Kabanata Sampu

314 19 0
                                    

Sevi

"Ano nga pala ang iyong pakay at bakit ka naparito?" Tanong ni Alandy.

"Oh right! I have a question first, gano kaganda mga tanawin sa taon mo?"

"Maayos naman ang tanawin, dito sa lugar namin ay sariwa ang hangin. Maaari ko bang malaman kung bakit mo naitanong? Malaki na ba ang ipinagbago ng mga lugar sa taon kung nasaan ka?"

"Oo beh!"

"Beh? Matalik na kaibigan din ba ang ibig sabihin ng salitang iyong binanggit?"

"Oo ulit, pang paikli lang yon sa bebe"

"Ahh! Mukhang naiintidihan ko na kung paano gagamitin ang salitang iyan, beh"

NAPAKA CUTE!! NAKAKAINIS!!

"cute mo talaga!" Wika ko dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Anyway, look at this." saad ko bago ilabas ang phone sa bulsa ko.

"Ano ang kagamitan na iyong hawak?"

right! Mail pa lang ata ang meron sa panahon nya. Pero wait...

"May telepono na ba sa panahon mo?"

"Oo naman. Iyan na ba ang makabagong telepono sa iyong panahon?"

"Ahh. It's called cellphone actually." saad ko at ayan nanaman sya, naka titig lang sakin

"Cellphone ang tawag dito, iba na rin ang itsura ng telephone ngayon but this one is mor- itong cellphone mas madali syang dalhin kung saan saan. Marami rin 'tong nagagawa"

"Ahh! Maaari mo bang ituro kung paano gamitin 'yan?"

"Ehh! sa susunod na! basta 'tong cellphone pwede kang tumawag, mag text, mag chat, mag search sa google or anything you want to find out, may camera rin to. You can take photos or videos, pwede ka rin mag patugtog dito. Kung gusto mo pwede ka rin manuod ng porn. Pwede kang makipa-"

"Porn?"

Putangina! Gago ka Sevi! Kung bakit naman kasi bukang bibig nila Jackson yang porn na yan.

"Ano ang ibig sabihin ng porn?"

"Ang dami kong sinabi porn lang naalala mo bastos kang bata ka"

Namilog pa ang mata ni Alandy dahila sa sinabi ko.

"Hindi ba maganda ang nais iparating ng porn?"

Inulit pa nga!

"Hindi naman. Teka! Ilang taon ka na ba?"

"Dalawang put anim"

"26?! Mas matanda lang pala ako sayo ng dalawang taon eh. Kailan birthday mo?"

"Ang kaarawan ko ba ang iyong nais malaman?"

Buti na lang talaga matalino tong si Andy, mukhang nasusundan naman nya kung ano ang pinag uusapan namin.

"Oo, birthday sa wika ng Ingles"

"Sa ika tatlompu ng Desyembre"

"Ohh next month. So 1 year lang pala ang tanda ko sayo" Saad ko at itinango lang niya ang kanyang ulo.

"Anyway, may papakita nga kasi ako sayo"

"Porn?"

"Gago hindi! Tanginang 'to tigilan mo kakasabi mo ng porn"

Lokong to! Tinawanan lang ako! Kung alam mo lang talaga kung ano yang porn na yan, baka gustuhin mo na lang magpalamon sa lupa, sa hinhin mong 'yan?

"Wait kasi, excited pa naman akong ipakita to sayo." Saad ko at tumahimik lang naman siya at nakatitig sa'kin.

Marahuyo || Taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon