Ice's POV:
As I open my eyes, all I see are white walls..
Hospital..
Why am I here? I closed my eyes to remember what happened but it only gave me an headache.
Someone opened the door..
"Gising ka na pala."
I just stared at her. I was stunned.
"Alam mo ba kung anong ginawa mo kagabi?" Nakatitig lang ako sakanya, totoo ba 'to?
"Hindi ka ba marunong sumagot kapag tinatanong ka?" Sasagot na sana 'ko pero nagsalita ulit siya. "Uuwi na 'ko dahil mukhang ayos ka naman na, maya maya lang dadating na din mga kaibigan mo dito."
Palabas na siya ng pinto ng magsalita ako, "I miss you, Aariyah." ang tanging nasabi ko sakanya.
"Tsk" - Aariyah.
"Kamusta ka na? naging maayos ka ba sa mga nagdaang taon?" - Tanong ko ulit sakanya. Alam ko wala siyang balak makipag kamustahan manlang sakin base na din sa itsura niya.
"Walang araw na hindi kita naisip, Aariyah. kung kamusta ka na? kung okay ka lang ba? kung nasan ka ba? ang tagal kita hinanap, ang tagal kita hinintay. hindi ako marunong mag dasal pero simula nung mawala ka natutunan ko kung paano.. kase.. alam mo hinihiling ko? sana nasa maayos ka, sana masaya ka na sana... napatawad mo na kame.. ako.."
"Stop calling me Aariyah." - Ang tangi niya lang sagot sa'kin.
"Nagbago ka na talaga dahil sakanya, hindi na ikaw yung Aariyah na kilala ko." - Umupo na 'ko sa pagkakahiga, medyo nahihilo pa din pero kaya naman.
"Kayo ang gumawa saken nito. kayo ang nagpabago sa dating ako, kaya huwag ka magtaka.."
Biglang nag bago yung expression nang mukha niya, dumilim. Punong puno ng galit yung mata.
lumakad siya papalapit sakin. "Oo, sa nagdaang taon? wala akong naramdaman na pagsisisi na lumayo ako sainyo, hindi kita naisip miski isang segundo, hindi kita naisip kahit ilang minuto, hindi kita hinanap sa mga araw na dumaan, at oo.. naging masaya ako, buong nagdaang taon."
Ngumiti siya ng mapakla, "Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita."
Pipihitin na niya yung pinto ng magsalita ulit ako, "Bakit ka pa bumalik?"
"Gusto kong makita kung pano mo sirain yung buhay mo." - Diretsong sabi niya.
"Sira na buhay ko simula nung umalis ka, Aariyah" hinawakan ko siya sa kamay.
"Bitiwan mo 'ko." - Inalis niya yung hawak ko sakanya.
"minahal mo ba 'ko Aariyah, ganyan mo lang ako kadali kalimutan?" - Hindi ko inaasahan yung sagot niya.
Tinitigan niya muna 'ko. Pero makikita mo sa mga mata niya na wala siyang kahit na anong nararamdaman. Blanko.
"Oo akala ko minahal kita, kasi ikaw lang yung lagi kong gustong makita dati, masaya ako kapag ikaw yung kasama ko, iba yung pakiramdam kapag katabi kita. pero ang dami ko palang hindi alam sayo, alam mo yun? yung akala mo mahal mo yung isang tao pero hindi pala.. akala ko lang pala, wala pala ko nararamdaman sayo kundi awa. Naawa ako sayo dahil ang lungkot ng buhay mo."
Ang sakit.. Lalo pa lang masakit kapag ganto yung sasabihin sayo ng taong mahal na mahal mo. para kang hinahati sa gitna, para kang sinasaksak ng paulit-ulit, parang pinipilas yung puso ko pira-piraso.
BINABASA MO ANG
When A Mafia Falls In Love
Teen FictionCold like his name, Ice. A mafia boss who accidentally met the innocent, nagger, clumsy, a slowpoke but a smart girl named Heather. Heat for short. She will be the reason why Ice believed in something he didn't believed in before. And he will be th...