Kabanata Apat

402 21 5
                                    

Sevi

I remember, naaalala ko na yung araw na yun pero hindi ang mukha ni Alandy. Ni hindi ko maalala yung pinag usapan namin and what's funny is, base sa story ni lolo ay gandang ganda ako sa kanya without knowing na sa multo ako nagandahan ng sobra when I was a kid.

"Sevi! Hindi mo maalala?! Ako naalala ko yung araw na yun! Grabe yung takot ko nun kasi iniisip ko natangay ka ng sapa" Ani Chae.

"I remember" Maikli kong sagot habang nakatitig pa rin sa shadow sa may puno.

It feels like he's looking back at me pero paano ko malalaman kung ayaw niya naman magpakita sa'kin tulad noon, kung hanggang anino lang niya ang nakikita ko.

"So anong itsura? Sabi mo kasi pretty boy eh" Tanong ni Momo.

"That... I don't remember"

"Hindi mo ba nakikita ngayon? O wala na siya?" Magkasunod na tanong ni Jeongyeon.

"He's still there, kaya lang shadow lang siya sa paningin ko" Sagot ko naman at hindi pa rin inaalis ang tingin sa gawi ng puno. Sabay sabay namang nagsitinginan ang mga kaibigan ko sa kung saan kami nakatitig ni lolo.

"Tangina! Andyan pa rin! Alis dyan!" Ani Woo at hindi na kinaya ang takot kaya naupo siya sa kanlungan ni Jackson.

"Wag mong bastusin iho, dayo ka lang dito" Saad naman ni lolo at seryosong nakatingin kay Eunwoo.

"Wala naman akong makita kundi puno" Ani Chae.

"swerte mo kung ganun" Singhal naman ni Hobi na tinalikuran na ulit ang gawi ng malaking puno.

"Osya! Magpapahinga na ako, wag na rin kayong magtagal masyado dyan para makapag pahinga na tayong lahat" Wika ni lolo bago pumaloob.

"Hindi na pala ako mag yoyosi tara na sa loob" Saad ni Jin at iwas ang tingin sa may sapa.

"Nag papapansin lang yan dahil nga may mga bagong tao. Hayaan nyo lang, mawawala rin yan" Ani Yeri bago mag lagay ng Alfonso at coke sa redcup.

"Respect the soul nga daw, nauna yan dito at hindi ka rin taga dito kaya wag ka masyadong matapang" Singhal naman ni Chae sabay irap.

"Maupo na nga kayo ng maayos! Ang bigat mo Hobi tangina!" Ani Yoongi. Hindi na pala ang nobyo niya ang naka kandong sa kanya kung hindi si Hobi na.

"Ikaw hon?"

"Dito lang ako Namjoon" Sagot naman ni Jin at inirapan pa ang kanyang nobyo.

Nagpatuloy naman ang inuman namin, although natatakot pa rin ang mga kaibigan ko pero minabuti nila na wag na lang pansinin. Itong si Jackson naman worship song na ang pinapatugtog.

An hour passed ay medyo nalalasing na ang iba, ako naman ay madalas pa ring napapatingin sa puno. What's weird is gthat he's still there standing at mukhang nakatitig lang talaga sa'min.

"Pwede bang mag focus ka samin instead sa multo na yan?" Pagtataray ni Yeri at halatang lasing na.

"Pwede bang mag focus ka sa inuman at wag sakin? Hindi ako ang pulutan" sagot ko naman kay Yeri dahil kanina pa lingkis ng lingkis sa'kin at hindi na ako natutuwa sa kilos niya. Kung noon kasi ay ipinararamdam niya na may gusto siya sa'kin ngayon naman ang sobra niya ako bakuran.

"Oy oy oy! Kanina ka pa ah! Bet mo ba pinsan ko ha?" Tanong ni Chae kay Yeri at dinuroduro pa.

Wala mga lasing na talaga.

"Mumu! Sundan mo nga to hanggang bahay nila! Pag tropa, tropa lang" Singit naman nitong si Jeongyeon na mainit rin ang dugo kay Yeri dahil nga sa inasta nito sa kanya nung paalis pa lang kami.

Marahuyo || Taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon