Chapter 8: Pre-Lovers Quarrel

5.6K 136 5
                                    

AN:

Play the lyric video above before reading this chapter para sa kilig factor, guys! Hahaha! Woots woots! Enjoy reading mga WAMFIL readers! :)

Heather's POV:

As I was staring at Ice's calm face while sleeping, bigla nalang sya nagising at nakatitig din sa'kin. Syempre nagulat ako. Pati ata sila Duke at Vayne nagulat eh. 

As in kase, nakatitig lang ako sakanya, bigla ba naman didilat tapos biglang tayo? Sinong hindi magugulat dun diba? 

"What are you looking at, kuku-brain?" Tanong sakin ni Regla boy. 

Nakatulala pa din ako kase ang cute pala nya pag bagong gising. Mamula mula yung eyes nya kase biglaan yung pag-gising nya, then his pinkish lips. U-waaw!   

Na-after shock pa din ako sa kagwapuhan nya. Dire-diretso na syang maglakad papuntang gate ng rooftop ng maalala ko ang pakay namin kung bakit namin siya hinahanap. 

I looked at Vayne with my most pitiful eyes. Hindi ko alam kung anong naiisip ko, or anong nararamdaman ko. Still confused. 

"Ah! Ah! Ano nga pala, Ice! Ice! Sorry nga pala sa nangyari kanina. Hindi namin sadya ni Duke ang nangyari. Lalo na 'tong si Heat na walang kaalam alam sa mga nangyari kaninang hapon. Sorry talaga." Sabi ni Vayne kay Ice. 

Hindi sumagot si Ice, pero huminto sya sa paglalakad. Kaya kinuha namin ang pagkakataon para yayain syang kumain sa labas. 

"Umm.. Um.... Tara? Um... Tara kain tayo? Dinner.. Diba sagot mo, Duke?" sabi ko ng pinanlalakihan ng mata si Duke para sumang-ayon siya. 

"Sige! Treat namin ni Ice! Di ba, dude? Wag ka na magalit dude, alam ko naman di mo ko matitiis eh! Alam ko namang mahal mo ko! Yiiiieeeee!" said Duke.

"Whatever, tss" angal naman ni Ice. 

Hindi ko alam saan kami pupunta. Pero nagtext na 'ko kay Mommy na male-late ang uwi ko dahil magdidinner pa nga kami nila Ice. 

"Mommy, late po ako makakauwi ngayon ha? Kakain lang po kami nila Ice sa labas. Kain na po kayo dyan, I love you."  ang text ko sa mother earth 'kong pinakamamahal ko. 

Nagreply naman si Mommy na okay lang naman daw wag daw magpapagabi masyado at delikado sa daan. 

"Vayne! Dito ka na sumabay sa'kin ah! Oh ikaw, Heat dyan ka na sumabay kay Ice. Dala ko kase yung isang sasakyan eh." Nagmulat ang mga mata ko nung binanggit ni Duke na kay Ice ako sasabay. Oh my Lord, ang awkward ng gan'to! Woooo! Kailangan ko na ba i-confirm ang mga feelings ko? Or 'wag muna? Di ko alam kung ano talaga 'to eh! 

"Uy! Ano? Tulala ka nanaman, Seb? Porket narinig mo lang na kay Fafa Ice ka sasabay. Tsk tsk! Iba na yan friend!" Pang-asar na sinabi ni Vayne sakin.

Namumulang napatingin ako kay Ice at nahuling nakatitig din sya sa'kin mga mata. Pero hindi mo mababasa kung ano ang nasa isip nya. Ang gulo! Ang gulo gulo! Hays! Very wrong! Very wrong!

**

*Inside Ice's Car*

To break the silence, I decided to start the conversation with Ice. 

"Umm.. Ice? Saan tayo pupunta?" 

"Just sit back and shut up. You'll see where." Malamig na sagot ni Ice.

"Umm.. Okay. Hindi ako pwede magpagabi masyado ah? Magagalit si Mommy."

"Then, why are you here? Why did you insist on having dinner with us when you're not even allowed to go out late at night?" Sabi ni Ice.

When A Mafia Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon