Sevi
8:30am na kami nakarating sa dagat. We unload our foods and stuff first bago nag simulang lumangoy sa dagat. I prepared my phone sa gilid ng cottage namin and set it on time lapse. Ipapakita ko kay Andy pag uwi, I'm sure magtatanong nanaman yun kung paano ko nagawa yung video.
From 8:30 to 12 noon ay nasa dagat lang kami. We even had an island hopping, snorkeling, banana boat and such and while doing those activities I made sure na may nakuhaan akong video to show Andi later.
Around 12:15 na kami nakabalik ng cottage para mag lunch, wee have everything we need except for two.
"Walang paper plates??" Takang tanong ni Jeongyeon.
"May isa pa tayong wala" Singit naman ni Woo. Tiningnan lang namin siya saka niya sinagot ang mga pa tanong na tingin namin.
"Tubig. Wala tayong tubig na iinumin" Sagot niya.
"Tangina?! May yelo tayo wala naman tayong tubig hayop na yan" Wika ni Yoongi.
"Sino ba nag ayos ng mga dadalhin?"
"Bakit Hobi? Sisisihin mo kami?" Pagtataray na tanong ni Momo.
"Aba! Wag ka talagang maninisi dyan! Maaga kaming nagising para mag prepare, hindi niyo man lang chineck kung may kulang pa sa mga dadalhin" Ani Sana.
"Oo nga Hobi! Nag lagay ka lang naman ng gamit sa sasakyan"Dagdag sisi naman nitong pinsan ko.
"Bakit kayo nagagalit? Tinanong ko lang naman sino nag ayos ng mga gamit ah! Mag t-thank you lang naman ako, salamat ah."
"Mga babae talaga oh" Pabirong saad ni Jackson.
"Kaya di ako nag jowa ng babae eh." Ani Namjoon sabay hatak sa damit ni Jin.
"Same dude" Singit naman nitong si Yoongi bago kindatan si Jimin.
"Mga bading! E malakas din tama ng mga jowa niyo eh" Wika ni Chae sabay irap.
"oh ano na gagawin? Sa kamay na lang kakain?" Si Woo.
"Oo tapos dasal na lang na wag muna ngayon pag nabilaukan" Natatawang ani Jackson.
"May bilihan akong nakita kanina dun sa mga bahay bahay mukha namang kumpleto sila dun" Saad ko sabay turo kung saan banda yung nakita kong tindahan kanina.
"Kami na ni Momo bibili" Pag p-prisinta ni Sana.
Agad namang naglakad ang dalawa para bumili ng mga kailangan nila ito namang sila Hobi and Woo ay nakabuntot sa dalawa dahil baka daw kailanganin ng magbubuhat ng tubig.
Few minutes passed at agad rin namang nakabalik sila Woo, we started eating habang patuloy pa ring nag k-kwentuhan. Not gonna lie, mas masaya pag marami kami bukod sa maiingay na ay pare-pareho pa kami ng trip.
"Naka time lapse ka pa rin?" Tanong ni Jackson sakin at itinango ko lang ang aking ulo dahil may lamang pag kain ang bibig ko.
"Papakita mo sa mumu yan noh?"
"Ano pa ba?" Sagot naman ni Jin kay Jimin.
"lahat ng ginagawa nyan related dun sa mumu. Pansin niyo ba kagabi nung nag inuman tayo puro OPM pinapatugtog niya? E bihira mag patugtog yan ng tagalog." Saad ni Namjoon.
"Oo tas tingnan mo! Kung ano ano pa binili, e napaka kuripot niyan" Gatong naman nitong pinsan ko.
"curious lang ako Sevi, magagamit ba ng mumu yang mga pinag bibibili mo?" Tanong ni Hobi.
"That I don't know. I hope hindi siya tumagos pag upo niya" Natatawa kong saad pero deep inside I'm really hoping na magamit ni Andy lahat ng pinamili ko. Not because nasasayangan ako sa perang ginastos ko but because i want him to have a comfortable sleep. At least makapag pahinga naman siya ng maayos dito hanggat hindi pa sya nakakatawid sa kabilang buhay.
"Uy! Bakit ka na lungkot? Tangina mo Sevi wag mong sabihin na nag kakagusto ka dun sa mumu ah!" Ani Jeongyeon.
"What if i am?" Sagot ko naman at sabay sabay pa silang natigilang kumain bago ako tingnan.
I think they're waiting na mag sabi ako ng "joke lang" pero walang lumabas sa bibig ko. That's the time they knew that I am not joking.
And the time I realized na grabe na nga talaga ang tama ko kay Andy.
"What... the... fuck!" madiin na mura Chae
"Beh baka may alam kang mang gagamot dito? Patawas mo na yang pinsan mo" bulong ni Sana.
"gago ka Sevi! Sabi na nga ba eh" Wika ni Jackson at naiiling iling pa.
"What do you mean?" Tanong ni Jimin kay Jackson pero si Woo na ang sumagot.
"Ayan, kung ano ano pinag gagawa niya. Nag ka crush yan nung college kami kung ano yung effort na ginagawa niiya ngayon, ganuon din sya sa naging crush niya dati"
"The difference is, iba yung ngiti at spark sa mata ni Sevi ngayon everytime he mentioned the mumu's name" Dagdag naman ni Jin.
"Tangina! Wag kang susunod dun pre ah! Di naman sure kung magiging masaya kayong mga kaluluwa" Ani Woo kaya binato ko sya ng okra.
"para kang gago! Tutulungan ko nga siyang makatawid ng kabilang buhay eh"
"Pero crush mo?" Tanong ni Jeongyeon
"Para kayong mga gago" Wika ko ng asarin nila ako ng sabay-sabay.
"Napaka pili mo sa mga babae, sa multo ka lang pala bibigay" Pang aasar ni Chae.
Hindi ko na ulit sila pinansin at hinayaan ko silang asarin ako. Napapailing na lang ako kahit pa ang daming mga katanungan sa isip ko.
Paano kapag lumalim pa yung pagkagusto ko sa kanya?I mean hindi pa ba Sevi?
Kaya ko ba talagang mamaalam ng tuluyan?
Bullshit Sevi! Sa dinami-dami naman kasi ng taong nabubuhay, bakit sa patay ka nabighani?
"Wait lang dude. You mentioned na tutulungan mo siyang makatawid diba? E pano mo gagawin yun? 1 month lang tayo dito, don't tell me mag e-extend ka" Tanong ni Namjoon
"Hoy! Hindi ka pwedeng mag extend, mag bubukas na club natin pag balik. " Ani Jin.
"Edi paiwan ka na lang, may dalawa pa kaming kaibigan na susunod eh." Singit naman ni Chae.
Hindi ko rin talaga alam kung pano ko matutulungan si Andy, kung paano ko pag kakasyahin ang isang bwan na pamamalagi ko sa Sta. Fe.
"Shit!"
"Anyare sayo? Raulo ka?" Tanong ni Hobi na naitapon ang kinakaing barbeque dahil sa gulat.
"May naalala lang ako" Sagot ko naman.
I just remembered na December 30 ang birthday ni Andy, e December 30 rin ang balik namin sa Manila. So that means na kailangan ko syang matulungan bago kami lumuwas. Kailangan ko na talagang kumilos, ayoko namang iwan si Andy lalo na't hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik dito.
A sad smile formed on my lips, maaaring before birthday niya o saktong birthday niya siya tuluyang makatawid. it would be a great birthday gift for him kaya lang pano ako? Wala pa man din nananakit na dibdib ko twing iisipin ko na hindi ko na masisilayan ang ganda ni Andy, yung pabirito kong ngiti at mga mata na ikinatutunaw ko twing papaling sa'kin. Kung bakit naman kasi napaka tigas ng ulo ko nung bata, kung nakinig sana ako kay lolo edi sana hindi ko makikita si Andy, sana hindi ako mabibighani sa kanya.
"HOY SEVI!!!" napa igtad pa ko ng sigawan ako ni Chae.
"Ano ba?!"
"Hindi mo ba ko narinig?" Iritang saad ni Chae at napansin ko na lang na aligaga silang nag liligpit ng mga gamit.
"What's happening? May emergency?"
"Tangina ng kaibigan mo hindi na nahiya!" Sagot ni Jin at halata ang galit sa mukha.
"Ano ba kasi yun?!"
"Kanina ka pa tinatawagan ni lolo hindi ka nasagot! Si Yeri nag patawag daw ng pari, ipapabless daw yung puno sa likod" Ani Chae.
"Bilisan mong kumilos! Ipapaputol din daw ni Yeri yung puno kung nasan yung mumu " Singhal ni Jackson
Putangina! Si Andy!!
✧
![](https://img.wattpad.com/cover/332264551-288-k770075.jpg)
BINABASA MO ANG
Marahuyo || Taekook
FanficIsang istorya ng dalawang pusong pinag tagpo ng tadhana ngunit sa magka ibang oras, panahon at pagkakataon. Maari bang bumalik sa nakaraan o magkita sa kasalukuyan upang ang landas ng dalawang nag mamahalan ay magtagpo. MARAHUYO - enchanted