Kabanata Isa

413 18 0
                                    

Sevi

"Ay pucha wala na 'kong signal!" Singhal ni Jin.

"Sinabihan ko na kayo kanina na paglagpas ng maliit na tulay mawawalan na ng signal" Sagot ko naman sa kanya habang patuloy na nag mamaneho.

Sabi ni Chaeyoungmy cousin ay maraming pinagbago ang Sta. Fe, kita ko rin naman na mas gumanda na ang lugar na 'to. Marami nang nakatayo na pamilihan at mas maayos na ang itsura. Yun nga lang sa barangay kung saan nakatayo ang bahay ng lolo Mario ay halos walang ipinagbago.

Naruon pa rin ang maliit na tulay na palatandaan ko na malapit na ang bahay ng aking lolo. Mapuno, liblib at magkakalayo pa rin ang pagitan ng mga bahay dito. Madilim at malubak na kalsada dahil wala pa ring naipapatayong street lights at hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapagawa o naipasisimento ang kalsada.

"Beh naparenovate naman na ng lolo mo bahay nya diba?" Kabadong tanong ni Jeongyeon

"Oo beh. Natatakot ka ba?" Natatawa ko namang sagot. Halos kasi ng bahay na nadaanan namin ay makaluma pa rin.

"Gago ka ba? Tingnan mo nga mga bahay dito oh lumang luma pa"

"Nasa dulo bahay ng lolo ko, don't worry maayos na ang bahay niya. By the way, andun rin pinsan ko ah. She's with her friends, nagbabakasyon rin sila."

"Ayun! Marami naman pala tayo dun!" Ani Woo na akala mo'y natanggalan ng tinik sa lalamunan.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na rin kami sa bahay ni lolo Mario, ang pinaka mamahal kong lolo.

"Severino apo ko!" Rinig kong sigaw ng aking lolo pagbabang pagbaba ko ng sasakyan, nagmamadali pang tumakbo palapit sa akin.

"Gago ngayon ko na lang ulit narinig yang Severino" Bulong ni Jackson.

"Kamusta ang pinaka gwapo kong lolo?" Malambing kong tanong bago mag mano at yakapin si lolo Mario.

"Ito mas lalong bumabata" Ani lolalo na may magandang ngiti.

"Ang laki laki na ng Severino ko at ang pogi pogi pa." Dagdag ni lolo habang hinahaplos ang aking mukha.

"Ehem! Bakit naman ako hindi sinabihan ng maganda nung pagdating ko dito?" Wika ni Chae at pabiro pang umirap sa'min ni lolo.

"Palagi ka namang dumadalaw dito, palagi ko ng nasisilayan ang ganda mo apo" Agad na pangbobola naman ni lolo, mabilis rin namang namuo ulit ang ngiti sa labi ng pinsan ko.

"Good evening po." Ani Yeri bago mag mano sa lolo ko.

"My name is Yeri po, Sevi's friend" Dagdag niya na may magandang ngiti sa labi.

"Ahh yes lolo. This is Yeri, my friend. This is Jin, Namjoon, Yeonie, Jackson and Eunwoo. Mga kaibigan ko po sila since highschool. Guys, this my mom's dad, lolo Mario kung kanino ko namana ang kapogian ko. This girl naman is my not so pretty cousin, Chaeyoung" Dagdag ko at sinamaan pa ko ng tingin ni Chae

"Nice meeting you po." Ani Jeongyeon sabay mano. Sunod sunod namang nagmano kay lolo ang mga kaibigan ko.

"Magandang gabi po lolo, ako naman po ang pinaka maganda sa amin" Ani Jin making my lolo giggle. Hindi rin naman nakalimutan ni Jin na magmano sa lolo ko at mag hi kay Chae.

"Tara na sa loob at siguradong mga napagod kayo sa byahe" Wika ni lolo habang marahang hinahaplos ang aking likod.

"Mauna na po kayo sa loob lo, ibaba lang po namin ang mga gamit namin" Sagot ko naman kay lolo.

"Bilisan nyo Sevi para makakain na tayo, papakilala ko rin sa inyo mga kaibigan ko" Ani Chae

"May potential bebe ka bang kaibigan?" Tanong ni Eunwoo habang tumutulong na mag baba ng mga gamit namin.

Marahuyo || Taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon