“ahhh! ” malakas na daing ko nang makalabas ako. Napatingala ako sa sobrang sakit, Nakaluhod ako ngayon habang nakatingala, hindi ko na maintindihan kung ano itong nangyayari sakin.
Napatingin ako sa buwan na Bilog na bilog
“ Prince Thyroid. ” rinig ko pang tawag ng isa sa mga Bampira dito
“ frei.”
Hindi kona Kaya 'to
Naiyukom kona lang kamay ko kasabay non ang pagbagsak ng paningin ko, Habol habol ang hininga
Parang may kakaibang Pagbabago akong naramdaman sa katawan ko
“ frei.” narinig kong mahinang pagtawag ni Thyroid, hinahabol ko parin ang hininga. Umangat ang tingin ko sakanya na Namumula na ang mata ngayon
Bigla akong nagulat sa nakita ko
I can almost see his veins
Paano ko nagawa 'yon?
Medyo nakakaramdam din ako ng Uhaw
“binabati po namin kayo. ” sabay sabay na Yumuko ang mga bampira na narito. May naamoy akong kakaibang lakas
Bakit nakayuko silang lahat ngayon?
Tumayo ako na para bang walang nangyari
“ frei”
“thyroid ”
Muli kong tinignan ang mga bampirang nakayuko at Bumaling kay Thyroid nang may pagtatakha sa mukha
“Thyroid, anong ginagawa nila? ”
“Frei, You are now an... ” nakikita ko ang pag aalinlangan rito
“ werewolf-vampire.” pagtutuloy neto na ikinabigla ko. Werewolf-vampire? Anong pinagsasabi niya?
“ werewolf-vampire?” naguguluhang tanong ko, Dahan dahan itong tumango
“thyroid, Naguguluhan ako, Anong bang pinagsasabi mo? ”
Kung ano-ano nang tumatakbo sa isip ko dahil sa sinabi niya
Anong werewolf-vampire? Tao ako, Tao.
“ Frei, Let me explain it to you.”
“explain what? ”
“Bakit sila nakayuko? Hindi nila dapat na ginagawa 'yan. ” tinignan ko ang bampirang nakayuko parin
“ binabati ka nila. ” malumnay na sabi ni Thyroid
Lumipad ang tingin ko sa isang malaking salamin na medyo may kalayuan samin pero dahil malaki ito ay nakikita ko parin ang sarili ko
Hindi kona inalis ang tingin ko sa salamin dahil sa nakita ko
Bakit.. namumula ang mga mata ko?
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa salamin para kumpirmahin kung talagang namumula ba 'yung mga mata ko, Baka namamalikmata lang ako
Pero nang makalapit na ako ay ganun nalang ang gulat ko nang makitang namumula nga ito, Katulad ng isang.. bampira
“ thyroid, ano 'to? Anong nangyayari sakin?”
“Luna, Dumating na yung oras, Isa kanang ganap na Werewolf-vampire. ” rinig kong boses ni Niyana. Andito na pala sila, halos lahat sila ay narito
Lumingon ako sakanila
“ Paanong...”
“ hindi! Tao ako, imposibleng isa akong werewolf-vampire na sinasabi niyong 'yan.” Pinipilit kong paniwalaan sa sarili ko isa talaga akong tao, hindi pwede, ayoko.
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...