CHAPTER 22

812 20 0
                                    

“ Anyway Thyroid This Is Anayuri Escarte, My unica ija.” naka ngiting pinakilala ng Ka business partner ni Thyroid ang maganda niyang anak. Tama, maganda ito, Pero mukhang Medyo bata saamin. Ang lagkit ng tingin niya kay Thyroid

Tipid na ngumiti si Thyroid at wala man lang sinabi nang ipakilala neto ang anak. Tumikhim nalang Yung ka business partner niya

“ anyway, I'm sure kilala niyo na siya but i want to introduce her again, this is My Wife, Luna frei Castillo- Aguas.” pagpapakilala ni Thyroid sakin

Ngumiti ang ka business partner ni Thyroid habang yung anak niya naman ay ngumiti nga pero halatang sapilitan

“ Secretary mo din? ” tanong Neto

“yeah. ” sagot ni Thyroid

“wow. ”

“ huh? Secretary mo asawa mo?” halatang gustong matawa ng babae

Hinawakan neto yung kamay ko

“ yeah, Hindi ba't mas maganda 'yun? Palagi mong nakakasama at nakikita yung maganda mong Asawa.” saglit pa itong tumingin sakin

Tumagilid ang ulo ng babae at nakita ko ang pag irap neto. Wala na rin siyang sinabi pa sa sinabi ni Thyroid

Nagpunta ba talaga sila dito sa Office para mag usap para i reto itong anak niya kay Thyroid

Auh, this is none of my business anyway

“ Have a sit, Mr. Ramillano. ” saad ni Thyrod. Tumango ito at Sabay na silang umupo dito sa Sofa

Makatabi kame ni Thyroid at Katapat naman namin ang mag ama

Parang pamilyar itong babae

Yung mga mata niya, parang...

“ Frei?” tawag ni Thyroid. Bumaling ako rito

“hmm? ”

“ may problema ba?”

“ ah wala, Wala. ” inulit ko pa. Nagsimula na nga silang mag usap. Si Anayuri ay Kay Thyroid lang ang Tingin. Malagkit ang Titig habang ngiting ngiti

Nakita kong unti unti na ring lumilikot ang mga mata neto. Kung saan saan niya na tinitignan si Thyroid

Miss tama na

Nakita kong Tumingin ito sa mga mata ni Thyroid, Papunta sa labi Hanggang Bumaba ito ng Bumaba

Omyghad

Agad akong napatikhim at inalis ang tingin ko sakanya nang Tumigil ang tingin neto sa baba ni thyroid, I mean sa 'ano' niya

Talaga lang? Wala na talaga akong masabi sa batang ito.

Napatingin ako sa kamay ko Hinawakan ni Thyroid. Nang tignan ko naman ito ay naka tingin pa rin naman siya Kay Mr. Ramillano habang nag uusap

Kita kong napatingin si Anayuri sa kamay namin at agad na napanguso

E bakit pa nga sinama ni Mr. Ramillano ang anak niya wala namang ginagawa ito dito

Matapos nang ilang minuto ay natapos na rin ang pag uusap nila pero yung kamay ni Thyroid ay nakahawak pa rin sa kamay ko

Ni wala na nga akong naintindihan sa mga pinag uusapan nila dahil nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak

Ginawa niya talaga 'to sa harap mismo ng ka business partner niya huh

Nang tumayo kame ay ako na mismo ay nagbitaw sa kamay niya

Tumingin pa siya sakin bago muling ibalik kay Mr. Ramillano ang tingin

MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]Where stories live. Discover now