Chapter 9: Unexplained Feelings

5.1K 112 2
                                    

AN~ 

Good afternoon everyone! Ginaganahan nanaman kami mag-update ni @yanibeans for this chapter! Ano kaya ang susunod na mangyayari? 

Continue reading~ Godbless you, our WAMFIL readers! ^_^ 

**


Heather's POV:

One week na din kami hindi nagpapansinan ni Ice after ng nangyari nung gabing yun. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin at kakausapin. 

Tuwing makakasalubong ko sya sa campus, lumilihis si Ice ng daan. Kumbaga iniiwasan talaga nya ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nya ko kailangan iwasan. 

Katulad nalang kanina habang naglalakad kami ni Vayne papunta sa room, nakasalubong namin sya na nagiisa. Sabagay, lagi naman nagiisa yun. Kakausapin ko na sana sya tungkol sa out of town project namin kase wala pa kaming naiisip na destinasyon. Pero nung lalapitan ko na sya, nilagpasan lang nya ako na parang hindi nya ako nakita. Parang hangin lang. Ang sakit. One week na 'kong hindi nakakatulog ng maayos. Bakit ganito? 

"Uy, Seb? Ano? Tahimik ka nanaman. 1 week ka ng ganyan ah! Tignan mo eyebags mo oh! Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos ni Fafa Ice?" tanong ni Vayne sakin. 

"Hindi eh. Hindi niya na din kase ako kinausap after nung gabing yun. 1 week na lang ang natitira para sa project pero wala pa kameng napupuntahan miski isang lugar. Kayo ba ni Duke?"

"Hmm. Actually Seb, nag usap kame kanina ni Duke bago pumasok sa school, meron na kame naisip na puntahan. Gusto niyong sumama ni Fafa Ice? Para di naman kayo awkward dalawa?" Sabi ni Vayne saakin.

"Maganda yang naisip mo Seb, pero mukhang malabo naman na sumama si Ice saatin. Ako na lang ang sasama, itetext 'ko na lang siya, na kung pwede na sya na lang ang mag edit ng mga kailangan i-edit." walang gana 'kong sabi kay Vayne.

"Alam mo Seb, di talaga kayo mag kakaayos ni Fafa Ice sa lagay niyong yan, pareho kayong matigas, parehas kayong mataas ang pride. Aba, daig niyo pa ang mag jojowa d'yan sa tabi ha? Kung mag away kayo. Tss" Sabi pa ni Vayne habang umiikot ang mata. Psh.


Sa sobrang lalim ng iniisip 'ko di ko namalayan na nasa tapat na kame ng room namen. si Ms. Dimasalang nga pala ngayon, Patay na pag nagtanong yun. Tsh. Tsh. Tsh


"Good morning Class, how's everyone? How's the project going?" Sinabi ni Mrs Dimasalang nung pagpasok na pagpasok palang nya sa room. 

Isa sa mga kaklase namin nagtanong, "Ma'am, pwede po ba out of the country yung mga project namin?" 

Ngumisi lang yung professor namin sabay sabi, "It's all up to you guys. More creative, more grades. But, I'm not saying you should go out of the country. As I've said, it's up to you. It's out of my hands if you will go out overseas." 

Lahat sila naghiyawan. Siguro nga gusto nila out of the country mga pictures kase mas mataas ang grades. Hays. Paano na 'ko? Labas pa ng bansa? Ano ba yan? Saan ako kukuha ng pangticket ko? Di pa nga ako nakakabayad kay Ice eh. Sigh. 

Speaking of Ice, wala pa rin sya sa klase hanggang ngayon. Nag cutting siguro yung mokong na yun, ano ba yan. Ano ba ngyayari sakanya at nagkaka-ganito sya?

"Hala? Bakit ba ako concerned sakanya? Kaano ano ko ba sya?" tanong ko sa sarili ko.

Narinig ako ni Vayne na nagsasalita magisa. 

When A Mafia Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon