Sevi
After kong makipag usap sa mga kaibigan ko ay dumeresto agad ako kay Andy. Pinasuyo ko na lang kay Jackson na buksan ang ilaw sa kwarto ko at ilaw sa terrace kung saan kami nag iinom para may liwanag kami ni Andi sa likod. Nakahawi na rin naman na ang kurtina sa kwartoko kaya wala na siyang ibang gagawin kung hindi buksan ang ilaw, buti na lang rin hindi ganuon ka duwag si Jackson kumpara kay Woo.
"bebe, nariyan ka na pala. Ika'y inabutan na ng dilim, huwag ka na kayang tumawid parito"
Bebe. I won't let anyone call me that kahit mawala na si Andy.
"Okay lang ako bebe, kala mo ata bata pa ko eh" Sagot ko naman at maingat na tinatawid ang sapa.
"Ano ang kagamitan na iyong dala?" Tanong ni Andy ng tuluyan na 'kong makatawid ng sapa.
"diba sabi ko sayo may ibibigay ako, ito na yun duya" Sagot ko naman na dahilan ng pagngiti ni Andy.
So pano na ko pag nawala na talaga siya? Hindi ba pwedeng makunan man lang siya ng picture para kahit papaano makikita ko pa rin ang ganda at nakakatunaw niyang ngiti?
"Ayos ka lang ba? Mayroon ka bang nararamdaman?" Tanong ni Andi at pilit namang akong ngumiti.
"Wala bebe, overthinker ka masyado" Saad ko saka ipinatong ang duyan at mga unan na nakabalot sa plastik sa may bato.
"Gilid ka muna Andi, kakabit ko lang tong higaan mo" Saad ko at sumunod naman sa'kin si Andi.
Habang ikinakabit ko ang duyan ay naupo naman siya sa mas malaking bato saka nangalumbaba. Bahagya pang nakatagilid ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ang bawat kilos ko.
"Hot ko ba?" Tanong ko at wala namang imik si Andi
"I mean ano... ano bang tagalog ng hot? Mainit? Ang weird naman kung tatanungin kong mainit ako" Saad ko sa sarili ko at rinig ko naman ang tawa ni Andy.
"Anong nakakatawa?"
"Nakakatuwa ka kasing pagmasdan habang kausap mo ang iyong sarili" Aniya at kumagat labi pa.
Jusko po! Wag niyo na pong dalhin sa kung saan ang isip ko, okay nang cute lang ang nasa utak ko.
"Hindi ko kasi maisip kung ano ba ang tamang... word. Hayaan mo na nga" Saad ko at humagalpak naman ng tawa si Andy.
Matapos kong maitali ang isang side ng duyan sa puno ay nag tungo naman ako sa kabila para itali naman ang kabilang dulo ng duyan.
"Nahihirapan ka na bang kausap ako, Sevi? Paumanhin kung hindi ko masabayan ang mga lengguwahe na iyong nakasanayan"
"Para ka namang others niya, bebe" Saad ko saka higpitan ang tali ng duyan.
"Ayan tapos na, subukan mo dali" Dagdag ko at tumayo naman si Andy
"ay Andy wait!"
"may mali ba akong nagawa?" Takang tanong niya at halos naistatwa pa sa kinatatayuan.
"Hindi wala. Ano, ganito ha. Mag focus ka sa duyan, mag ano ituon mo yung isip mo sa duyan na kaya mong maupo sa duyan." Saad ko at tumango naman si Andi.
Bumuntong hingina pa sya saka ipinikit ang mga mata. Habang naka pikit ang kanyang mga mata ay hindi ko naman naiwasa na titigan at kabisaduhin ang bawat anggulo ng kanyang mukha. My eyes landed on his lips, It looks really soft. Naisip ko tuloy kung anong pakiramdam na mahalikan ang mapupula niyang labi.
"Handa na 'ko Sevi" Aniya at pagmulat niya ng mata ay agad nagtama ang paningin namin. All of a sudden at naging malabo ang kapaligiran at tanging si Andi lang ang malinaw.
So.. ganito pala yung sinasabi nilang pag-ibig.
"Handa na 'ko bebe"
Ako hindi pa Andy, hindi 'ko handa na pakawalan ka pero... 'yon ang dapat.
"Subukan mo na Andy" Bulong ko at itinano naman niya ang kanyang ulo bago lumapit sa duyan.
Pagtalikod niya sa puting duyan ay muli siyang bumuntong hininga. Dahan dahan naman siyang naupo habang ako naman ay titig sa bawat kilos niya.
"Malapit na Andy kaya mo yan"
Pareho kaming kabado ni Andy hanggang sa tuluyan siyang makaupo.
"FUCK! YOU DID IT!" Masaya kong saad ng tuluyang maka-upo si Andy.
"Sevi naga-"
"Oy wait! Wag kang tatayo!" Saad ko saka lumapit sa kanya. Dala na rin ng emosyon ko ay tila ba may sariling buhay ang mga kamay ko at kusang humawak sa balikat ni Andy para sana pigilan siyang tumayo kaya lang gaya nung una ay tumagos lang ang aking kamay sa katawan ni Andy.
Pareho naman kaming natahimik, siya tahimik na naka upo sa duyan at ako naman ay tahimik na nakatayo.
"Paumanhin Sevi" Bulong ni Andy.
Nope! Kung matutulungan ko si Andy na makatawid sa kabilang buhay, ayoko na ganito namin susulitin ang mga araw. Hanggat kaya pa, hanggat pwede pa gusto ko magandang alaala lang ang mabubuo namin. Hindi man niya maalala sa kabilang buhay pero ako, gusto ko masasaya lang ang maaalala ko twing maiisip ko si Andy.
"Sevi, may masakit ba sayo?" Tanong ni Andy at itinango ko ang aking ulo.
"Ito" Saad ko bago ilapat ang aking palad sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso.
"Masakit to Alandy"
"Pero baka pagod lang" Dagdag ko saka naupo sa bato sa tapat ng duyan.
"Maigi pang pumaloob ka na Sevi, baka pagsapit ng liwanag ay mayroon ka nang sakit"
"Ano ka ba, kaya ko to, Strong ako Andy"
"Strong?"
"Malakas, brave, courageous ay hindi matapang ata yun" Saad ko at tinawanan naman ako ni Andy.
"Brave, co.. co.. maari mo bang ulitin ang katagang 'yon?"
"Cou-ra-geous, courageous"
"courageous at brave ibig sabihin ay matapang"
"Tama. Gusto mo bang matuto ng ilang mga wikang ingles?" Tanong ko at tumango naman si Andi.
"Osige start tayo sa I love you. Sabihin mo, I love you Sevi"
"Ano muna ang nais ipabatid ng katagang iyan?"
"ibig sabihin, tapat na kaibigan si Sevi" Saad ko at nangiti naman si Andy habang tumatango
"I love you Sevi" Ani Andy habang nakangiti.
Hindi ko alam kung maiiyak ba 'ko o kikiligin eh. Paulit- ulit kong sinasabi sa sarili ko na kailangan kong tanggapin na darating ang araw na tuluyan nang aalis si Andy pero twing maiisip ko na wala na 'kong masisilayan twing titingin sa puno na to ay nasasaktan na 'ko agad"
"I love you too, Andy"
✧
BINABASA MO ANG
Marahuyo || Taekook
FanficIsang istorya ng dalawang pusong pinag tagpo ng tadhana ngunit sa magka ibang oras, panahon at pagkakataon. Maari bang bumalik sa nakaraan o magkita sa kasalukuyan upang ang landas ng dalawang nag mamahalan ay magtagpo. MARAHUYO - enchanted