SOMEONE's POV:
Habang nakatingin ako sakanila... sakanya... napapangiti ako. Hindi ko alam kung anong meron sakanya, ang sarap niya titigan. Napakasimpleng babae. Walang duda, kung bakit nagustuhan siya nun.
"Yo, naayos ko na lahat ng dapat ayusin. Section, course and tuition. Pwede na tayo pumasok ngayon. Eto schedule natin." Sabi niya at inabot yung papel sakin.
Nakatingin pa rin ako sakanila. at saka nag salita, "Good work. Sigurado ka bang nandito din sila?" sabi ko sakanya nang di pa din tinitignan.
"Siguradong sigurado. Kasama natin sila at siya..." Turo niya sa babaeng tinitignan ko.
Ngumiti ako sa kausap ko at binalik ang tingin sa babaeng kanina ko pa tinitignan.
Makakasama din kita. at sisiguraduhin ko na makukuha 'ko loob mo. Sabi 'ko sa sarili ko.
Inayos ko na yung sarili ko at tumingin sa lalakeng kausap ko.
"Okay, magkita kita tayo mamaya. Sabihan mo yung isa. Kailangan niyo maghanda isang maling galaw, Tapos ang lahat ng plano natin." Sabi ko sakanya, at pinaandar na ang sasakyan.
MAGHAHARAP HARAP DIN TAYO. HINTAYIN NIYO.
Heat's POV:
Andito kami ngayon sa Quadrangle ng school, nakatambay lang kasama ko si Seb. Ang aga niya nag yaya pumasok kaya eto nganga lang kami dito. HAHAHA!
"Hindi ko talaga papansinin yung unggoy na yun 'pag nakita ko siya." Pagmamaktol nanaman ni Seb.
Simula talaga nung magkita kame kanina puro ganyan na yung sinasabe niya, nagmamaktol. Parang batang nagtatantrums. Natatawa na lang ako sakanya e, Ang cute kase. Hahaha.
"Hay naku, Seb. As if you can resist his charm? Baka ngumiti lang s'ya tunaw ka na?" Pang aasar ko sakanya.
"Asa pa siya, meron pa siyang mukhang ihaharap pagtapos ng ginawa niya? Hahhhh. Pakasaya siya kasama yung impaktang yun nuh." Sabi nya habang dinidescribe yung itchura ni Ate Zea. As if di 'ko nakita. HAHAHAHA.
Nagtuloy tuloy pa yung kwento niya at napapailing na lang ako sakanya at napapatawa.
As she continue talking, I glanced at my wrist watch. Baka kase kakakwento niya eh malimutan namen dalawa na may pasok kame at malate pa kame. 7:00 am pa lang naman, so meron pa kaming oras para kumain. Pinagmamadali niya kase ko pumasok kanina kaya di na 'ko kumain sa bahay. Kumukulo na tiyan ko sa gutom ngayon.
Tinignan ko si Seb habang patuloy siya sa pagkukwento niya. Mukhang walang balak kumaen tong isang 'to. Hinawakan ko na yung kamay niya at tumayo na. "Tama na yang pagmamaktol mo, para kang batang hindi nadala ng nanay niya sa zoo, Seb. Nagugutom na 'ko. Baka lang gusto mo ko ilibre? Kase po di po ako nakakain sa pagmamadali mo sakin na pumasok?" Sabi ko sakanya with puppy eyes.
BINABASA MO ANG
When A Mafia Falls In Love
Teen FictionCold like his name, Ice. A mafia boss who accidentally met the innocent, nagger, clumsy, a slowpoke but a smart girl named Heather. Heat for short. She will be the reason why Ice believed in something he didn't believed in before. And he will be th...