Sevi
"Sevi bilisan mo naman! My goodness!" Rinig kong sigaw ni Jin mula sa labas ng bahay. Dali dali naman akong lumabas dala ang aking maleta.
"Ano na?! Usapan 7am aalis, 7:30 na pa chill chill ka pa dyan!" Singhal naman ni Namjoon— Jin's boyfriend.
"Bakit ba kayo nag mamadali? Hindi naman aalis bahay ng lolo ko sa Sta. Fe." Saad ko bago ilagay sa likod ng van ang aking gamit.
Today we're heading to my mom's province, sa lugar kung saan siya nag dalaga. It's been 18 years since i last visit our province, i was just 7 years old back then. I heard from my cousin Chae that a lot has changed there except for one, signal. Hanggang ngayon ay mahirap pa rin daw ang signal ng kahit anong network sa bahay ni Lolo Mario.
"Let's keep going. 8 hours pa ang byahe natin at ayokong gabihin sa daan." Pagsusungit ni Yeri bago pumasok sa loob ng van.
"May regla ba yun? Ang sungit eh" Bulong ni Jeongyeon bago sumunod sa loob ng van.
"Move, si Sevi na dyan" Ani Yeri ng tumabi si Jeongyeon sa kanya. Wala namang nagawa si Yeonie kung hindi ang lumipat ng pwesto.
"Sabi sayo may gusto sayo yang si Yeri eh" Pangaasar ni Jackson bago pumasok ng sasakyan.
"Believe me Sevi, she likes you. Ang manhid mo pare ah" Singit naman ni Eunwoo.
The 7 of us have been friends since highschool, we never thought na yung friendship namin ay tatagal. We parted ways when we entered college kasi iba iba kami ng kurso na kinuha at University na pinasukan. Ganun pa man, kahit marami kaming mga bagong kaibigan na nakilala ay iba pa rin ang pagkakaibigan na nahasa na ng panahon.
"Ano na Sevi? You're just gonna stand there? Anong petsa na ha!" Pagtataray ni Jeongyeon kaya agad akong sumakay ng van at naupo sa tabi ni Yeri.
"Salitan tayo mag drive ah! Tig da-dalwang oras tayo" Ani Jin na syang unang mag d-drive papunta ng Sta. Fe.
"Ako na last na mag d-drive" Sagot ko naman bago umayos ng upo.
Kaming dalawa lang ni Yeri ang nasa unang hilera ng van. Sila Jackson, Eunwoo at Jeongyeon naman ang nasa likuran namin and the rest ay puro gamit na namin.
Jin started driving, si Namjoon naman ay nagsimula na ring magpatugtog para hindi antukin ang nobyo niya habang nag d-drive. Higit isang oras pa lang ang nakakalipas ng byumahe kami pero eto kaming mag kakaibigan na parabang may sariling concert sa loob ng sasakyan.
"Wag ka nang mawala.. Wag ka ng mawala.. Ngayoooon! Dadalhin kita sa aming bahay di tayo mag aaway aalis tayo sa tunay na mundo"
Everyone of us are singing, well except one.
"Wala ba kayong kapaguran? Kanina pa kayo kumakanta ah" Singhal ni Yeri sa tabi ko.
"Bakit ka ba nag tataray Yeri? May dalaw ka ba?" Tanong ni Jin bago hinaan ang volume ng speaker.
"Hayaan nyo na, baka kulang sa tulog." Saad naman nitong si Eunwoo.
"Teh wag mong araw arawin sa loob ng isang bwan yan ah, mag aaway talaga tayo. Mahiya ka rin sa lolo ni Sevi" Ani Jeongyeon bago mag suot ng airpods at sumandal sa balikat ni Jackson.
Isang bwan kasi kami sa Sta. Fe, lahat kami nag resign sa trabaho since we decided na mag open ng club. Nisipan namin na bago kami maging busy sa club ay magbakasyon muna.
30 minutes pa ang nakalipas at natahimik na ang lahat, napipikit na rin ang mata ko dahil sa antok when i felt a weight on my shoulder. Of course it's none other than Yeri, ipinatong nya ang kanyang ulo sa aking balikat bago umayos ng pwesto. Just when I'm about to close my eyes my phone vibrates at agad kong tiningnan ang natanggap kong notification.
![](https://img.wattpad.com/cover/332264551-288-k770075.jpg)
BINABASA MO ANG
Marahuyo || Taekook
FanfictionIsang istorya ng dalawang pusong pinag tagpo ng tadhana ngunit sa magka ibang oras, panahon at pagkakataon. Maari bang bumalik sa nakaraan o magkita sa kasalukuyan upang ang landas ng dalawang nag mamahalan ay magtagpo. MARAHUYO - enchanted