Kabanata Dalawa

397 17 3
                                        

Sevi

"Chae, hinahayaan mo si lolo na pumunta dun sa sapa ng madilim?" Tanong ko kay Chae na kakababa lang rin giling sa 2nd floor.

Chaeyoung is a year younger than me, she's also living in Manila kaya paminsan-minsan ay may pagkakataon kaming mag kita. Lima lang kami na mag pipinsang buo sa side ni mom, malayo ang agwat ng tatlo ko pang pinsan kaya kami ni Chae ang nagkasundo.

"Nako! Kahapon ko pa yan sinasabihan pero hindi nakikinig" Sagot naman niya bago senyasan ang mga kaibigan na maupo na sa hapagkainan.

"Ano daw bang ginagawa niya dun? Bakit may dala siyang pagkain?" Tanong ko at sinenyasan rin ang mga kaibigan ko para maupo na.

"Ano yun? Baka may inaalayan siya dun?" Wika ni Eunwoo bago maupo sa tabi ni Jackson.

As usual, si Yeri nanaman ang tumabi sa'kin. Nasa left side ng table sila Chae at kami naman ang nasa right, si lolo naman ang mauupo sa center kaya lang wala pa rin siya at hindi pa bumabalik.

"Meron nga, umaga hanggang gabi yan may meryenda pa" Sagot naman ni Chae habang kumukuha ng pagkain.

"Teh siraulo ka! Totoo ba yan?! May bintana pa naman sa kwarto namin! Hesos!" Ani Jin.

"Kaya nga! Tapos sa side pa ng sapa yung kwarto at bintana. Walang mag bubukas ng kurtina ah!" Singit naman ni Jeongyeon.

"Okay ka lang ba sa room mo, Sevi? Baka need mo ng kasama ah just tell me." Malambing na ani Yeri at may pahimas pa sa hita ko.

"Hindi naman ako duwag, I'll be fine don't worry" sagot ko naman bago marahang alisin ang kamay ni Yeri sa aking hita.

Pansin ko ang palihim na pag taas ng kilay ng pinsan ko ng magkatinginan kami, palihim rin naman akong umiling pahiwatig na wala kaming relasyon o wala akong nararamdaman para kay Yeri.

"Anyway, magiinom kami sa terrace mamaya. G ba kayo?" Tanong ni Chaeyoung.

"ay ako g! Deserve nating magwalwal" walang ano anong sagot ni Jackson.

"G rin ako. Pero wait lang, sa terrace tayo? So nakaharap tayo sa sapa?" Paglilinaw na tanong Namjoon

"Gago ka Chae! Oo nga!" Halos manlaking matang wika ni Momo, kaibigan ni Chae.

"Ayaw niyong dito na lang sa sala?" Tanong ni Hobi.

"Nag yoyosi kami nila Momo at Yoongi, si Sevi rin." Sagot naman ng pinsan ko.

"Woo, Jackson and Jin are also smokers" Ani Jeongyeon

"We can't smoke inside obviously, sa terrace pwede tayo since malayo ang room ni lolo from there" Wika ni Chae bago sumubo ng pagkain.

"Sa kabilang terrace ayaw nyo?" Sana asked. Ito ata yung sinasabi ni Chae na pwedeng ireto kay Woo eh, kanina pa kasi tingin ng tingin sa kaibigan ko.

"Sa tabi ng kwarto ko ang terrace sa harap, kung gusto niyong mag ingay, sa terrace sa likod na kayo" Saad ni lolo na nakabalik na pala galing sa likod. Pansin ko na hindi rin nya dala ang pinggan na hawak nya kanina, siguro iniwan niya duon.

"Tapos na po kayong magpakain? Tara na po lolo, kain na rin po kayo" pag aaya ni Yoongi

"Anong pakain? Sino pong pinakain nyo lolo?" kabadong tanong ni Jackson. Nginitian lang naman siya ni lolo bago maupo at nag simulang sumandok ng pagkain.

I thought he's not gonna answer Jack's question pero sabay sabay pa kaming napatingin sa kanya when he said...

"Yung bantay namin sa likod, mabait yan kaya wag kayong matakot."

Marahuyo || Taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon