Chapter 2: All about Heather

9.4K 189 3
                                    

Heather's POV:

Ang sungit naman ng lalaking yun. Akala mo may regla. Hayss, magpapasalamat lang naman ako sakanya? Masama ba 'yun?

Pero teka? Nakakahiya yung ginawa ko kanina ah, nag drool ba naman ako sa harap niya. Akala ko naman kase siya si...

"Heatherrrrrrrr!"

"Ay San Pedrong pogi!" gulat na gulat 'kong sabi. Paano ba naman? Sigawan ka sa tenga mo ng nanay mo? Hays.

"Hoy Aariyah Heather Colburn, ano nanamang madumi ang pumapasok diyan sa utak mo at pati si San Pedro dinadamay mo? Ha?" pailing iling na sabi ni Mommy.

"My naman, ginulat mo ko eh.." sabi ko naman ng pakamot kamot ng ulo.

Hays, masanay na kayo diyan sa Mommy ko, kung ano ano ang tawag ko sakanya, minsan Mommy minsan naman Ma. 'Yung mga lalakeng panget kanina? Utusan yun ng inutangan ni Mommy.

Matagal na yung utang na yun, pero hanggang ngayon di pa din nababayaran.

May kaya naman talaga kame, DATI! Sakto lang sa araw araw na pangangailangan namen, nakakapag aral ako sa magandang school at nabibili ang mga gusto ko sa anumang oras aras at panahon.

Hanggang sa...

*Flashback*

"Merry Christmas 'Dy." bati ko sa pinakapoging Daddy sa mundo.

"Merry Christmas baby princess." bati din niya.

"Daddy, I'm not a baby anymore" Pagmamaktol ko sakanya, hayss. Si Daddy talaga ang hilig niya kong gawing baby.

"Oo na princess, malaki na nga talaga ang baby ko. Haha! Don't tell me that you have a boyfriend na?" Pang iinis pang sabi ni Daddy.

"Dy, wala pa po. Di pa ko mag boboyfriend. Siyanga pala. Where's my gift?" sabi ko ng nakalahad ang kamay.

"Of course I won't forget your present, darling. Here." - inabot niya ang pahabang kahon na hindi naman kalakihan at hindi din naman kaliitan. Tama lang.

Inabot ko ito at binuksan.

Necklace with moon and stars pendant. Napapalibutan ng bituin ang buwan. Ayun ang design. Maganda siya, simple lang pero maganda.

Nakangiting kinuha ni Daddy ang kwintas sa kamay ko at pinatalikod ako.

"Everytime you wear this, just remember I'm always with you." sabi pa niya habang sinusuot saken ang kwintas.

Pinaharap niya ko ng matapos niyang isuot ang kwintas.

"You are the moon, and I'm your stars. I'm willing to give you light on your darkest night, my princess." makahulugang sabi ni Daddy. I didn't utter any word. I'm touched. Minsan lang kase 'ganto si Daddy, minsan lang siya mag-seryoso. Ramdam ko yung pagmamahal niya, at sinseridad sa sinabi niya.

"Thanks Dad, I love you." sabi ko na maluha luha pa.

"I love you too, princess. I thought you're big already? Big girls don't cry. Baka makita ka pa ng boyfriend mo? Haha!" Pang aasar na sabi ni Daddy. Nagtawananan lang kami ni Daddy at nagkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay.

Masayang nairaos ang disperas ng kapaskuhan. Masaya namen pinagsalu-saluhan ang hinandang pagkain ni Mommy.

Hindi namen madalas kasama si Daddy dahil na rin sa trabaho niya. Bodyguard kasi siya ng mayaman at sikat na si Don Gryffin. Matagal na din siyang naninilbihan sa don, halos kalahati ng edad niya ay inilaan niya sa pagtratrabaho. Loyal na loyal siya kay Don Gryffin, at hindi na siya umalis sa trabahong iyon. Malaki ang pinapasahod sakanya, sapat para sa pamumuhay namen tatlo. At sapat para tustusan ang pag aaral ko. Meron pa ngang malaking natitira. Minsan hindi umuuwi si Daddy, at may mga pagkakataon na kasama siya ng amo niya pumunta ng ibang bansa. Napakabait ni Don Gryffin, at wala kaming ibang masasabi sakanya. Hindi niya kami pinabayaan kaya lahat ng utos niya ay sinusunod ni Daddy.

When A Mafia Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon