Kahit na alam kong ipagtataboy lang rin ako ni mama ay bumalik pa rin ako sa bahay para kausapin sya tungkol sa Boyfriend niya
Hindi ako mapakali, ewan koba, Masama ang kutob ko sa sinasabing boyfriend ni mama
Hindi ko pa nakikilala pero kakaiba talaga yung nararamdam ko, Lalo na wala si thyroid na mahanap na impormasyon tungkol sa boyfriend ni mama
“ Ma, Sino po ba talaga yung Boyfriend niyo? ”
“ pwede ba Luna, Tantanan mo na nga ako naiirita na'ko sayo alam moba 'yun huh.”
“ ma, Kilalang kilala niyo na po ba yang boyfriend niyo? Baka mapahamak lang po kayo dahil sakanya.”
“ ano ako t*nga huh? Anong pinagsasabi mo na mapapahamak? Bwis*t na'to, mabuti nga sya e nakakabigay ng pera e ikaw?”
Tama nga si Thyroid, Ganun nga siguro kayaman ang Boyfriend ni mama
“ ma, Nag aalala lang naman po ako para Sainyo, Baka po kasi hindi niyo pa ganun ka kakilala yung lalaking 'yun.”
“ Kahit kailan pakealamera ka, Kung wala kang magawa yung asawa mo yung kulitin mo, Wag sakin naiintindihan mo? Puro mga walang kwenta rin naman yang mga sinasabi mo.”
“ nag aalala—”
“nag aalala blah blah blah umuwi kana ang dami mong satsat ”
Ang gusto ko lang naman ay yung makilala yung lalaking mahal ni mama. Gusto ko lang naman makasiguro na mabuting tao ang nakakasama ni mama. Ayoko lang naman kasi na isang araw mabalitaan ko na lang na may masama nang nangyari kay mama dahil sa lalaking 'yun
Iba mag isip si mama, Lalo na't mayaman ang lalaking 'yun.
Wala na akong nagawa kundi umalis nalang. Hindi ko kasama si Thyroid ngayon, abala siya at Hindi ko na rin nagawa pang magpaalam, Pabalik na rin ako sa opisina ngayon at baka hinahanap na ako ni Thyroid
Nang makarating ay ganon pa rin si Thyroid. Maraming kinakausap sa cellphone. Umupo na ako sa upuan ko
“ok. ” rinig kong sabi neto at Binaba na yung cellphone. Tumingin naman ito sakin
“ bakit hindi mo sinabi na Pupunta ka Sa mama mo?”
Magtatanong pa sana ako kung pano niya nalaman pero biglang sumagi sa isip ko na may mga Bantay nga pala don
“ Busy ka, Ayoko namang istorbohin kapa para lang don. Saka isa pa, Saglit lang din naman ako don, sinubukan ko lang talagang kausapin si mama. ”
“ whether i'm busy or not, dapat sinabi mo pa rin, alam mo namang nakabantay sa'yo lahat ng bampirang gustong pumatay sayo, diba. ” galit ba 'to?
Ah, Baka badtrip lang ngayong araw
“ mm, sorry.”
Napabuntong hininga ito
“ Naco-control mona talaga ang isip mo, Hindi kona masyadong nababasa. ”saad neto. Naco-control kona? Pano ko nagawa 'yun?
“ talaga? ” hindi makapaniwala kong tanong
“ yeah.” tipid namang sagot neto
Pano ko kaya nagawa 'yun?
Pinagpatuloy na namin yung ginagawa namin. May mga kinausap siya sa cellphone niya at ako naman ay chinecheck lang yung sunod niyang schedule
“ Frei? ” tawag neto
“hmm? ” bumaling ako rito
Mabilis napadpad ito sa harap ko
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...