Sevi
Van na ang ginamit namin papunta sa dagat para isang sasakyan na lang ang gagamitin, roughly 20 to 25 minutes lang ang byahe namin from lolo's house.
"hindi talaga sumama si Yeri no?" Ani Sana.
"Masama daw pakiramdam eh" Sagot naman ni Jeongyeon.
"Maasama ugali kamo" Singhal naman nitong si Eunwoo.
"Mabait naman yun, may topak lang talaga minsan tho hindi ko rin alam anong nangyari sa kanya ngayon." Ani Jin
"Baka nag evolve na?"
"Jimin, nakikisali ka pa. Di ka na lang tumahimik" Sita ni Yoongi na syang ng d-drive.
"little devil lang noon, demonyita na ngayon" Ani Woo na syang nagpatawa saming lahat. I did not influence them na mainis kay Yeri pero dahil nga sa paguugaling ipinakikita ni Yeri ngayon ay siguro pati sila ay nawalan rin ng gana sa kanya.
But seriously, hindi ko rin talaga alam anong nangyari dun kay Yeri, kung bakit siya nagkakaganyan ngayon. Parang lumala yung attitude niya pag dating namin ng sta. Fe. Anong hangin ba meron dito at nagkakaganito siya?
"Pero trip ka talaga nun Sevi." Ani Hobi.
"Isa ka pa nakikisali di ka naman belong sa circle of friends nila" Ani Momo
"Ay? Hindi pa ba tayo friends? Kala ko tropa tropa na tayo eh."
"Friends naman na kaya lang nasa loob kasi ng tropahan namin yung issue kaya mas okay siguro na kami-kami na lang mag solve at baka madawit pa kayo" Ani Jackson at nag tanguan naman ang mga kaibigan ni Chae.
See, mabait na tao si Jackson kaya alam kong nasaktan to nung binastos siya ni Yeri.
"feeling ko talaga Sevi ikaw ang problema nun. Bakit kasi di mo kausapin?" Ani Chae
"Saka na" Maikli kong sagot sa pinsan ko.
I wanted to talk to her naman talaga. I want to tell her in a nice way na hindi ko kayang ibalik kung ano man ang nararamdaman niya para sakin. I was planning na pag balik na lang ng Manila since ayokong maging awkward lahat habang naka bakasyon kami. But shit happens, i think sooner than later ay kailangan ko rin syang kausapin dahil nga sa ugaling pinapakita niya, she became possessive towards me at hindi ko ikinatutuwa ang ugali niyang ganun lalo na't wala naman kaming relasyon. Mabuti lang rin sana kung kami kami lang, e ang kaso nasa pamamahay siya ni lolo at andito rin ang mga kaibigan ng pinsan ko. Nakakahiya!
"Oh Sevi, ayan na yung mga duyan. Bibili ka pa ba?" Tanong ni Yoongi kaya natigil ako sa pag iisip.
"Yes please! Saglit lang ako." Aniya saka inihinto ang sasakyan sa tabing bilihan ng mga duyan.
"Anong gagawin mo dyan Sev? Don't tell me ilalagay mo sa club yan?!" Namimilog matang ani Jeongyeon.
"Stupid para kay Alandy" Saad ko bago bumaba ng van.
Hindi ko na pinasin ang pagtataka sa mukha nila, bahala silang mag isip basta ang goal ko ngayon ay mabilhan si Andy ng mahihigaan.
Pag baba ko ng van ay tumambad sa'kin ang napaka raming design at kulay ng mga hammock. Hindi naman ako nahirapang mamili dahil i already have my own preference. I just hope na mayroon silang design.
"Excuse me. Do you have white hammock?" Tanong ko sa tindera.
"Ay oo sir. Medyo kaunti na lang ang stocks kaya bili na po kayo" Galing mag sales talk ah.
I checked every design at kung saan yari and duyan. Ayoko kasi ng gawa sa net, makati sa balat tho hindi ko alam kung may bearing ba yun sa kay Andy. I want him to sleep comfortably kaya medyo nagiging maselan ako sa pag hahanap.
"Sevi!!! 10 minutes ka na dyan punyeta ka!" Rinig kong sigaw ni Jin at nakalabas pa ang ulo sa bintana ng van.
"Mauna na kaya kayo?" Sagot ko naman.
"Tanga ka! Bilisan mo na lang dyan" Aniya sabay sara ng bintana.
"Ano ho ba ang hinahanap ninyo sir?"
"Yung puti sana, yung parang sa mga romatic movies"
"ahh! Hindi niyo naman po kasi sinabi agad sir. Nakatago ang mga ganun namin, baka kasi madumihan" Aniya at may kinuha sa aparador.
May mga naka sealed na plastic syang inilabas kasama ng isang papel na may mga pictures na pwede kong pag pilian ng design.
"Ayun! This one. I like this" Saad ko sabay turo sa picture. Mas maganda pa to kesa sa nasa isip ko.
"Nako sir! tingnan ko kung meron pa po ah"
Shit! Sana naman meron pa. Wala kasi akong 2nd choice, 'yon talaga ang gusto ko. Iyon na kasi ang nagiisa at pinaka malapit na design sa kung ano ang nasa isip ko.
"Ito sir! Nag iisa na lang to" Saad ng babae making me smile.
"yun! Matibay naman to no? Saka hindi makati sa katawan? " Tanong ko habang binubuksan yung plastic to check kung walang sira ang hammock.
"Matibay yan sir saka hindi makati sa katawan. Mabilis maubos mga ganyan namin yung iba nag papareserve pa ho" Aniya.
Maganda nga ang pagkakagawa at hindi makati sa balat. Hindi rin naman ganuon ka lakihan ang katawan ni Andy kaya mukhang hindi naman mapipigtal o mapupunit to agad.
"Sige kunin ko na to"
Mabilis naman ang naging transaksyon namin. Actually ang dami pa nyang inoffer na kung ano ano, kaya yung dapat lang na hammock na bibilhin ko ay nadagdagan ng foam na fit sa duyan at mga unan na terno sa hammock. Napailing na lang ako sa sarili ko pero hindi ko na rin inisip yung mga nagastos ko lalo na kung para naman kay Andy.
"Sa wakas pucha!" Singhal ni Woo pag pasok ko ng van.
"kala ko ba duyan lang bibilhin mo?!" Singit naman ni Jackson.
"nabudol eh saka para terno lahat"
"Okay na? Andar na tayo? Baka may nalimutan ka pa" Ani Yoongi.
"Puta sa tinagal mo dyan wag mong sabihing may nalimutan ka pa" Iritang ani Chae.
"Actually meron pa nga"
"puta maiwan ka na!" Tawang tawa na lang ako sa reaksyon ng mga kaibigan ko. Kulang na lang ay pagpapaluin nila ako habang minumura.
Muli namang pinaandar ni Yoongi ang sasakyan at lahat sila ay nag simula na ulit na mag daldalan habang ako pilit na pinipigilan ang aking ngiti.
Excited na kong makita ang reaksyon ng bebe ko, sana naman mahigaan niya to kasi hindi ko na pwedeng I-refund to.
✧
BINABASA MO ANG
Marahuyo || Taekook
FanfictionIsang istorya ng dalawang pusong pinag tagpo ng tadhana ngunit sa magka ibang oras, panahon at pagkakataon. Maari bang bumalik sa nakaraan o magkita sa kasalukuyan upang ang landas ng dalawang nag mamahalan ay magtagpo. MARAHUYO - enchanted
