Kabanata Labing-Isa

407 25 6
                                        

Sevi

Hindi ko na namalayan ang oras habang nakikipag kwentuhan kay Alandy, napansin ko na lang na dumidilim na sa labas and when i checked my phone, 6:45 na pala kasi.

"Sevi?!!!"

Sabay pa kaming napatingin ni Andy sa loob ng bahay ng marinig namin ang pagtawag sa pangalan ko.

"Nariyan na ang 'yong mga kaibigan" Ani Andy

"Kaya nga eh." Maikli ko namang sagot.

"Pumaruon ka na at baka mag alala pa ang mga bebe mo sa 'yo"

Tangina! Mga bebe pa nga.

"Maya maya, hayaan mo sila"

"Delikado na ang iyong daraanan, lalo na't madilim na" alalang saad ni Andy.

Itinango ko lang naman ang aking ulo, ayoko pa kasi sanang bumalik ng bahay pero naalala ko rin na kailangan kong sunduin si lolo.

"Babalik ako bukas ha hintayin mo 'ko" saad ko bago tumayo at magpagpag ng pwet

Hindi sumagot si Alandy, itinango lang rin niya ang kanyang ulo habang nakangiti. Pero pansin ko na sa likod ng ngiti na ibinibigay niya sa'kin ay lungkot sa kanyang mga mata.

Gaano ka na ba katagal na andito? Gaano katagal ka na bang magisa sa lugar na to? Ayaw mo na ba ulit magisa?

Part of me wants to help him para makatawid sa kabilang buhay, pero mayroon sakin na ayaw syang paalisin. Na sana dito na lang siya, kaya lang that would be so unfair lalo na pag bumalik na ako sa Maynila.

Maayos akong nagpaalam kay Andy kahit pa hindi ko naman talaga gusto pang umalis. Kung pwede nga lang mag tayo na lang ako ng tent dito para hindi siya maiwan mag isa, gagawin ko talaga.

"San ka galing? Bakit basang basa paa mo?" Tanong ni Jeongyeon pag pasok ko ng sala.

"Galing kang sapa?!" Gulat na tanong ni Chae at namimilog pa ang mata.

"Yeap." Maikli ko namang sagot bago maupo sa tabi ni Jackson. May space pa sa tabi ni Yeri pero mas pinili kong maupo dito.

"So umuwi ka agad para makipag usap sa multo? Seriously?" Iritang ani Yeri.

I just poked my inner cheek, ayoko kasing sagutin to at nauubusan na rin ako ng pasensya sa kanya. Last night pa magaspang ang ugali niya at ang mas nakakainis ay dito pa sa lugar ng lolo ko siya nag ganyan. Hindi naman siya ganyan noon, dito lang talaga.

"Iinom ba tayo mamay-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin ni Yeri ang sasabihin ko.

"Wow! Buti pa yung mutlo sa likod nakikita mo, ako? All of a sudden parang hangin na lang?" Aniya at umiiling pa.

"Yeri ano bang nangyayari sayo? Kumal-"

"Nakikita mo naman pala ako Namjoon eh. Bakit hindi ako sinagot nitong kaibigan mo?"

Putangina! Wala akong balak na pag taasan ng boses tong si Yeri but what she's doing is just too much. Nakakahiya lalo na't andito rin ang mga kaibigan ng pinsan ko na kagabi lang namin nakilala.

"Ahh. I think pasok muna kami sa kwarto" Ani Jimin at isa isa silang nagtayuan na mag kakaibigan para pumanik ng kwarto.

"Chill guys! Pagod lang tayo, pahinga muna tayo sa kwarto" Wika ni Woo

"Pagod? E wala naman tayong ginawa buong araw. Ewan ko lang dyan sa kaibigan niyo na mas pinili pang makipag usap sa multo kesa makasama tayo"

"What's your problem Yeri? Wala ba kong karapatang gawin kung anong gusto ko?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sagutin si Yeri, sumosobra na rin siya. Kung makaarte kala mo girlfriend ko.

"Magkakasama tayo for fuck's sake Sevi! Tapos aalis ka ng walang maayos na paalam?"

"Yeri, hindi naman natin pinag babawalan ang isa't isa na gawin kung anong gusto natin. Bukas aalis kami nila Jin at Namjoon, may lakad kaming tatlo, magagalit ka rin ba samin?" Tanong ni Jeongyeon

"Do whatever the fuck you want. Mukha namang may mga sari-sarili na kayong lakad" Sagot naman ni Yeri bago umakyat ng kwarto.

"anong trip nun?" Ani Jeongyeon ng marinig namin ang pag bagsak ng pinto sa taas.

"Bastos na tao, wala naman sa bahay nila para mag dabog. Andyan pa si Chae at mga kaibigan niya, wala man lang piniling lugar" singhal ni Jin at naiiling iling pa.

"Baka nag seselos dun sa mumu. Pano nasa mumu buong atensyon nitong si Sevi simula ng dumating dito" wika ni Woo.

"Siraulo pala sya eh" inis na saad ni Jackson.

"Tingnan na lang natin kung mag a-attitude pa bukas, malay nyo makuha ng tulog"

"Tama si Joon, pag ganyan pa rin ugali bukas kausapin mo na Jin. Nakakahiya may ibang tao dito tas ganyan siya" Ani Jeongyeon.

"Bakit ako?! Hell no! Baka sa sampalan pa mauwi yan, ikaw na Sevi bilang sayo naman nang gagaling hugot niya sa buhay"

"Not now baka magsalubong lang galit namin. Saya saya ko kanina sisirain niya mood ko." Saad ko bago maglabas ng isang stick ng yosi.

"Ano plan nila Chae?"

"Inom daw ulit sabi ng pinsan mo pero beer lang daw kasi mag dadagat daw tayo" Sagot naman ni Jackson.

"Go. Sa may terrace na lang ulit tayo sa likod"

"Beh, sa harap na lang tayo"

"Gagi Yeon, sa tabi nga kasi ng lolo nila Sevi yung terrace dun hindi tayo pwedeng mag ingay" Ani Namjoon

"Okay na dun sa likod, di naman magagalit si Alandy."

"Sure ka dyan ah! Mamaya biglang nasa tabi na pala natin siya" Singit naman ni Jin.

"Kulit! di nga makatawid ng sapa panong tatabi satin. saka don't worry, if ever man, sa tabi ko siya pauupuin"

"Tarantado ka Sevi!" ani Woo at hinampas pa ako sa balikat.

"Nag dinner na ba kayo?" Tanong ko sa mga kaibigan ko para maiba ang usapan. Baka kasi naririnig ni Andy at baka ayaw niya nang pinag uusapan siya.

"Oo sa labas na kami kumain, ikaw ba?" Tanong ni Jackson

"Di pa pero busog pa naman ako. Anyway, sabihan nyo na sila Chae mag-ayos na, sunduin ko lang si lolo"

"Pano si Yeri?" Tanong ni Jeongyeon.

"Ayain niyo pero wag nyong pilitin."

"Ikaw na magaya Jeongyeon" wika ni Jin bago tumayo at umakyat sa kwato nila, naka sunod naman si Namjoon sa kanya.

"Hoy Sevi san ka pupunta?" Takang tanong ni Woo ng umakyat rin ako sa taas.

"Hihiramin ko lang susi ng saskayan ni Chae"

"Ahh. Kala ko mang aaway ka eh"

"Next time Woo, may tamang oras para dun"

Hindi ko na ulit sinagot si Eunwoo, minura lang naman niya ko kaya hinayaan ko na.

Pag akyat ko ng 2nd floor ay napadaan ako sa terrace, yung terrace na nakaharap sa sapa. I saw Andy na nakaupo pa rin sa bato but this time, nakaharap siya sa terrace.

Kinawayan ko lang siya at kumaway rin naman siya pabalik. Anduon pa rin ang lungkot sa mga mata niya kahit pa may pilit na ngiti sa kanyang labi.

Ano kaya ang dahilan ng paglungkot nya? Siguro gusto niya na ring mamahinga ng maayos. Nakaramdam ako ng pagkaawa at kahit may parte sa akin na ayaw ko siyang paalisin ay alam kong alam ko sa sarili na 'yun ang dapat.

Kailangan ko syang tulungan na mamahinga bago ako bumalik ng Maynila.

Marahuyo || Taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon