Yeri
Nagmadali akong pumanik ng kwarto, wala rin namang imik ang mga kaibigan namin at wala rin namang akong balak makipag plastikan sa kanila. Ilang taon na 'kong nakikipag plastikan sa mga 'yan, hanggang ngayon clueless pa rin sila. Wala naman talaga akong balak makipag kaibigan sa kanila way back in highschool, si Sevi lang talaga ang pakay ko.
Pag pasok ko ng kwarto ay agad kong kinuha ang laptop ko, nakapag download kasi ako ng mga babasahin about ghost nung pumunta ako ng bayan kanina. Nabasa ko na kailangan ng priest para paalisin ang kaluluwa but i think that Alandy is nothing evil kaya hindi gumana.
"Paano matatahimik ang mga ligaw na kaluluwa"
I guess itong file na 'to ang mas makakatulong sa'kin para mawala sa landas ko yang hindi matahimik na kaluluwa na yan.
"Bakit nga ba hindi makatawid ang isang kaluluwa? Maraming dahilan kung bakit hindi matahimik ang ibang espirito."
Sinimulan kong basahin ang article na na download ko. Masyadong maraming information kaya minabuti kong i-skip ang iba na sa tingin ko ay hindi sakto sa pagkamatay o sitawasyon ni Alandy.
Wala naman akong masyadong alam about him, but based on what I've heard from Lolo Mario and Sevi ay harmless naman itong si Alandy. Lolo Mario said na matagal nang andyan yung spirit, wala naman daw masamang ginagawa and he actually saved Sevi's life when he was a kid. That's also the reason why they think that Alandy is their guardian.
Bantay man nila si Alandy on hindi, i don't really care. I want him gone, gusto ko siyang mawala sa landas ko bago pa mas lumalim ang pag tingin ni Sevi sa kanya. Hindi ko naman sana siya pag aaksayahan ng oras, ano pa bang magagawa niyan e patay na yan? Kaya lang umeksena pa siya sa buhay ni Sevi, kung nanahimik na lang sana siya edi sana walang gulo, sana nae-enjoy namin ni Sevi ang bakasyon na 'to.
"At ang panghuli ay ang mga kaluluwa na mayroon pang unfinished business. Ang mga kaluluwang ito ay hindi nananakit o gumagawa ng masama. Maaring hindi sila makatawid sa kabilang buhay dahil mayroon pa silang gustong gawin, importanteng bagay na kailangan sabihin sa taong mga naiwan nila o ang iba naman ay gusto lamang maayos na makapag paalam sa mga taong mahal nila."
This one, sa tingin ko ito ang tugma sa sitwasyon ni Alandy. Kaya lang paano ko malalaman kung alin dito yung dahilan niya?
May gusto pa ba syang gawin e nalipasan na siya ng panahon? Besides according to Sevi ay hindi nakakalagpas si Alandy sa malaking puno sa likod. How about the gustong mag paalam sa taong mahal nila? Possible ba na untimely death si Alandy kaya hindi pa siya nakakapag paalam kung kanino man? Kaya rin ba hindi siya makalagpas sa puno dahil duon siya mismo namatay?
O pwede rin namang may kailangan siyang sabihin sa mga kamaganak niya. Pero impossible! Gaya ng sinabi ko, nalipasan na siya ng panahon, malamang sa malamang ay patay na rin ang mga kamaganak niya, meron mang nabubuhay pero sigurado na malaki na ang gap ng generation ni Alandy. Hindi kaya may kayamanan na nakabaon sa puno na yun?
Hay punyeta! Paano ko ba malalaman kung bakit ba talaga nandito pa yan? Pano ko siya matutulungang makatawid kung hindi ko alam bakit hindi siya matahimik? I mean not really tulungan, wala naman akong pake kung manatili siya dyan habang buhay kaya lang hinahatak niya palayo sakin si Sevi.
I need to do something, kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit nananatili siya dyan. Kung kailangan kong mag pakaplastik ulit gagawin ko just to get more information about that spirit.
Sino ba kasi ang pumatay dito? Bakit hindi tunuluyan hanggang kaluluwa?
Sevi
8PM na nang makauwi kami sa bahay, naiwan pa si Chae sa hospital para bantayan si lolo. Okay naman na siya, kaya lang mataas pa rin ang blood pressure niya kaya minabuti namin na duon na muna manatili si lolo.
