Kabanata Lima

322 20 0
                                    

Sevi

"Alandy, can you still remember me?" Bulong ko habang nakatitig pa rin sa shadow.

I waited na baka magsalita siya or something pero wala, nanatili siyang anino hanggang sa naubos na ang yosi ko pero ni hindi man lang siya gumalaw.

"Para na kong tanga dito."Bulong ko saka muling humithit sa yosi bago itapon ang upos sa sahig ng terrace. Napailing pa ko bago ako tumalikod sa puno.

Nag aksaya lang ako ng oras.

Isa-isa kong inililigpit ang mga kalat namin, kung bakit naman kasi ako pa ang nag prisinta na mag linis. Ilalagay ko na sana ang mga bote ng alak sa plastik when..

"May maganda bang naidudulot sa iyong kalusugan mo ang pagtangkilik mo sa tabacco?"

Para akong na istatwa ng marinig ko ang boses. It's him, Alandy.

Dahan dahan pa akong lumingon sa gawi niya and my jaw almost drop when i saw him, I can clearly see him now.

Right! That face. Now i remember kung bakit ko siya sinabihan ng maganda. Alandy is smiling at me, that boxy smile noon ay ganuon pa rin hanggang ngayon. Yung mga mata niya na kumorteng crescent moon dahil sa pagkakangiti niya. He's still wearing the same clothes when i first saw him, sinauna man ang pormahan niya pero napaka ganda nya pa rin talaga.

"Kamusta ka Sevi?"

Hindi ko na namalayan na kusa nang naglalakad ang mga paa ko palapit sa grills ng terrace. It's like he cast a spell on me dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang ganda.

Marahuyo.

Iyon ang tamang salita, i got enchanted by his beauty.

"You remember my name"

Hindi ko alam kung ano ang ikinatatawa niya, napaka hinhin nyang tumawa sakto sa maamo niyang mukha.

"Ako ay ginagamitan nanaman ng wikang banyaga, Sevi"

Now it's my turn to laugh, hindi nga pala siya nakakaintindi ng english. Anong taon ba to namatay at bakit hindi pa siya nakakaintindi ng English?

"Ang sabi ko, naalala mo ang pangalan ko" sagot ko naman bago sumandal sa grills ng terrace.

"Oo naman, ginoo. Gaya ng pagkaalala mo sa aking pangalan" Aniya at muli namang ngumiti.

Napaka ganda!

"Cute mo"Saad ko at tinitigan lang naman ako ni Alandy, sinagot ko naman ng pag iling ang malaman nyang tingin.

"Hindi ka pa rin nakakatawid ng sapa?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa rin kagaya noon" Sagot naman niya.

"Okay ka lang ba dyan?" Tanong ko bago hatakin ang single sofa at dalhin malapit sa grills saka naupo habang nakaharap kay Alandy.

"Ang nais mo bang ipabatid ay kung maayos ang lagay ko rito?" He asked bago maupo sa di kalakihang bato malapit sa puno.

"Kung iyon ang iyong katanungan ay oo, maayos naman ang lagay ko rito." Dagdag niya.

"Kanina ka pa nakatayo, hindi ka ba nangalay?" Tanong ko naman bago ipatong ang dalawa kong siko sa grills. Gusto ko kasing mas malapit na makita ang mukha niya, hindi kasi talaga nakakasawang titigan.

"Hindi naman, maaari naman akong maupo kung aking nanaisin"

Natatawa talaga ako the way he talks, paka lalim ng tagalog.

"Oo nga pala, kinakain mo ba mga dinadala sayo ng lolo ko?"

"Alam mo naman na hindi ako nakakatawid ng sapa."

Oo nga naman. Bobo lang Severino?

"Kamusta naman ang lagay mo? Nakikita ko na malaki ang 'yong pinagbago" aniya bago ako ngitian.

Ganda talaga ng ngiti!

"In a good or bad way?" Tanong ko saka siya tinaasan ng kilay.

"Masama ba ang dating ng aking katanungan? Paumanhin kung hindi mo nagu-"

"Ayos lang ano ka ba"

Ang hirap makipag usap. Paano ko ba tatanungin yung good way at bad way na yan?

