CHAPTER 9

1K 25 0
                                    

“ Zup Luna. ” masiglang sabi ni Xeonn nang makarating ako sa sala. Kakagising ko lang kaya Hindi ko rin alam na andito pala sila. Ang dami nila yung iba ay pamilyar, Kapatid ito ni Thyroid na nagpakilala saakin nung Kinasal kame. Pero itong mga babae ay Ngayon ko lang nakita

Ayoko na sanang lumapit kasi baka makaka istorbo Lang ako sakanila pero nagmumukha rin akong bastos kaya babatiin kona lang sila.

“ Hello, Good morning. ” pinasadahan kona lang sila Ng Tingin

Mukha namang mababait yung mga babae, Naka ngiti kasi silang naka tingin saakin

“ Good morning too Luna! I' am Haraya Sy.” naka ngiting pagpapakilala ng Magandang Babae, Mukhang mas bata siya kesa saamin. Naglahad ito ng kamay kaya naka ngiting tinanggap ko 'yon

“ Hi Luna, I' am Niyana Elle. ” naka ngiting pagpapakilala Ng isang Babae, naglahad din ito ng kamay kaya naka ngiting tinanggap ko 'yon

“ Magkapatid ang dalawang 'yan. ” saad ni Xeonn. Tumango nalang ako. Medyo nahihiya pa akong makipag usap sakanila kaya puro tango nalang muna ako

“ And asawa rin netong si Reigh Win.” saad ni Xeonn

“ Asawa mo Si Reigh win?” di makapaniwalang tanong ko Sa nagpakilalang Si Niyana Elle. Mag asawa pala ang dalawang ito?

Naka ngiting Tumango ito bilang sagot

“oo, Hindi ba kapani-paniwala? ” may ngiti sa labi nang tanungin niya ito

“ ah, Hindi. Hindi lang talaga halata na may asawa na kayo.” saad ko

“ Si Reigh win at si Thyroid lang naman ang may asawa dito.” saad ni Vann del nang may pilyong ngiti sabay tingin sa dalawang Binaggit niya na may asawa

Napatingin naman ako kay Thyroid

“ Ano ba kayo, Inaasar niyo pa talaga, baka mamaya e mailang na itong si Luna.” saad ni Haraya

Alam kaya nila?

“okay lang. ” saad ko at tipid pang ngumiti.

“ uy Okay lang daw.” may panunuksong sabi Ni Xeonn sabay Tingin kay Thyroid

Oh? Mukhang nagkamali ata sila ng pagkakaintindi. Sinabi ko lang na 'okay lang' kasi hindi ko naman alam Kung alam na ba nila yung totoo o hindi. Ayoko naman na Mabadtrip sila sakin Dahil Hindi ako nakikisakay sakanila

“ Pinandigan yung pagiging mag asawa e. ” may pilyong Ngiti sa labi Ni Reigh win. Ang asawa niya namang si Niyana ay Naka ngiti lang

Kung ganon alam pala nilang Pagpapanggap lang ang lahat ng ito

“ Sinabi na saamin Ni Thyroid ang tungkol dito. ” saad ni Vann del

“ Pasensya na Kung kinakailangan kopang guluhin yung Kapatid niyo para lang sa Problema ko. ” saad ko, Nakakahiya na, baka kung ano ang isipin nila

“ okay na okay lang samin Luna, saka sigurado rin naman kameng Mas okay 'to kay Thyroid. ” naka ngising sabi Ni Xeonn sabay Tingin kay Thyroid.

“ Hindi niyo ba kame titigilan sa pang aasar niyo ah?” Ewan ko kung naiinis na ba si thyroid o ano ba ito, hindi ko naman kasi makita sa mukha niya yung inis

“ Kunwari na aasar pero deep inside Gustong gusto rin naman.” panunukso ni Vann del. Lahat sila ay nagtawanan maliban samin Ni Thyroid

“ damn you.” rinig kong sabi ni Thyroid

“ Uyy, Kinikilig!” panunukso ni Haraya

“shut up Haraya ” saad ni Thyroid

“ Why? Totoo namang kinikilig ka, Halata kaya. ” saad ni Haraya.. ang sweet naman nilang tignan. Nakita ko ang agad na pag tingin sakin ni Thyroid

MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]Where stories live. Discover now