LUNA FREI POV
“ Fvck that! Maswerte siya dahil nakatakas siya. Kung hindi Napatay kona 'yun ngayon. ” nanggagalaiting sabi ni Thyroid. Naka uwi na rin kame ngayon. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang kapatid ko
Sigurado akong naghihirap na siya ngayon sa kamay ng mga bampirang 'yun
Paano ko siya Mahahanap kung mismong mukha niya ay hindi ko kilala.
Biglang sumagi sa isip ko na may birthmark pala ito sa may likod.
Pero hindi ko naman pwedeng Isa isa ang mga babae doon para lang makita ko ang Birthmark na 'yun
“ Kung ganon, Malapit mo nang mahanap ang kapatid mo.” saad neto. Tumingin ako rito saka Bumuntong hininga
“ malapit na.”
“ Kaya pala Hirap kameng makakuha ng impormasyon sa mama mo dahil si Nion ang Boyfriend niya. ”
“ Delikado ang mama mo Frei, Pwedeng niyang kagatin ito upang maging bampira ang Mama mo.” bigla akong Kinabahan para kay Mama
“ kung ganon kailangan kong balaan si mama tungkol dito.” tumayo ako, Hindi na ako pwedeng mag aksaya ng oras. Lalo na't sa nakikita ko ngayon ay nagiging sunod sunuran na si mama sa Noon na 'yun. Kailangang malaman ni mama na ang boyfriend na kasama niya ay isang bampira
“ Sigurado akong Hindi tayo paniniwalaan ng mama mo.”
“alam ko Thyroid, Pero kailangan niya paring malaman 'to ”
Tumango ito
“sasamahan kita. ”
Tumango nalang din ako at sabay na kameng lumabas, Sa bahay kame unang nagpunta. Hindi din masayang ang oras namin dahil andito si mama
“ma. ” tawag ko. Lumingon ito sakin
“ oh anong ginagawa mo dito?” binitawan neto yung mga Damit na hawak niya. Mukhang kakabili lang ng mga ito
“ Ma, May kailangan kang malaman.”
Nangunot lang ang noo neto
Sobrang saya ko na kanina dahil akala ko magkaka ayos na kame ni mama, Hindi ko alam na ginawa niya lang pala 'yun para sa Nion na 'yun
“ oh ano na naman 'yan?”
“ ma Tungkol po sa Boyfriend mo.”
“ Ano? Anong tungkol sakanya?”
“ Ma... hindi siya tao, Hiwalayan niyo po siya mapapahamak lang kayo sakanya. ”
Tinitigan lang ako neto saka ako pinagtaasan ng kilay
“ sinisiraan mopa ata ang Boyfriend ko ah.”
“ ma Hindi..”
“ Naiinggit ka ba Luna? Ayaw mo lang ata na nakikita akong masaya sa Boyfriend ko ah”
Umiling iling ako. Gusto kong maging masaya ka ma, Pero ang gusto ko sa lalaking Totoong mahal ka
“ Hindi po sa ganun ma. ”
“ oh e Ano yang sinasabi mong hindi siya tao? Pinaglololoko moba ako huh? ”
“ ma, Bampira siya. Yun ang totoo.”
Tinawanan lang ako neto
“ Bampira? Nababaliw kana ba Luna huh? Saan mo naman nakuha 'yan?” napailing iling pa ito
“ Umalis kana, Lagi kana lang ba talagang pupunta dito para sa mga ganyan huh? Sa mga walang kwenta mong sinasabi. ”
“she's telling the truth. ” sabat ni Thyroid na kakapasok lang dito. Nasa labas lang siya kanina, Sinabi kong sa kotse na siya maghintay para hindi na rin siya pag initan ni mama
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...