"Nasabi mo kasi na malaki pinagbago ko. Ahhh. Ano... Sa magandaang paraan ba ng pagbabago o masama?"

Parang ngayon ko naramdaman tama ng alak sa pakikipag usap sa kanya.

"Sa magandang paraan Sevi. Mukhang malayo na ang narating mo sa buhay"

"Hindi naman, sa QC lang" Natatawa kong sagot pero natigil rin ako sa pagtawa ng hindi sya matawa sa joke ko.

Need ko ata mag hanap ng joke na pasok sa understanding at sa era niya.

"I mean maayos naman ang lagay ko, may marangal naman akong trabaho" Sagot ko bago lumiyad ng upo dahil medyo nakakaramdam na ako ng antok.

"Hindi 'bat kailangan mo pang maglinis? Bakit prente ka nang nakaupo sa silya?"

Damn! Oo nga pala!

"Puta oo nga pala!" Sagot ko bago muling tumayo kaya lang nakaramdam ako ng pagkahilo sa biglaan kong pagtayo dala na rin siguro ng nakarami rin ako ng alak na nainom. Medyo nakapag linis naman na ako, hindi na rin ganuon kagulo katulad kanina, bukas ko na lang itutuloy dahil napagod rin ako sa byahe.

"Ayos ka lang ba?"

Agad naman akong napalingon kay Alandy ng marinig ko ang kanyang boses. Nakatayo na siya ulit at halata ang pag aalala sa mukha nya.

"I'm goo- i mean ayos lang ako, medyo nakaramdam lang ng hilo"

"Mabuti pa't magpahinga ka na. Maaari ka namang gumising ng maaga para ipagpatuloy ang pagliligpit"

Luh? Hindi ba uso magising ng late sa kanila? Seriously? Anong taon ba to pinanganak? Sa pormahan niya masasabi kong panahon ni Rizal eh. Siya yung mukhang mayaman sa kapanahunan nila.

"Dyan ka lang ba?"

"Hind, malalim na rin ang gabi at kailangan ko na ring umuwi"

"May bahay ka?"

May bahay ba ang mga multo?!

"Oo naman, madalas ako sa lugar na 'to ngunit hindi ibig sabihin ay wala akong tinutuluyan." sagot naman nya bago tumawa ng mahinhin.

Grabe! Ibang-iba tawa niya kumpara sa tawa ni Jin.

"Ako'y mauuna na rin upang ika'y makapag pahinga na. Paalam Sevi" Wika nya bago ako ngitian.

Ayan nanaman yung ngiti nyang yan, nakakatunaw please lang!

"Pupunta ka ba ulit dyan bukas?" Tanong ko at itinango niya lang ang kanyang ulo bago muling ngumiti at maglakad paloob ng kahuyan hanggang sa tuluysan na syang mawala na parang bula.

"Sementeryo ba ang sinasabi nyang bahay? Ayy ewan! Nananakit ulo ko sayo Alandy." Bulong ko habang minamasahe ang aking ulo.

Agad naman akong nahiga pag dating ng kwarto. Napansin ko na bukas pa pala ang kurtina sa kwarto ko. Tatayo na sana ako para isara ang kurtina pero naisip ko na baka kailangan ni Alandy ng ilaw kahit na konting liwanag na mula sa lampshade lang galing. May bintana kasi dito sa kwarto, duon mismo sa paanan ng kama. At dahil nga sa sapa ang side ng room na to ay tanaw na tanaw ko ang puno kung saan nakatayo si Alandy kanina. Kung tutuusin ay mas malapit dito kumpara sa pwesto namin kanina dahil nga nasa terrace ako kaya naka tingala siya sa'kin.

Pag higa ko ay nakatitig lang ako sa may bintana kahit wala na si Alandy duon. Napangiti na lang ako remembering how we talked. I guess i have to remind myself not to use english language when I'm talking to him.

Curiosity killed the cat they say but I'm really curious. Kung ilang taon na ba sya, kung alam ba nyang patay na siya, kung ano ang ikinamatay niya at kung bakit hindi siya makatawid sa kabilang buhay. I guess i have to save those questions for later. For now, itutulog ko muna 'to.

Mukhang magiging exciting ang isang bwan kong bakasyon.

Marahuyo || Taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon