Kabanata Labing-Dalawa

358 20 2
                                        

Sevi

Ito ang dahilan kung bakit ayokong maglakad pauwi si lolo, napaka dilim kasi ng kalsada at wala pang street lights. I understand na gamay na gamay na ni lolo ang daan na to since dito na siya tumanda, but the thing is, walang may alam kung kailan darating ang aksidente.

Nakababa ang bintana ng saskayan na gamit ko, nagyoyosi kasi ako. Hindi rin naman ganuon kalayo ang pupuntahan ko dahil may sasakyan naman akong gamit. Nang makarating ako sa bahay ng kaibigan ni lolo ay saktong nag papaalam na sya at isa pang kaedaran nyang lalake.

"Sevi apo, okay lang ba kung ihahatid natin si pareng James sa kabilang baryo? Madilim rin kasi ang daan papunta duon" tanong ni lolo ng makalapit siya sakin.

"Sige po lo, sakay na po kayo."

Hindi na ako nag dalawang isip na pumayag, dahil bukod sa matanda na rin si lolo James ay madalim rin ang daan. Isa pa, gusto ko ring magpahangin dahil sa nangyari sa'min ni Yeri. Sa ilang taon kasi na mag kakaibigan kami ay ngayon lang sya nagkaganyan, ngayon lang rin kami nagkasagutan ng ganuon kalala.

"Ito na ba ang apo mo Mario? Aba'y napaka gwapong binata" saad ng kaibigan ni lolo na nakaupo sa likuran.

"Kanino pa ba magmamana? Edi sa lolo" sagot naman nitong si lolo.

"Kay mommy ko kaya nakuha"

"Kanino ba mag mamana ang mommy mo?"

"Edi kay lola" pabiro kong sagot kaya natawa ang kaibigan ni lolo.

"Sinasabi ko sayo Sevi, kaya kong magtakwil ng apo"

"Hindi mo kaya lo, paborito mo ako" sagot ko naman bago ko kindatan si lolo.

Medyo malayo layo rin pala talaga ang bahay ng ni lolo James, mabuti na lang at pinagpilitan kong sunduin ang aking lolo naging way pa to para makauwi ng ligtas si lolo James.

"Mag iinom nanaman ba kayo?" Tanong ni lolo

"Opo lo. Pero beer lang daw kasi mag dadagat daw kami bukas"

"Saan kayo p-pwesto?"

"Sa likod na terrace po ulit lo"

"Nako! Huwag kayo masyadong maingay at baka magalit yung bantay ng lolo mo duon" Singit naman ni lolo James.

"Alam nyo rin ho yung tungkol duon?"

"Oo iho. Kasabayan ko ang lolo mo dito, nakailang balik na rin ako sa bahay niya at twing nag pupunta ako duon ay maingat ako sa mga kilos ko, baka kasi magalit ko yung bantay lalo na't dayo lang ako sa bahay ng lolo mo"

Lolo Mario

"Huwag po kayong mag alala lolo James, mabait naman po ang bantay ni lolo, saka napakaganda" Sagot naman ng apo ko.

Ito yung hindi mawawala sa mata ni Sevi sa twing ang usapan ay si Alandy. Hindi niya nakakalimutang banggitin kung gaano kaganda ang espirito, bukod pa duon ay hindi rin nawawala ang maganda nyang ngiti maging ang kislap sa kanyang mga mata. Napapaisip nga ako baka na enkanto nga talaga ang apo ko.

"nagpakita sayo? pati mukha?" gulat na tanong ni James.

"Opo. actually, bata pa lang ho ako nakita ko na mukha niya" Sagot naman ng apo ko.

"Aba Mario! Sa tinagal-tagal natin dito hindi natin nakita ang mukha nung multo. Ang isa mo bang apo nakita na rin ang mukha ng bantay mo?"

"Hindi pa James si Sevi pa lang ang nakakakita, sa kanya ko rin nalaman ang pangalan nung ispirito sa likod"

"Totoo ba?! Hindi kaya'y natipuhan ka ng multo?"

"Mas maigi ho 'yon kung ganun" Ani Sevi at natatawa pa.

"Lokong bata ito! Baka isama ka nun sa kabilang buhay!" Singhal ni James at marahan pang tinapik ang balikat ng apo ko.

"Ano bang pinag sasasabi mo riyan?! Sa tingin ko kaya kay Sevi lang nag pakita yung multo ay dahil si Sevi lang ang kumausap sa kanya" Saad ko naman.

Naikwento naman ni Sevi kay James kung paano ang unang pagkikita nila ni Alandy. Sa twing naririnig ko ang kwento ay bumabalik ang paniniwala kong hindi masamang ispirito ang nasa likod bahay ko, sadyang hindi lang talaga siya makatawid sa kabilang buhay.

"Nako! Naalala ko ang sabi ng lola ko, aniya kapag daw hindi makatawid sa kabilang buhay ang kaluluwa ay dahil daw may hindi pa sya natatapos gawin o hindi pa nya tanggap na patay na siya. Subukan mo kayang alamin kung bakit nananatili pa siya dito?" Mahabang wika ni James.

"Mukha naman hong aware siyang patay na siya."

"Kung ganuon, baka may bagay pa siyang hindi nagagawa kaya hindi siya matahimik"

"hindi naman po siya maingay, mahinhin nga po sya eh" natatawang ani Sevi.

"Pilyo kang bata ka!" Pigil tawa ko naman wika kay Sevi bago hampasin ang kanyang braso.

"Bahala ka. Baka ikaw lang ang makakatulong sa kanya para tuluyan ng makapagpahinga" Ani James at kapansinpansin naman ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Sevi.

Lungkot. Iyon ang nakikita ko sa mukha ng apo ko ngayon.

"Hindi ko ho kasi alam kung paano siya tutulungan pero susubukan ko ho siyang tanungin."

"mabuti yan iho. Kung mabuting multo naman pala siya, ikaw na ang tumulong sa kanya para tuluyang makatawid. Hindi sa sapa ah!" Ani James at pilit naman tumawa si Sevi.

"osya! Dyan na lang ako sa tabi iho! Salamat sa pag hatid"

"walang anuman ho lo. Wag na rin ho kayong nag papadilim sa daan, kahit mga OG na kayo dito delikado pa rin ho." Ani Sevi at ibinaba pa ang bintana ng sasakyan.

"Wag mo kong alalahanin iho, ang intindihin mo ay kung paano matutulungan yung multo sa likod bahay nyo"

"Wag niyo na hong isipin yun at baka hindi kayo makatulog." Natatawant sagot ni Sevi.

"James pumasok ka na sa bahay ninyo! Ang dami mong daldal, gusto mo bang mag overnight sa bahay namin? Mukhang wala kang balak pumasok ng bahay niyo"

"Sa susunod na Mario, pag wala ng multo sa likod bahay mo" Sagot naman sakin ni James bago nag tatakbo paloob ng bahay. Natawa na lang rin si Sevi bago isara ang bintana.

Buong byahe pabalik ng bahay ay tahimik lang ang apo ko. Napapaisip tuloy ako kung dahil ba iniisip niya kung paano tutulungan ang multo o iniisip niya kung kaya ba nyang tuluyang mawala si Alandy.

Sa tingin ko kasi ay malalim ang pagkakagusto ng apo ko kay Alandy, bata pa lang siya ay mukhang na bighani talaga siya ng sobra. Hindi ko lang lubos na maisip na sa multo ang unang heartbreak ng apo ko kapag dumating na ang oras na kailangan nang tuluyang mamaalam ni Alandy.

Marahuyo || Taekook Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon