CHAPTER 12

947 26 0
                                    

“ ay sorry. ” saad ko nang may maka bangga akong empleyado dito. nang tignan ko ito ay namukhaan ko siya agad

“ ikaw?”

“maam Luna. ”

Siya yung babaeng Muntikan nang mabiktima ng Mga bampira

“ bakit pumapasok ka parin? ” Tanong ko, nagkamot pa ito ng batok

“ E marami pong pinapatapos si boss e.”

“ Pero ayos kana ba?” tanong ko, pwede ko naman sigurong kausapin si Thyroid tungkol dito

“ Opo maam, okay na po, salamat po Sainyo.” hinawakan ko ito sa balikat saka nginitian

“ Sinabi ko naman na sayo na Luna nalang ang itawag mo sakin, si Thyroid naman Yung boss niyo hindi ako. ” may ngiti pa rin sa labi nang sinasabi ko ito

Nahihiyang Napakamot ito ng ulo

“ e asawa naman po kayo ng boss namin kaya parang boss na din po kayo namin.” saad neto

“ Ah basta, Luna na ang itatawag mo sakin, Okay lang naman sa'yo 'yun diba?”

Agad itong ngumiti at Tumango tango

“ oo naman, Okay na okay sakin.” agad na sagot neto kaya Napangiti ako. Mukhang may bago na akong kaibigan dito

Oo nga pala, Simula nang makita kame ay hindi kopa naitatanong ang pangalan niya.

“ Ano nga pala ang pangalan mo? ”

“ Fairazha po, Fairazha Cruz. ” pagpapakilala neto. Tumango tango ako

“ Masaya akong makilala ka, Fairazha.” naka ngiting sabi ko. Nginitian naman ako neto pabalik

“ Ang ganda mo Talaga Luna. ” titig na titig ito sakin na para bang nagagandahan talaga siya sakin

“ Nako, Salamat. Ikaw rin naman e. ”

“ nako, Binobola mo naman ako.” May suot lang talaga siyang salamin pero kung tatanggalin niya 'yan ay alam kong mas lalo siyang gaganda

“ Totoo naman kasi e, Maganda ka talaga.” saad ko

“ s-salamat, Ikaw ang kauna unahang tao na nagsabi sakin niyan. ”

“ pero seryoso nga, maganda ka.”

Mahina itong napatawa dahil siguro sa paulit ulit ko nang sinabi 'to

Gusto ko lang naman na sabihin 'to dahil 'yun din naman ang totoo baka isipin niyang binobola ko lang siya

“ Salamat.”

“ Ah, Luna, balik na muna ako sa trabaho ah? Kapag ka dadaan ka ulit dito sana Makausap kita ulit.” saad neto. Ngumiti naman ako

“ Syempre, mamaya, sabay na tayong mag lunch. ” saad ko, agad itong napa ngiti at kitang kita na nasiyahan ito sa sinabi ko

“ talaga?! Sige ba.” masayang sabi neto kaya Napangiti ako

“ sige na. ” naka ngiting saad ko. Kumaway na ito nang magpaalam. Tinalikuran ko na siya at Napapikit nalang ako sa gulat nang makita ko si Thyroid na nasa harap ko

“nanggugulat ka. ” kung may sakit lang ako sa puso ay baka inatake nako sa puso dahil sa kagagawan ng lalaking 'to

“ kanina pa kita tinatawagan.” saad neto. Tinignan ko naman yung cellphone ko at nakita kong mga 20 missed call na Galing sakanya. Hindi ko narinig na Tumawag siya ah, masyado kasing naging chismosa

“ pasensya na, Ano po bang kailangan mo sir?” pormal na tanong ko

“ pumasok yung Secretary ni Enriquez At may dala itong Adobong may bawang. ”

MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]Where stories live. Discover now