01

425 10 2
                                    

CHAPTER ONE

Lucho

"IT'S OLIGODENDROGLIOMA, Mr. Illustre. Based on the neurological examination that we conducted earlier, symptoms that you experienced provide clues about the part of your brain is affected by a tumor." Tumingin ako sa diretso sa mga mata ni Dr. Ancheta - neurologist consultant at writer ng publishing company na pinagta-trabaho-an ko. Ako ang editor niya at may dalawang dahilan kung bakit ako narito.

Una ay para magpa-check up na requirement sa CPPI at ang ikalawa nama'y para ihatid ang for revision niyang manuscript. Masyado niya akong binigyan ng sakit ng ulo kaya hihingi lang sana ako ng gamot upang maibsan ang nararamdaman ngunit higit pa ang aking nakuha.

"A brain tumor..." salita ko na kahit mahina ay alam ko naman narinig ni Dr. Ancheta.

"I suggest you undergo a biopsy. We will get a sample of the suspicious tissue and examine it in our laboratory to determine the tumor's type and level of aggressiveness. If you have time today, we can proceed to the image test to determine the location and biopsy." I know what a biopsy is. But why am I having this kind of illness?

"I have no time today, Doc."

Huminga nang malalim si Dr. Ancheta matapos marinig ang aking sinabi. "Oligodendroglioma can be removed by surgery and therapies such as chemotherapy to prevent a recurrence, Mr. Illustre,"

Tumayo ako at inayos ang pagkakabutones ng suot ko na coat. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Alam ko ang sinasabi niya at mahirap ang mga iyon. Mga bagay na ayokong isipin sa ngayon. "I'll give you fifteen days to fix the errors yourself before proceeding to the second reading, then publishing."

"Mr. Illustre,"

"I am a busy man. I need to go now,"

Matama akong lumakad at akto na sanang bubuksan ang pintuan ngunit nahinto ng magsalita si Dr. Ancheta.

"With surgery, Mr. Illustre, we can extend your life. Bata ka pa at kahit na masyado kang lulong sa pagta-trabaho ay alam ko na healthy ka." Natigilan ako pagkarinig sa sinabi niya.

"How long will I live without surgery or any medications?"

"3-5 years..."

Ngumiti ako na bihira ko gawin. "I think that's enough to do good and straighten my wrongdoings, Doc."

"Mr. Illustre..."

"I'll see you around, Doc. Remember, you only have fifteen days to fix the errors."

Iyon lang at tuluyan ko na nilisan ang opisina niya. Agad akong tumungo sa payment center para bayaran iyong mga ginawang neurological exam sa akin kanina. Kahit labag sa kalooban ko, kailangan ko pa rin magbayad dahil iyong ibang minor exam lang ang sakop ng CPPI. Akala ko kasi talaga simpleng check up lang pero lumabas na may sakit ako. Sakit na hindi ko alam kung kanino ko ba namana. Wala talaga akong matandaan na may sakit sa amin na gaya nitong natuklasan ni Dr. Ancheta.

But it will never stop me from doing what I want in life. May kailangan lang ako baguhin siguro at may kinalaman iyon sa aking ugali.

In our office, I am known for being the ruthless editor. Wala akong pinalampas kahit na batikang manunulat na pagdating sa revision. Kahit ang mga katulad ng doctor ko ay hindi ko pa rin pinalampas. Hindi naman nasusukat ang galing ng isang tao sa kasikatan. Marami akong nabasa na hindi okay sa akin pero okay sa iba. Humans has different levels of judgement and I'm on the rarest level always.

"I hate this writer! Gusto niya laging magpalipat kung kani-kanino. Ugh!" sigaw na narinig ko pagpasok ko ng opisina.

"Give it to me. I'll take that problematic writer in." Iyon ang sinagot ko kay Vanessa na dahilan ng pag tingin sila sa akin ni Baninay sa kakaibang paraan.

The Write One To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon