CHAPTER 37

692 19 0
                                    


LUNA FREI POV

I need to find out the truth. Alam kong may tinatago sila sakin. Kahina-hinala na silang lahat. Baka nga may dapat akong malaman tungkol sa tunay kong pagkatao.

Nasa isang Restaurant kame ni mama, Mabuti at Pumayag siyang makipag kita sakin. Si mama lang ang pwede kong tanungin tungkol kay papa o kay mama.

“ ma, bakit hindi ko nakilala si lola at lolo, Yung nanay po ni papa.” tanong ko. lagi ko ring iniisip kung bakit walang naiiku-kwento noon si mama tungkol kay lolo at lola

“ malay ko sa papa mong 'yan, Kahit naman ako hindi niya pinakilala sa Ina at ama niya.”

“masyadong misteryoso ang buhay ng papa mo. Kahit asawa kona siya marami pa rin akong hindi alam tungkol sakanya. ” dugtong neto

Masyadong misteryoso ang buhay ni papa..

“si ma..ma po ba? May.. alam po ba kayo tungkol sakanya? ” nag aalinlangan pa akong tanungin 'yun

Umirap ito

“ wag mo akong tanungin tungkol dyan sa bwis*t mong ina dahil wala akong alam sakanya.”

“may napapansin po ba kayong kakaiba kay Papa noon? ”

Hindi ko alam kung bakit 'yan agad ang naisip kong tanungin. Pero kasi pakiramdam ko may kakaiba sa pagkatao namin.

“ Gaya ng ano? ”

“ kahit ano po.” gusto kong malaman ang kahit na ano man, Sigurado akong may kakaiba talaga sa'kin

“alam mo Luna, Nagsasayang kalang ng oras, wala akong alam tungkol sa papa wala na akong pakealam kung maniwala ka man o hindi, Gaya ng sabi ko, masyadong misteryoso ang papa mo, kahit ako na asawa e marami paring hindi alam tungkol sakanya. ” mahabang sabi ni mama

Kung ganon pinakasalan niya si papa nang wala man lang ka-alam alam sa buhay neto?

Si mama kaya, Kilalang kilala niya na kaya si papa

“ bakit ba parang may gusto kang malaman tungkol sa papa Mo?”

“ah, Wala po. ”

“ tsk, Sinasayang mo lang ata oras ko ah.”

“sige na ” tumayo na ito “wag mona ako ulit istorbohin para lang sa wala naiintindihan moba? ”

Dahan dahan akong Tumango. Umalis na ito. Umalis na rin ako dito at may isa pang pinuntahan, Ang kaibigan ni mama, Si Teacher Cassie. Guro noon si Mama sa isang elementary, Kaya may mga kaibigan rin siyang guro, si Teacher Cassie nga lang ang pinaka close niya.

“ Ano hong kailangan nila?”

“ teacher Cassie.”

Nangunot ang noo neto. Hindi niya na ako naaalala dahil bata pa naman ako nung huli niya akong makita saka ang alam rin kasi nila kasama akong namatay ni mama, Matagal na 'yun pero Wala na kasing nakakakilala sakin ngayon dahil nga lumipat kame ng tiarahan.

“ah? Pasensya na iha ha, Kilala ba kita? Parang di kasi kita matandaan. ”

“ teka, tuloy ka na muna.” saad neto, Tumango at pumasok sa loob. Umupo ako sa sofa Habang si Teacher Cassie naman ay kumuha pa ng maiinom.

“eto.” nilapag niya yung juice sa coffee table saka umupo na rin

“ teacher cassie, Ako po ito, Si Luna.”

“ Luna? ”

“ Luna Frei?” Tumango ako. Halatang nagulat ito pero agad din ako netong inakap kaya inakap ko ito pabalik

MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]Where stories live. Discover now