Heat's POV:
Wala akong balita kay Ice pagtapos ng nangyare kahapon. Hanggang ngayon na malapit na 'ko umalis ng bansa na to, 'di pa din kame nag uusap. Ni hindi manlang nga nag abalang manghingi ng pasensya at 'di din ata maalala na ngayon na alis 'ko.
"Heather, mag iingat ka dun ha? 'wag mo papabayaan sarili mo dun. 'Pag may nangyareng di maganda tumawag ka kaagad saken. Okay?" Mahabang litanya ni Mommy.
"Mommy, kanina mo pa sinasabe saken yan eh. Nakabisado 'ko na ata yan." Pabiro 'kong sabi sakanya.
"Kapag pinilit ka niyang gawin niyo yun 'wag ka----" Pinutol ko kaagad ang sinasabi niya.
"Papayag. Mommy, alam ko na nga yun. Tsaka ano ba yang iniisip mo? 3 days lang akong mawawala. Hindi isang taon, dame mo agad bilin." Natatawa kong sabi sakanya.
Magsasalita pa sana si Mommy pero narinig na namen yung busina ng sasakyan ni Cohen. Napagkasunduan kase namen na susunduin nya na lang ako dito para di na daw ako mahirap.
Tinignan ko ang cellphone ko para madismaya lang na wala pa din talagang text si Ice saken. Tsh! Tumayo ako at kinuha ang mga dadalhin kong gamit saka lumabas ng bahay.
"My, Pano? Alis na po kame ha? Lagi mo ilock ang pinto at kumaen sa tamang oras. Wag mo pabayaan sarili mo habang wala ako." Sabi ko kay Mommy.
"Kuhhh. Sige na alam ko ang dapat kong gawin. Mag iingat kayo ha?" Sagot naman niya.
Sumakay na 'ko sa sasakyan ni Cohen at kumaway ka Mommy. "Maglock lage ng kwarto, Heather." Pahabol na sigaw ni Mommy saken.
Napailing na lang ako sa sinabe niya at natawa ng bahagya. Tinignan ko lang saglit si Cohen saka tinignan yung phone ko. ZERO! NEGATIVE! BOKYA! WALA!
Napabuntong hininga na lang ako, Hindi na siguro ako aasa.
"Hindi pa din kayo okay?" Biglang tanong saken ni Cohen.
Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin bago binalik ang tingin sa labas.
"Pano mo nalaman?" Tanong ko din sakanya.
"Sa school pa ba? Kalat na kalat na nga." Simpleng sabi niya.
Tumango lang ako at pumikit. Ayoko magkwento.
After 45 minutes of travelling to the airport.
I stayed quiet through out the journey.
I knew Cohen really wanted to talk to me but because he felt the awkwardness between the both of us, he resisted.
Binuhat ni Cohen yung dala kong maleta na maliit. Since 3 days lang naman kami, hindi na ko nagdala ng madaming gamit. Dagdag pahirap lang yung mga gamit na extra eh. Haha!
BINABASA MO ANG
When A Mafia Falls In Love
Teen FictionCold like his name, Ice. A mafia boss who accidentally met the innocent, nagger, clumsy, a slowpoke but a smart girl named Heather. Heat for short. She will be the reason why Ice believed in something he didn't believed in before. And he will be th...