CHAPTER 7

1K 25 0
                                    


Naka balik na Kame sa Opisina niya. Umupo na muna ako sa table na nasa tabi ng table niya. Talagang dito niya inilagay yung table ko para magkalapit lang daw kame.

May kumatok sa Pinto kaya pareho kameng napatingin roon

“ Come in.” saad ni Thyroid. bumukas ang Pinto At iniluwa non ang isang Lalaki. Teka? Pamilyar siya

Parang... model siya..

Tama!

Agad akong tumayo sa kinauupan ko nang Makompirmang isa ngang model itong pumasok sa opisina ni Thyroid. Pareho silang napatingin sakin dahil siguro sa biglaan kong pagtayo

Siya si Gabriel Alixtori. Isang sikat na model Damn! Para akong nananaginip. Totoo ba ito?

“ Gabriel. ” sambit ni Thyroid kay Gabriel. Si Gabriel naman ay naupo sa isang sofa. Teka? Magkakilala ba sila?

“ Myghad! Gabriel Alixtori? Damn!” halos mapatili na ako Dito

Ang gwapo niya pala talaga sa personal. Ngumiti ito saakin

“oh? You know me? ”

“ Syempre naman, Sikat na model ka kaya.” gusto ko paring tumili pero pinipigilan ko nalang dahil magmumukha na talaga akong tanga nito

“oh? ” tumayo ito nang naka ngiti saka lumapit sakin. Ako naman ito ay hindi mawala ang ngiti sa labi. Idol na idol ko talaga siya e

“ Thanks. ” nakangiting pasasalamat neto na nagpakunot ng noo ko

Wala pa naman akong sinasabi kaya bat naman kaya siya nagpasalamat?

“ thanks?” naguguluhang tanong ko. Weird din ang isang 'to

“distansya Gabriel. ”

Mahinang napatawa si Gabriel saka lumayo ng konti sakin.

Napa nguso nalang ako. Ano na naman bang problema netong si Thyroid

“ Finally, Na meet kona rin ang magandang Asawa ni Thyroid.” ngumisi ito bago bumalik sa sofa na kung saan siya nakaupo kanina at naka dekwatro pa itong umupo

Magkakilala nga sila.

“ Hindi lang basta Magkakilala.” naka ngising sabi ni Gabriel. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi neto

Wala naman akong sinasabi, pero bakit parang nababasa niya yung iniisip ko?

Don't tell me...

“ bampira ka rin?” di makapaniwalang tanong ko

“ Hulaan mo. ” naka ngising sabi neto.

Bampira nga

Ang modelong Si Gabriel Alixtori ay isa palang Bampira.

“ What brings you here, Gabriel? ” ewan ko kung bakit parang inis na naman si Thyroid e wala namang ginagawa sakanya yung tao, ah mali, yung 'bampira' pala.

“ Wala akong Magawa, I just Came here cause i want to. Parang hindi kapa nasanay sakin. ” saad neto at tinignan ako

“ na disappoint ka yata nang malaman mong isa rin akong bampira. ” saad neto sakin. Umupo na muna ako sa Upuan ko

“ ah, Hindi ah. Hindi lang ako makapaniwala na isa ka rin palang bampira.” saad ko saka tinignan si Thyroid

“ I like your Eyes.” naka ngising sabi neto

Napatingin ako sa Isang vase na lumulutang. Natulala pa ako dahil sa nakita ko saka tumingin kay Thyroid na masama ang tingin kay Gabriel

Siya ba ang may gawa niyan?

MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]Where stories live. Discover now