Kabanata Labing-Tatlo

300 19 0
                                    

Sevi

Pag dating namin sa bahay ay dumeretso na si lolo sa kwarto nIya, siguro ay dumaan din sIya saglit sa terrace since naririnig ko na ang music from there. Nagpalit lang rin ako ng comfortable na damit bago umakyat sa taas. Ikinaway ko pa ang aking kamay ko when i saw Andy looking at me.

"parang gago naman oh! Hindi na nga namin pinapansin eh" Ani Eunwoo, saka ko lang napansin ang pag iba ng pwesto ng mga upuan.

"bakit nakatalikod na yang sofa sa sapa? Nasa gilid yan ah?" Tanong ko bago naupo sa single couch, ang bukod tanging upuan na nakaharap sa malaking puno.

"Para hindi namin na aaninag" Ani Hobi.

"saka sabi mo hindi naman siya nakakatawid diba? okay na tong ganitong pwesto" Dagdag naman ni Sana.

"Wala naman syang pake sa inyo" Sagot ko at palihim na tumingin kay Andy na mahinhing tumatawa.

"Habol ka na! Dalawang baso agad para sayo" Saad ni Jin bago ilapag ang dalawang malamig na canned beer. Pag kuha ko ng beer I just noticed na kulang kami ng isa, si Yeri. Buti naman hindi ko kasi alam paano siya pakikitunguhan after what happened.

"Wala kaibigan niyo? ayaw uminom?" Tanong ko habang umiinom ng beer.

"Wala daw siya sa mood" Sagot naman ni Jeongyeon

"wag mong pagtakpan" Singhal ni Jackson.

"bakit anong nangyari?" Tanong ko naman bago ibaba ang beer sa mesa.

"Wala naman daw kayong mga kwentang kainuman kaya bakit pa siya sasama" Singit naman ni Momo

"Ay bakit nakikisali?" Tanong ni Chae sa kaibigan niya

"Gusto atang sumali sa issue nila" ani Jimin at naiilingiling pa.

"Pag pasensyahan niyo na kaibigan namin ah hindi naman ganyan yan, ewan ano nangyari" ani Namjoon.

"Anong hindi ganyan? magaspang na talaga ugali nyan mas lumala lang ngayon"

"Gago ka Woo! Mabait naman yan si Yeri, malala nga lang pag nag topak" Ani Yeon.

"Buti na lang walang ganyan satin, bibigwasan ko talaga." Saad ni Hobi at isa-isa pang tinitingnan ang mga kaibigan.

"Anyway, sinong nag papatugtog?"

Pansin ko kasi puro English na RnB ang mga kanta, e hindi naiintindihan ni Andy to. Mukha ring inaantok na isya kaya lang baka hindi makatulog kakaisip sa meaning ng mga pinapatugtog nila.

"Ako lods pero bakit ka nangingiti?" Ani Woo.

Agad ko namang inayos ang labi ko, hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako naka ngiti. Hindi ko nga rin namalayan na nakangiti ako.

Malala ka na Sevi.

"Ako nga mag papatugtog"

"Ge lods off ko na bluetooth, ikaw na mag connect" Sagot naman ni Eunwoo.

I search for OPM music on Spotify luckily maraming playlist na puro tagalog songs duon. I connect my phone to the speaker before i play the playlist on shuffle.

"Uy okay yan! OPM tayo ngayon" ani Yoongi at ani mo'y nag d-drums pa gamit ang kanyang kamay.

Alapaap. I can use this song para sa mga susunod na video na ipapakita ko kay Andy.

"Sabay sabay!" Ani Woo at tumayo pa habang ginagawang mic yung tinidor. sabay sabay naman kaming nag kantahan lahat, iba sa'min ay naka tayo pa na akala mo'y nasa concert.

"Masdan mo ang aking mata
'Di mo ba nakikita
Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama?"

Natawa pa ako sa part na "ako ngayo'y lumililad at nasa langit na. Guto mo bang sumama?" Naalala ko yung sinabi ni lolo James na baka kunin daw ako ni Andy. Well, kung ganyan naman kaganda ang kukuha sakin papuntang langit bakit hindi?

"Ay oh ngumingiti magisa tropa nyo" ani Chae.

"Sevi ano? Gusto mo na pumuntang langit?" Natatawang tanong ni Jin.

"Kung maganda ang kukuha sakin, bakit hindi?" Tanong ko habang nakatingin kay Andy. Umiiling naman sya sakin at mukhang naintindihan ang medyo half meant kong biro.

Natawa na lang ako dahil sa reaction ni Alandy but then i realized something, na intindihan niya ang biro ko. He shook his head without smiling as if he's saying no to me. So does that means na.... Alam niya talagang patay na siya?

When the song ends ay nagupuan muli ang mga kaibigan ko. Pero sabay sabay pa silang nag tayuan ng marinig ang intro ng panibagong kanta.

"Yaaaan! Gusto ko yang kantang yan!" Excited na saad ni Yoongi.

Kanya kanya naman silang kanta at may hawak hawak pa na mga gamit para gawing mic. I looked at Andy at natatawa na lang siya sa mga kaibigan ko. Nakitayo na rin ako at nakikanta, nagkatinginan pa kami ni Andy at tinapunan niya ako ng napaka gandang ngiti.

Good job sakin! Nabuhay ko na ang inuman namin naka relate pa si Andy sa mga kanta.

"Ayan na!!!" Sigaw ni Jackson at sabay sabay naman silang nag tatatalon.

Tumingin naman ako kay Andy bago kantahin ang susunod na mga lyrics ng kanta.

"Sagutin mo lang ako aking sinta'y walang humpay na ligaya at asahang iibigin ka
Sa tanghali sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Na tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya"

Napa ngiti naman si Andy, that smile, ibang iba sa mga ngiti niya noon. This time his smile is too sweet, boxy smile is there but his smile right now makes him glow. That kind of glow when you're looking at some you truly adore.

Hindi ko na nga rin napansin ang mga kaibigan ko and the only person or spirit i see is Alandy.

Pwede nga kaya?

Pwede nga kayang mag karoon ng buong ligaya ang multo at tao?

Marahuyo || Taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon