CHAPTER 29

741 27 0
                                    

THYROID POV

“ Thyroid ano na? Tatlong buwan nalang at kaarawan na rin ni Luna, Hindi din natin maitatago sakanya ang tunay niyang pagkatao.” saad ni Reigh win

Hindi ko na malaman ang gagawin ko, I want to tell her the truth pero hindi ko alam kung paano, Sigurado akong hindi niya matatanggap ito pag sinabi ko. Galit nga siya sa mga bampira, Paano kung malaman niyang isa rin siya bampira, Bampirang lobo.

“ You need to tell the truth thy, Kung hindi, Baka pati saatin magalit siya dahil naglihim pa tayo. ” saad ni Niyana

Hindi ako kumibo

Alam kong hindi madali para kay Frei na Tanggapin 'to, But Niyana is right. Pag hindi ko pa sinabi, may posibilidad na pati saamin ay magalit siya dahil naglihim kame

Ayokong magalit siya sakin, Hindi ko kaya.

LUNA FREI POV

Lumabas ako ng mansyon para Bumili ng pagkain ng mga kapatid ko, palabas na ako ng gate nang makita kong may isang Maliit na papel roon.

Hindi ko alam kung bakit ko nilapitan at kinuha 'yun pero parang may nag uudyok sakin na basahin ko kung ano man ang nakasulat doon.

'How are you princess, ilang buwan kana nga bang nakatira dyan sa bahay ng asawa mo? Ilang buwan mona nga ba siyang nakakasama? Kilalang kilala kana niya noh? Pero ikaw? Kilalang kilala mona ba siya? Yang mga bampira na nakakasama mo? Sigurado kabang wala silang itinatagong sikreto sayo? Oh, poor princess, kampanteng kampante ka sa teritoryo nila e baka hindi mo alam nandyan ka lang dahil baka may kailangan sila sayo'

Pagbasa ko sa nakasulat dito sa papel

Walang pangalan na nakalagay kung kanina galing

“anong ibig niyang sabihin? ” Binaba ko yung papel at tumingin sa kawalan

Naguguluhan ako sa lahat ng mga sinabi niya

May kailangan lang sakin si Thyroid kaya Niya ako pinatira dito?

Anong...

Argh

Piniga ko yung papel sabay hapon sa malayo

Baka may nang-trip lang, O baka naman baka hindi talaga 'yun para sakin

“ pero nandon ang pangalan ni Thyroid.”

Halatang para saakin 'yun

Sino ba talaga ang nagsulat non? Anong alam niya sa buhay ko.

“hindi, 'wag mona lang isipin 'yun Luna, May batang nantrip kaya ganon. ”

Umalis ako nang Pinipilit na kalimutan ang nabasa ko pero nang makabalik ako ay talagang hindi maalis sa isip ko ang nabasa ko.

Sino ba talaga siya? Anong alam niya tungkol sa buhay ko?

“ate? Bakit parang tulala ka dyan. ” saad ni Naria

“ha, ah wala. ” saad ko at ngumiti upang maipakitang ayos lang ako

“nagugutom naba kayo? ” tanong ko

“ hindi pa ate, Kakakain lang namin ni Kuya Thyroid. ” sagot ni Elaija. Itong si Thyroid at elaija talaga ang pinakamagksaundo. Magkasundo sa kulitan.

“ mm ganun ba, Sige kapag nagugutom na kayo sabihan niyo lang ako okay?”

Tumango tango naman sila

_________

“ eto.” nilapag ko sa Maliit na table yung baso na may laman na dugo. Nasa guest room ako ngayon, Dinalhan ko siya ng dugo dahil hindi naman siya uminom neto kanina

MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]Where stories live. Discover now