“ dito ka nakatira?” tanong ko nang makitang halos walang mga bahay rito. Nagtakha kapa e bampira nga pala sila
May malaking gate At biglang nagbukas 'yon. Pumasok ang sasakyan na gamit namin at nakita ko ang mga naka Itim na mga lalaki at babae na nakayuko habang dumadaan ang sasakyan namin
Masyado naman silang magalang. Baka boss nila to kaya ganto
“uhuh. ” napatingin ako rito
“ binabasa mona naman ba yung iniisip ko?”
Hindi na talaga ako natutuwa sa ginagawa ng bampirang 'to
“ i like reading Your mind.”
“ tse, 'wag kang chismoso sabi. Tigilan mo kakabasa sa isip ko Alam mo naman siguro ang salitang 'privacy' diba?”
“ yeah of course. But i like reading your mind i just find it Cute. Madaldal ka pala hindi lang halata.” tila nang aasar pa ito sa pag ngisi niya
“ You're so Cute. ” dugtong pa neto
Biglang nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Agad na akong nag iwas ng tingin dahil sigurado akong namumula na yung pisngi ko ngayon
Narinig kopa ang mahinang pag tawa neto
Huminto na 'yung sasakyan
Parang ayoko nang tumuloy. Tumingin ako sakanya
“ wag nalang kaya—” hindi kona natuloy ang sasabihin ko nang makitang wala na ito sa driver seat. Napa buntong hininga nalang ako saka Tumingin sa may pinto netong passenger seat at nakita kong naka sandal na ito rito habang naka crossed arm. Binuksan neto yung pinto saka naglahad ng kamay
“ come on. ”
Ang hirap talaga pag may kasama kang bampira. Lumabas ako at hindi pinansin yung kamay niyang nakalahad
Pinagmasdan ko ang paligid. Mapapa mangha kana lang talaga sa makikita mo rito
As in wow
Dito molang makikita ang mga ganito
Napalinga linga ako at Napatigil ako nang makita ang ibang mga bampira na nakatingin saming dalawa ni Thyroid
Nagsimula nang maglakad si Thyroid kaya Sumunod na'ko. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa mga bampirang nakatingin samin. Kitang kita ko ang pumumula ng mga mata nila at mga pangil na nagsisilabasan
Mukhang hindi pa ata ako makakalabas ng buhay dito
“hindi mangyayari 'yun. ” saad ni Thyroid. Hindi na ako umimik pa at Sumunod nalang sakanya. Pumasok kame sa isang kwarto
Ang ganda ng disenyo nito.
Umupo ako sa malambot na kama
“ dito ba naka tira lahat ng bampira?” tanong ko, baka sa pananatili ko rito ay mahanap ko rin ang bampirang matagal konang hinahanap.
“ Karamihan sakanila ay Wala dito.” sagot ni Thyroid. Isa isa na rin netong inaalis yung butones ng polo niyang suot
“Hep! Teka lang. ” pigil ko rito. Mukhang maghuhubad pa ata sa harap ko e
“ why?”
“ Wag kang mag hubad sa harap ko, sabihin mo naman kung mag bibihis ka Lalabas muna ako. ” saad ko rito. Ngumisi lang ito saka Binalewala ang sinabi ko at hinubad pa rin ang polo niya kaya agad akong Tumalikod nang makitang wala na itong suot na pang itaas
Damn!
Hindi ako sanay na makakita ng katawan ng lalaki
Pero ang ganda ng katawan niya
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...