Dumating na si Mr. Darison kaya nagsimula na rin sila, lahat ng mga mga importante ay isinusulat kona sa Malliit kong notebook
Pansin kong panay ang sulyap sakin ni Mr. Darison. Kasing edad lang siguro 'to Namin base lang naman sa itsura niya
Binalewala kona lang yun at nakinig sa mga sinasabi nila
“ Keep your eyes on me, Mr Darison. Don't pay attention to the girl next to me” pasupladong sabi ni Thyroid
Napatikhim pa si Mr. Darison
“ New secretary? ” Tanong ni Mr. Darison
“ My wife also.” kita ko ang gulat sa mukha ni Mr. Darison
“oh? So she's your wife.
” saad neto“ Masyado ka naman atang nahuhuli sa balita Mr. Darison. ” saad ni Thyroid
“ bakit siya yung secretary mo? Kung ako 'yan hindi ko hahayaan na Maging secretary ko ang asawa ko, Ayokong mapagod siya dahil dyan.”
“ mabuti nalang pala at magkaiba tayo. Hindi ko naman kase masyadong pinapagod ang asawa ko of course i dont want that too, isa pang dahilan, gusto kong makita niya lahat ng ginagawa ko, Atleast nakakasama ko siya oras oras. Mapagod man ako sa trabaho ko, isang tingin lang sa maganda kong asawa ay parang nawawala rin lahat ng pagod ko. Kaya wala akong nakikitang masama kung secretary ko mismo yung asawa ko.” mahabang saad ni Thyroid
Napatulala pa ako dahil sa mga sinabi neto, hindi din agad na umimik si Mr. Darison
“oh. ” 'yun nalang ang tanging lumabas na salita mula kay Mr. Darison, Kung ako ba din siguro 'yun ay wala na rin akong masasabi
“ so let's continue.” tingin ko ay nakaramdam ng hiya si Mr. Darison
Tumango nalang si Thyroid
Pwede na talagang mag artista itong si Thyroid. Bukod kasi sa sobrang perpekto ng mukha at katawan niya ay napaka Galing niya ring umarte. Pinagpala talaga ang lalaking 'to
Matapos nilang mag usap ay sinabi ni Thyroid na pwede na akong umuwi, Mamaya pa naman ng gabi ang trabaho ko ulit kaya may oras pa akong gawin ang dapat kong gawin ngayon
Umuwi na muna ako at nagbihis saka umalis ng bahay. Hindi alam ni Thyroid na May pupuntahan ako ngayon
Bibisita muna ako kina mama. Gusto ko silang kamustahin, saka Para maibigay kona rin itong Pera. Bago ko sila puntahan ay dumaan muna ako sa isang mall, bibilhan ko ng mga damit ang mga kapatid ko. Minsan ko lang ito nagagawa kaya alam kong matutuwa sila rito. May matanggap na akong Sahod mula sa trabaho ko sa bar tapos kaka sweldo ko lang din Kay Thyroid
Matapos kong mamili ay Dumiretso na ako sa bahay nina mama
Bukas lang yung pinto kaya kumatok nalang muna ako para malaman nilang may tao
“ma?” tawag ko nang makapasok na ako sa Bahay. Nilapag ko muna yung mga pinamili ko sa sofa
“ ma?” muling tawag ko nang walang sumasagot
Bakit kaya walang sumasagot
Patungo na sana ako sa kwarto nang biglang lumabas si Naria, siya ang Pangalawa sakin. I mean siya yung panganay na anak ni Mama
“ ate?” may ngiti sa laging tawag neto at halatang nagulat sa pagdating ko
“ Naria.” naka ngiting sabi ko at Inakap siya
“ Namiss kita ate.” saad neto. Ngayon ko nalang ulit sila nakita. Wala pa pala yung dalawa naming kapatid
“nasaan sina Elaija? Si Yurica? Si mama? ” sunod sunod kong tanong. Kumalas ito sa pagkakayakap at tinignan ako
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...