Kabanata Tatlo

359 14 1
                                    

FLASHBACK

Lolo Mario

"Vien, sinabing ako na dito eh. Bantayan nIyo na lang sila Sevi at Chae sa labas" Saad ko sa anak kong si Vien— Sevi's mom.

Ngayon na kasi ang araw na babalik sila ng Manila kasama ang 7 years old kong apo na si Sevi, hindi ko rin alam kung kailan sila ulit mag babakasyon dito kaya minabuti kong maghanda ng masasarap na pagkain para sa mga anak at dalawang apo ko. Kaya lang andito naman ang dalawa kong anak at inagawan ako ng gawain sa pagluluto.

"Kami na ni ate dito, papa. Makipag laro ka na duon sa mga apo mo" sagot naman ni Melissa, ang pangalawa kong anak at nanay ni Chaeyoung.

"Osya! Wag niyong sunugin ang bahay ah! Magpatulong kayo sa mga kasambahay natin pag may hindi kayo alam gawin."

"Opo pa."

"Kalma lang pa, kaya namin ni Mel to"

Napailing na lang ako sa kakulitan ng dalawa kong anak, ito ata ang namana nila sa'kin.

"Sino ang kasama nila Sevi sa hardin?"

"Wala po pa, kaya nga makipag laro ka na sa mga apo mo at kami na ni ate dito." Ani Mel.

Itinango ko na lang ang aking ulo bago lumabas ng munti naming bahay. Tama naman ang mga anak ko, maigi pa ngang sulitin ko ang oras na kasama ang mga apo ko dahil matagaltagal nanaman ulit bago kami magkita.

"Ikaw na kasi taya Chae! Mas matanda naman ako sayo eh" Rinig ko saad ni Sevi

"Eh! Ayoko dapat nga ikaw ang taya kasi ikaw ang mas matanda" sagot naman nitong si Chaeyong sa nakatatanda niyang pinsan.

Itong mag pinsan talaga parang aso't pusa pero hindi naman mapaghiwalay.

"Ano bang nilalaro nyo?" Tanong ko bago maupo sa ratan na duyan sa malawak at makulimlim naming hardin.

Tanghaling tapat ngayon, mabuti na lang at matataas ang mga puno na nakapalibot sa hardin ko kaya may silong at presko.

"Tagu-taguan po lolo kaya lang ayaw ni Sevi maging taya e siya naman ang mas matanda sa'ming dalawa" Inis na sagot ni Chae at naka pamewang pa sa harap ni Sevi.

"Sige na, ang lolo naman ang mas matanda, ako na lang ang taya." Wika ko sa dalawa at agad kong nasilayan ang magandang ngiti sa kanilang mga labi.

"Thank you lolo" Ani Sevi at marahan pa akong hinatak. Pag tayo ko ay inilapit nila ako sa isang puno malapit lang rin sa may ratan na duyan.

"Count na po kayo lolo" Wika ni Chae

"Sandali lang, saan nga ulit ang mga lugar na hindi pwedeng puntahan?" Tanong ko sa dalawa kong apo bago magsimula.

"Bawal pong lumabas ng gate."

"Very good Chae. Ano pa?"

"Bawal po sa taas kasi baka madulas kami pababa ng hagdan" Dagdag ni Chaeyoung.

"Ikaw Sevi? Saan pa kayo hindi pwedeng pumunta ng pinsan mo" Tanong ko kay Sevi na nakatingin lang sakin.

Ang akala ko ay wala siyang masasagot pero sa kanya ko pa nakuha ang sagot na hinihintay ko.

"Sa likod po lolo, sa may sapa"

"Very good, Sevi. At bakit pinag babawal ni lolo na pumunta kayo duon?" Kalmado kong tanong.

"Kasi po baka madulas kami at mabagok ang ulo namin. Baka rin po matangay kami ng tubig sa sapa"

"Good job Sevi" saad ko bago bigyan ng thumbs up ang apo kong lalake.

Marahuyo || Taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon