Sevi
"What now? You're gonna shout at me? Go ahead!" Singhal ni Yeri.
Buntong hininga na lang ang nagawa ko dahil as much as possible, ayokong manaig yung galit ko at baka masaktan ko physically si Yeri, hanggat maaari ayokong manakit ng babae.
"What's your problem Yeri? Hindi ka na talaga nahiya sa mga pinag gagagawa mo?"
"A simple thank you would be appreciated, Sevi. Para sayo rin naman ginagawa ko pero pinaalis mo sila."
"You're fucking crazy Yeri!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na pag taasan ng boses si Yeri.
As much as i want to talk to her in a calmest way, pero napuno na rin siguro talaga ako. Unang gabi pa lang namin dito ganyan na siya at walang ibang sisisihin dito kung hindi ako. Not because I gave all my attention to Alandy but because I let her do whatever she wants, hindi ko siya sinita instead iniwasan ko siya.
"You Sevi! you are insane! If only you could see yourself! Never pa kitang nakita na ganyan, yung ngiti mo everytime na kinewento mo yang mutlo na yan, yang spark sa mata mo everytime you mention his name. Hindi ko alam kung na engkanto ka or..."
"Or what Yeri?"
"O talagang nagkakagusto ka sa kanya" pabulong na sagot niya
"And if i am?" Seryoso kong tanong.
I noticed how her jaw drops sabay sa panlalaki ng mata niya. Yeri laughed in the most psychotic way ever, I've never seen her like this kasi malambing naman talaga si Yeri. Pero ngayon? Para siyang sinapian ng masamang espirito.
"Baliw ka na nga talaga."
Hindi ko alam kung anong meron kay Yeri that moment but it makes me wanna help Andy na magpahinga na lang ng tuluyan. It's like she's planning something, although I'm questioning myself kung paano niya masasaktan ang spirit?
But then again, nagawa nga nyang ipadasal at muntik pang mapaputol yung puno, kung hindi lang namin siya naabutan malamang putol na yun ngayon and I'm not sure kung andyan pa rin si Alandy kapag nawala yung pinaglalagian niya.
"Yeri, san nang gagaling yang mga yan?" Tanong ko sa kanya kahit pa ngayon sure na ako kung bakit siya nag kakagyan, gusto kong dalhin duon yung usapan para mabigyan na rin ng liwanag si Yeri.
"Bakit ka nagkakaganyan?"
"You're really numb aren't you?" Aniya at naka ngisi pa.
"I'm not, sadyang friendship lang ang kaya kong ibigay Yeri."
There, i finally said it. Para akong nabunutan ng tinik, yung weight nabawasa kaya lang that's not the case with Yeri. Of course, she's not happy to hear those words from me, halata sa expression ng mukha niya. I can see pain in her eyes but something is also there that i could not define.
But it serves as a warning for me to protect Andy.
"Dahil kay Alandy? You really fell in love with a ghost?" Tanong niya na may nakakalokong expression ng mukha.
"Enough Yeri, Let's not talk about him. Ang problem dito is yung action mo, mag tira ka naman ng konting kahihiyan."
"No! Pag usapan natin yang multong kinalolokohan mo!"
"Bakit?! Sino ka ba?! Wala kang pake kung kanino ako ma iinlove, kaibigan lang kita!"
"Bullshit!!! Sa multo talaga Sevi?! Ako yung nandito! Hindi naman ako spirit pero bakit hindi mo ko makita?!!"
"Putangina naman Yeri!! Tanggapin mo na lang na wala talaga!"
Nag sisigawan na kami ni Yeri sa labas, alam ko rin na naririnig kami ng mga kaibigan ko pero pareho kaming nadala na nang emosyon.
"No Sevi! Ako yung buhay, ako yung nandito! Tigilan mo na yang multo na yan!"
She's jealous, yun ang dahilan kaya kung ano ano ang nagagawa niya. Iba talaga ang nagagawa ng selos, wala ka ng pakielam sa paligid mo, wala ka ng pake sa mga kinikilos mo, kung may maaapektuhan ka ba o kung nasaang lugar ka.
"Tama na tong usapan na to Yeri." Hingal kong saad. I stopped shouting na rin kasi wala nang patutunguhan tong usapan namin. Nakikita ko sa kanya na sarado ang isipan niya.
"Give me a chance, Sevi" Ani Yeri at natigil na rin siya kakasigaw.
"Yeri please. Wala talaga kahit anong pilit, ayokong masira friendship natin pero kung ipipilit mo yan, I've no choice but to cut you in my life and i am serious Yeri" saad ko at sarkasmo lang na tumawa si Yeri.
"Ganun ganun mo lang itatapon yung friendship natin?"
"Hindi ba dapat ako ang nag tatangong nyan sayo? Kung mahalaga talaga sayo ang pagkakaibigan natin, re-respetuhin mo yung nararamdam ko. I'm sorry kung hindi ko kayang ibalik yung nararamdam mo para sakin, wala kasi talaga eh."
"I can't believe this! Multo talaga kalaban ko sayo?"
"Fuck!!! tama na please"
Sumasakit na ulo ko kay Yeri. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ipaintindi kay Yeri yung sitwasyon.
"Mauna ka nang bumalik ng Manila. Ipapahatid kita bago pa may masamang mangyari sa lolo ko."
"No! sabay sabay tayong pumunta dito, sabay sabay tayong uuwi"
Now it's my turn to laugh sarcastically.
"After what you did? Na ospital na lolo ko may pag mumukha ka pang mag stay dito?" Tanong ko kay Yeri bago lumapit sa kanya
"Ipanalangin mo na walang masamang nangyari sa lolo ko, kasi hindi ko alam gagawin ko sayo pag may nangyaring masama sa kanya." Bulong ko bago pumasok sa loob ng bahay.
Pag bukas ko ng pinto ay kanya kanyang takbo sa sofa ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Chae. Napailing na lang ako sa kanila, hindi pa pala sapat na malakas na ang boses namin, gusto ata nila na nakikita rin kami habang nag sisigawan.
"Pahiram ng sasakyan Momo"
"Here beh. Punta ka hospital?"
"Yes."
"sama kami!" Ani Woo at Jackson
"Stay here. Kausapin niyo yang kaibigan nyo" saad ko bago lumabas ng pinto at dumeretso sa sasakyan ni Momo without looking at Yeri na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa bakuran.Yeri
I watched Sevi as he get inside Momo's car, he didn't even spare a glance at me. Pag alis ng sasakyan ay saka bumagsak ang mga luha ko.
I hurts to be honest. I may act strong earlier pero sobra akong nasaktan sa mga sinabi nya. Hindi siya umamin na gusto niya yung mutlo, pero sapat na yung nakikita kong ngiti at kislap sa mga mata niya everytime he talks about that ghost para malaman na may gusto siya sa multong yun.
I wiped my tears away as i composed myself.
Nope! Hindi ako papayag na kaluluwa lang ang tatalo sakin. If i have to search ways kung pano patahimikin yang kaluluwa na yan? Then i will.
All this time binabakuran ko si Sevi kay Jeongyeon dahil baka magkagustuhan silang dalawa, pag dating dito binakuran ko rin si Sevi sa mga kaibigan ni Chae lalo na when I heard na dalawa ang single sa kanila.
Jokes on me, hindi pala tao ang magiging kalaban ko dito. Pero ano ba naman ang magagawa ng isang kaluluwa? Tao nga kaya kong ilayo kay Sevi ano pa ang multo na hindi makatawid sa pwesto niya?
✧
![](https://img.wattpad.com/cover/332264551-288-k770075.jpg)
BINABASA MO ANG
Marahuyo || Taekook
FanfikceIsang istorya ng dalawang pusong pinag tagpo ng tadhana ngunit sa magka ibang oras, panahon at pagkakataon. Maari bang bumalik sa nakaraan o magkita sa kasalukuyan upang ang landas ng dalawang nag mamahalan ay magtagpo. MARAHUYO - enchanted