Kabanata Pito

421 29 8
                                        

Sevi

After naming mag breakfast ay dumeretso agad ako ng kwarto, I checked through the window kung anduon na ulit sa puno si Alandy pero wala pa rin until now kaya nag decide muna akong maligo. Plano kasi ng mga kaibigan ko at nila Chae na mag punta sa isang sikat sa restaurant dito sa Sta. Fe. Isa pa, kailangan din namin ng internet connection ng mga kaibigan ko para icheck kung ano na ang update sa club namin.

"Wuuuh ang lamig puta!" Wika ko paglabas ng CR.

I just finished taking a bath at grabe ang lamig ng tubig dito. Hindi ko rin alam kung bakit sa laki at moderno ng bahay ni lolo ay nakalimutan nyang magpalagay ng heater. Gusto pa rin niya ata ay mag painit ng tubig kada ligo.

Paglabas ko ng CR ay naka suot na ako ng board short pero wala pa akong suot na T-shirt dahil pinapatuyo ko pa ang aking buhok. I checked my window again and a beautiful smile immediately formed on my lips when i saw that Alandy is already there.

"Magandang umaga, Sevi" Aniya as he showed me his boxy smile.

That smile that I'm starting to love each passing day, that boxy smile i first saw when i was 7.

"Goodmorning naman sayo Alandy." Sagot ko naman bago buksan ang bintana.

"Twing anong oras ka ba nag pupunta dyan sa puno?" Tanong ko pero agad nya akong tinalikuran.

"Palagi lang naman akong narito" sagot naman niya.

Bakit kaya to nakatalikod?

"Bakit ayaw mong humarap sakin?"

"N-nakalimutan mo ata ang iyong saplot." Aniya.

Hagalpak naman ang tawa ko. Oo nga pala, minsan nakakalimutan ko na lumang tao ngapala 'tong kaharap ko and they aren't as liberated as we are in this generation now.

"Ano ang nakakatawa Sevi?" Tanong niya at hindi pa rin ako nililingon.

Mas inayos ko naman ang pag tayo ko para mas makita nya ang buong katawan ko bago sya muling tawagin.

"Okay na Alandy, may suot na kong damit"

Agad namang lumingon si Alandy na may ngiti sa labi, pero wala pang ilang segundo ay halos manlaki ang mata niya at muling tumalikod.

"Bastos! Dyan ka na ng-"

"Oy sandali! Ito na mag bibihis na! Ang yummy ko kaya!"

Dali dali naman akong kumuha ng t-shirt sa kabinet. Nako! Pag ibang tao yan nag laway na sila sa abs at utong ko, siya lang ata ang nag iisang tinalikuran ang katawan na to.

"Ito na may suot na ko"

"Hindi na, mas mainam na magusap tayo ng ganito" sagot naman niya at naka talikod pa rin

"May suot na nga po. Harap ka na sakin, gusto ko makita mukha mo" malambing kong saad at nangingiti pa.

Dahan dahan naman akong nilingon ni Alandy at napa hingang malalim pa siya ng makitang may suot na akong damit.

"Masyado kang pilyo Sevi. Ganyan na ba ang mga biro sa inyong panahon?"

"Actually, normal na sa panahon namin na lumbas na walang suot na damit. I mean, pang itaas na damit ah" dali dali kong paglilinaw ng makita ko ang panlalaki ng kanyang mata.

"Mabuti at pinapayagan kayo ng inyong mga magulang sa ganyang nakasanayan?" Tanong niya at napakibit balikat na lang ako. Hindi ko na kasi alam sasabihin kung bakit ayos lang sa panahon namin ang mag topless.

Mag sasalita pa sana ako kaya lang..

"Sevi come on! Kanina ka pa dyan sa room hindi ka pa ba tapos mag bihis?!" Sigaw ni Chae.

"Ito na sandali lang" sigaw ko naman pabalik.

"Aland... wait. Wala ka bang nickname?" Tanong ko pero tiningnan lang ako ni Alandy.

"Nickname ahh for example ako, Severino ang pangalan ko pero they call me Sevi" Paglilinaw ko at mukha namang naintindihan nya.

"Ahh. Palayaw ba ang nais mong ipabatid?" Tanong niya at tumango lang ako.

"Alan, Iyon ang tawa-"

Hindi na natapos ni Alandy ang sinasabi niya ng mapahagalpak ako ng tawa. Tanginang Alan yan, hindi bagay sa ganda ng mukha nya.

"Napapadalas ata ang pagtawa mo sa'kin ginoo" Aniya at naka pout pa.

Tanginang multo to sobrang cute.

"Hindi kasi bagay sayo ang Alan." Natatawa kong saad.

Halos maiyak na ko kakatawa but a nickname pops in my fabulous brain.

"Andy" Nakangiti kong wika.

At first i thought hindi niya magegets but then his boxy smile formed on his lips at tumatango tango pa sya.

"From now on, i will call you Andy"

Nginitian lang ako ni Andy before he laugh shyly.

"Sa tingin ko naintindihan ko ang nais mong ipabatid, Andy ba ang nais mong itawag sa'kin?" Nahihiya nyang tanong.

"Yeap! Mas bagay sayo ang Andy kesa Alan" saad ko bago muling matawa.

"SEVERINO!!! PUTANGINA ANG TAGAL MO!!"

Natawa na lang si Andy ng muli na naman akong tawagin but this time, si Jin na ang nag sisisigaw.

"Ikay kanila ng tinatawag Severino" aniya at pigil pa ang pag tawa.

"Stop with that Severino! Binigyan nga kita ng palayaw tapos tatawagin mo ko ng buong pangalan?!" Sagot ko naman at umaarte pang nasasaktan kaya mahinhin na pagtawa nanaman ang natanggap komula kay Andy.

"Alis muna kami ah." Wika ko at tinanguan lang ako ni Andy. Pansin ko rin ang malungkot na ngiti sa labi nya

"Saglit lang ako, usap tayo ulit pag uwi ko" dagdag ko at saka lang sya ulit ngumiti.

Nalungkot siguro dahil nga wala naman siyang nakakausap, halos lahat kasi kinatatakutan siya without knowing na yung kinakatakutan nila ay sobrang gandang multo.

"Huwag mo akong alalahanin, mag ingat ka sa iyong paglalakbay"

Tanginang paglalakbay yan, patay na rin ba ko???

"Ayusin mo naman!!" Singhal ko at tinawanan lang niya ako

"Magingat ka sa iyong lakad, Severino" Saad naman niya at mahinhin na tumatawa

"Ahh. Marunong ka nang mantrip ah" sagot ko bago siya irapan.

"PUTANGINA SEVI MAIWAN KA NA LANG!!" rinig kong sigaw ni Jeongyeon.

"ito na!!!"

"Andya, alis na ko ah. See you later" paalam ko kay Andy. Kumaway lang naman siya na may pilit na ngiti sa labi.

Nakaka kunsensya tuloy na iwan tong mutlo na to. Maiwan na lang kaya ako?

Marahuyo || Taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon