luna, Masyado kang madamot sa pera.” agad netong hinablot ang pera
“ma, bakit hindi niyo po sinabi na may boyfriend po pala kayo? ”
“anong pakealam mo? ”
“ ma, anak niyo po ako syempre po may pakealam ako.” mahinahon ang pagkakasabi ko rito
Tinaasan ako neto ng kilay
“ Hindi kita anak, alam mo 'yan.”
Parang may kung anong tinusok sa puso ko nang marinig 'yon kay mama. Alam ko naman na hindi niya ako tunay na anak, pero Hindi naman porke't hindi kame magkadugo ay hindi na ako pwedeng ituring na parang anak
“ Saka ano bang ginagawa niyo dito? Alam moba kung anong oras na? Umuwi na kayo at wag niyo na kameng istorbohin pa. ” naglakad ito palabas sa kusina
Tumigil ito malapit kay Thyroid
“ oh ikaw, iuuwi mona itong asawa mo nang makapag Pahinga na ako.” saad ni mama Kay Thyroid
“ ma, pwede po bang mag usap muna tayo?”
“ Nag uusap na tayo Luna wag kang Tanga. ”
Hindi ko alam kung bakit ko pa tinignan si Thyroid pero nang tignan ko ito ay namumula na ang mga mata niya na para bang May gumalit sakanya
Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko alam kung anong ikinagalit niya pero mukhang kailangan ko muna siyang pakalmahin
Mabuti nalang at hindi nakita ni mama ang pamumula ng mata niya dahil nakatagilid samin si Mama
“ Thyroid. ” bulong ko rito
“ kanina ko pa hindi nagugustuhan kung paano ka niya kausapin. ” pabulong na sabi neto at halata ang pagpipigil niya ng galit
Mas hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay niya dahilan para mapatingin siya roon
Nang ibalik neto yung tingin sakin ay unti unti na ring bumalik ang Kulay itim niyang mga mata
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...