Nakausap ko na rin si mom at ganuon din si Chae kay tita Melissa. Ako na ang humingi ng tawad kay mom at tita Mel dahil sa ginawa ni Yeri, even si mom hindi makapaniwala sa ginawa ni Yeri. Muntik pang umuwi dito sila mom at tita dahil sa pag aalala but i promised naman na hindi namin pababayaan si lolo.
"Anong balita kay Lolo Mario?" Tanong ni Jin pag upo ko ng sofa.
Maliban kay Yeri ay kumpleto ang mga kaibigan ko dito sa sala, nandito rin si Hobi, Sana at Momo nagpaiwan naman sila Yoongi at Jimin sa hospital para samahan si Chae.
"Kalmado naman na kaya lang mataas pa rin ang blood pressure" Sagot ko naman kay Jin.
Pansin ko ang pag buntong hininga nila na tila ba nabunutan sila ng tinik. I did not expect na sobra ring silang mag aalala kay lolo, even Sana, Momo and Hobi.
"Nakausap niyo na ba yang kaibigan niyo?" tanong ko kila Jin.
"actually, she's acting weird bro" Sagot naman ni Woo.
"what do you mean?"
"Beh, nagluto siya ng dinner at nag sorry siya samin. Even kila Sana, Momo at Hobi" Sagot ni Jeongyeon.
"But that's not it, she offered food to Alandy. She even apologize" Ani Namjoon
"Pero bro, i think she has a plan" Tugon naman ni Jackson.
He's right. Doing all these stuff after i reject her? Ang suspicious lang niya lalo. Sa tingin ko mas kailangan ko nang tulungan na makatawid si Andy before it's too late. I need to help him na siguradong makakatawid siya bago pa ako unahan ni Yeri sa kung ano mang kagaguhan ang plano niya.
"You really like him don't you?" Dagdag na tanong ni Jackson.
"Kahit naman hindi ka sumagot Sevi, alam na namin" Ani Woo.
"Kaya lang ano beh ha, kalmahan mo lang. Alam mo na, tao ka tapos si Alandy... Mumu. Syempre kaibigan ka namin, ayaw lang namin makita kang masaktan. Hindi naman natin alam kung hanggang kailan siya nandyan, hindi rin naman siya makakahawak ng phone kung mag LDR man kayo" Saad ni Jeongyeon.
Hindi ko alam kung bakit ang weird ng usapan namin, siguro hindi ko lang aakalain na magiging ganito ang sitwasyon ko. Me having a deep romantic feelings towards a ghost. It may be funny or bullshit to others, pero sa mga kaibigan ko it feels like normal lang na mainlove sa spirit. And I'm happy and appreiciate them even more kasi they did not judge me na baka may mali na sa pagiisip ko or something.
"You need to help him as soon as possible, Sevi."
"Tama si Namjoon, Sev. Kumikilos na si Yeri, although hindi naman niya masasaktan si Alandy basta basta pero syempre gusto naman natin na talagang makapag pahinga na siya ng tahimik at hindi dahil pinalayas lang siya ni Yeri dun" Ani Jin.
"Actually wala naman tayong alam sa mga ganyan, but they are right Sev. Help him, kung talaga ngang na inlove ka na sa kanya... Kailangan mo siyang i-let go Sev." Ani Woo.
"kung hindi ngayong panahon, malay mo sa susunod na buhay mahanap niyo ang daan patungo sa isa't isa."
Possible ba yung sinabi ni Namjoon? Magiging worth it ba kapag tinulungan kong mamahinga si Andy?
Sa susunod na buhay ba mahanap kaya namin ang daan patungo sa isa't isa sa tama at parehong panahon?
Naisip ko tuloy, ito na siguro ang magiging wish ko every time na mag b-birthday ako.
Na sana kung may susunod pang buhay ay mahanap namin ni Andy ang daan patungo sa isa't isa.
✧
BINABASA MO ANG
Marahuyo || Taekook
FanfictionIsang istorya ng dalawang pusong pinag tagpo ng tadhana ngunit sa magka ibang oras, panahon at pagkakataon. Maari bang bumalik sa nakaraan o magkita sa kasalukuyan upang ang landas ng dalawang nag mamahalan ay magtagpo. MARAHUYO - enchanted
