Kabanata Anim

391 23 5
                                        

Lolo Mario

Alas sais na ng umaga ng magising ako, tahimik pa ang buong bahay at mukhang tulog pa ang mga apo ko at ang mga kaibigan nila. Malamang mga puyat at may mga hangover pa.

Dali-dali naman akong bumangon at nag ayos para makapag luto na ng umagahan at para rin makapag alay na ako ng pagkain sa bantay namin sa may sapa. Paglabas ko ng kwarto ay nadaanan ko ang terrace kung saan sila naginuman. Medyo malinis naman na pero ang talagang nakakuha sa atensyon ko ay ang upuan malapit sa grills na naka harap pa sa may sapa. Nabaling agad ang tingin ko sa puno pero hindi ko makita ang anino ng bantay namin.

"Nakapag usap na ba ulit ang dalawa?" Napa kibi't balikat na lang ako bago magsimulang mag linis sa terrace.

Halos tatlong minuto pa lang ang nakakalipas at medyo patapos na rin naman akong maglinis ng magising ang isa sa mga kaibigan ni Sevi.

"Lo, ako na ho dyan! Siraulong Sevi 'to, sya nag prisintang mag lilinis" Ani Jackson bago kuhanin ang walis na hawak ko.

"Si Severino ba ang naiwan dito kagabi?"

"Opo lolo. Lasing na lasing ho kasi ang iba samin kaya pinag tulungan namin ni Woo na buhatin papuntang kwarto. Si Sevi naman ho ang nag prisintang mag linis, siguro ho kasi alam nyang mga duwag kaming maiwan dito" Aniya habang nag wawalis.

"Ahh. Hindi ba niya nabanggit kung nakikita o nakakausap niya na si Alandy?" Tanong ko at laking gulat ko ng tumakbo si Jackson palapit sa'kin.

"Lo naman! Wag nyo na po banggitin pangalan, baka biglang magpakita" Kabadong saad ni Jackson at nagtago pa sa likod ko na dahilan ng paghagalpak ko ng tawa.

"Ito namang batang ito napaka liwanag dito sa labas natatakot ka. Ang laki laki pa nyang katawan mo" Singhal ko naman bago layasan si Jackson at magtungo sa kusina bitbit ang plastik na may lamang mga basura.

"Lolo Mario hintay! sabay na ko pa baba si Woo na lang mag tutuloy ng pag wawalis" Rinig kong sigaw ni Jackson habang nag tatatakbo at naka sunod sa'kin.

"Tulungan na kita Lo. Ano bang lulutuin mo?" Tanong ni Jackson at hanggang sa ref ay nakasunod sakin.

"Ang duwag naman netong batang to! Magtimpla ka na lang ng kape at maupo ka dyan" Saad ko bago ituro ang kitchen island at high chair.

"Nasa tapat mo lang ako ano ka ba!" Muli kong wika ng hindi pa rin kumikilos si Jackson.

"Hala ka duwag!"

"putangina mo! Gago ka na naman Jeongyeon para kang tanga eh!" Singhal ni Jackson nang gulatin siya ni Yeonie na kabababa lang ng hagdan.

Kanina ko pa siya nakitang pa baba na ng hagdan, sumenyas lang siya na wag daw akong maingay, may plano palang gulatin si Jackson.

"Ano pong lulutuin niyo lo? Tulungan ko na po kayo" Pag p-prisinta ni Jeongyeon.

"Hay nako! Maupo na nga kayong dalawa. May kape dyan at mainit na tubig kung gusto nyong magkape." Saad ko bago ihanda ang lulutuing fried rice, itlog, tocino at tuyo.

"Kapag ho may kailangan ka lo, utusan niyo lang po kami ah" Ani Jeongyeon bago magtungo sa table para mag timpla ng kape.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay isa-isa nang nagbabababaan ang mag kakaibigan.

"Goodmorning lo. May sabaw ba tayong pwedeng lutuin? Ang sakit ng ulo ko" Ani Chae pagbaba at minamasahe pa ang ulo.

"Ako na magluluto may hang over din kasi tong si Jimin"

"Salamat Yoongi" wika ni Chae bago maupo sa tabi ni Sana at Momo. Agad namang tumabi sa'kin si Yoongi at nagluto ng noodles na binili nila nung nakaraang araw. Kumpleto na ang mga kaibigan ni Chae, si Sevi at Woo na lang rin naman ang kulang sa kabilang grupo.

Marahuyo || Taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon