Sevi
Alas kwatro na ng makabalik ako sa bahay ni lolo, sakto naman ang dating ko kasi mukhang may lakad sya.
"Lo, san punta mo?"
"Sa pang apat na bahay mula dito, birthday kasi nung kaibigan ko. Bakit pala andito ka na? Nasan iba mong kasama?" Tanong ni Lolo na pormadong pormado.
"Naiwan pa po lo, mag g-grocery pa raw sila kaya nauna na kong umuwi" Sagot ko naman at tiningnan lang ako ni lolo na may pagdududang tingin.
"Anong gagawin mong magisa sa bahay?" Tanong niya at nakataas pa ang isang kilay
"Mag papahinga ho lo."
"Baka manuod ka ng bold dyan, tandaan mo nasa harap lang ng kwarto mo si Alandy. Baka narinig nya mga ungol mo"
"Mag papatugtog na lang ako ng malakas para di nya mari- aray! Lolo biro lang naman!" Hindi ko na naiwasan ang pingot ni lolo, tingnan mo to siya nag simula ng kabastusan eh.
"Bastos ka talagang bata ka! Mag asawa ka na lang para hindi ka nag sasayang ng lahi at kung saan saan mo ipapahid yan" Singhal ni lolo habang sunod sunod akong pinapalo. Napa hagalpak na lang rin ako ng tawa dahil ramdam ko ang inis nya.
"Biro lang naman kasi lo! Hindi pa ho ba kayo aalis? Gagabihin na kayo" Tanong ko naman kay lolo.
"Ito na aalis na"
"May magsusundo ba sa inyo?'
"sanay naman akong maglakad pauwi" sagot ni lolo habang inaayos ang kanyang damit.
"Susunduin ko na lang kayo, mga 8 puntahan ko ho kayo"
Magkakalayo kasi ang mga bahay dito at wala pa ring ilaw ang daan kaya nag prisinta na akong sunduin si lolo. Kahit naman gamay niya na dito, mas maigi nang sunduin na lang kesa magsisi sa huli pag may masamang nangyari.
"Osya! Mauna na ako. Hwag niyo na kong hintayin mag dinner na lang kayo pag gutom na kayo" ani lolo at saka excited na lumabas ng gawa sa kahoy na gate.
Pag alis ni lolo ay dali dali naman akong pumasok ng bahay para ibaba ang bag ko. Cellphone lang ang kinuha ko saka ako nag tungo sa likod ng bahay— sa sapa kung nasaan si Alandy.
Pagdating ko sa likod ng bahay ay hindi pa ata ako agad napansin ni Andy. Nakita ko syang nakaupo sa malaking bato sa tabi ng puno kung saan siya nag lalagi at ang ulo nya ay nakayuko.
Umiiyak ba sya?
"Alandy" malambing kong tawag
Agad namang nag angat ng tingin sakin si Andy at duon ko napatunayan na umiiyak nga talaga sya.
"Sevi, ikaw pala ay nariyan na" Saad niya sabay punas sa kanyang luha. Pilit din syang ngumiti bago tumayo at kumaway sa'kin.
"Sandali, tawid ako dyan" Sagot ko at namilog naman ang kanyang mga mata.
"Wag mo kong pigilan hindi na ko bata, saka mababa lang naman to" Sagot ko habang maingat na tumatawid.
"Magiingat ka, mabato ang iyong dadaanan."
"Chill ka lang. Kala mo ata bata pa rin ako til now eh" saad ko naman hanggang sa makarating ako sa pwesto ni Andy.
"See! Easy peasy kahit araw araw pa kong magpabal-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pag angat ko ng ulo ay nakita ko ng malapitan ang mukha nya.
Wow! He's even more beautiful sa malapitan. Sobrang ganda niya, lalo na ngayon nakangiti sya sakin.
"Sevi? May dumi ba sa a'king mukha?" Tanong niya kaya bahagya akong natawa. Ganyan na ganyan kasi tanungan nung unang panahon or at least sa mga napanuod ko.

BINABASA MO ANG
Marahuyo || Taekook
FanfictionIsang istorya ng dalawang pusong pinag tagpo ng tadhana ngunit sa magka ibang oras, panahon at pagkakataon. Maari bang bumalik sa nakaraan o magkita sa kasalukuyan upang ang landas ng dalawang nag mamahalan ay magtagpo. MARAHUYO - enchanted