16

20 2 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Audrey

NAGISING ako kinaumagahan pero parang daig ko pa ang nanaginip nang magisnan si Lucho na tulog aking tabi. I'm confident that this is just a dream. Pagod lang ako at maraming physical interaction kay Lucho kahapon. Yes, I'm only dreaming and I'm in my room with Myrna. Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng ingit mula sa aking tabi. May mabigat na kamay na bigla na lang may dumantay na braso sa aking tiyan. This isn't a hand of a girl.

"Kyaa!" sigaw ko saka sinipa ko paalis ng kama si Lucho saka agad ako nagtalukbong ng kumot.

"Ah!" Hindi ko pinansin ang daing ni Lucho nang tumama ang ulo niya sa drawer na katabi ng kama. Kinapa-kapa ko ang aking sarili. Wala namang masakit pero bakit may sasakit?

Kasi matagal napahinga?

Ano ba, Audrey? Mag-isip ka ng matino!

Ano ba ang nangyari kagabi? Bakit narito ako?

Hindi ko na nasagot ang tanong ko nang may humila sa kumot na tinalukbong ko sa aking sarili.

"Wah!" sigaw ko ulit saka bumababa ng kama at nagtago sa ilalim noon.

I heard Lucho groan out of frustration before speaking. "Get out there, Aud, and will you please stop shouting? Nakakarindi at ang aga pa."

"Ayoko nga lumabas!" Mas siniksik ko ang sarili ko sa ilalim ng kama dahil ayoko talaga lumabas. Napaigik ako nang may malaking bulto ang parang dumagan sa akin sa ilalim ng kama. "Hoy, mabigat ka kaya!"

Wala akong narinig na reply mula sa kausap ko. Doon ko naisipan na lumabas at silipin siya sa kama. I saw Lucho lying in his bed, sleeping like a baby.

Sana all, mabilis makatulog.

Lumabi ako at hinawi ang buhok saka sinuot na ang tsinelas. Hinanap ko ang cellphone ko kaya sumampa ako ulit sa kama. Nilagay lahat sa ibabaw ni Lucho ang mga unan at bahala na siyang hindi makahinga.

"Audrey, hindi kita ginalaw. Free your mind because we slept last night."

"O-okay..."

Kinuha ko agad ang aking cellphone saka dire-diretso na lumabas ng kanyang kwarto. Luminga-linga pa ako sa paligid para masiguro na walang ibang makakita sa akin na lumabas sa kwarto ni Lucho. Nasaan si Amelié? Hindi ba dapat magkasama sila sa kwarto? Bakit ba iyon ang iniisip ko ngayon?

Ang kailangan ko isipin ay kung paano ako napadpad sa kwarto niya. Ang alam ko lang ay nag-iinom ako mag-isa tapos lumapit siya. Hanggang doon lang at wala na akong maalala.

Hindi na talaga ako iinom!

"Audrey?" Nanlaki ang mga mata ko nang may tumawag sa aking pangalan. "Why did you come out there?" Another follow-up question from a particular person is that I recognize the voice but cannot name him.

Lumingon na lang ako para hindi na manghula pa. "Zico!" Nag-alangan ako sumagot dahil nag-iisip pa ako ng sagot.

Humalukipkip siya sa harap na para bang tatay kagagalitan ang anak na natulog sa kwarto ng iba. Hindi pa ibang tao dahil crush ko iyong katabi ko matulog! "Care to explain?"

"Naglakad-lakad ako. Maaga kasi ako nagising tapos... tapos napadpad ako dito. Iyon ang dahilan kaya narito ako. Nakakaligaw pala dito,"

"Hay nako. You and your problem with the directions..." Ngumiti ako at sumama na bumalik sa villa kung nasaan ang mga kwarto namin.

Mabuti na lang talaga nakalusot ako kahit ang lamya ng palusot ko. Hindi na talaga ako uulit pa!

TILA PELIKULANG umulit sa alaala ko ang tagpo sa pagitan namin ni Lucho noong nalasing ako. Nag-umpisa ko siya maalala nang maligo ako kanina at nang mag krus ang landas naming dalawa. Sinadya niya siguro para ipaalala sa akin ang tagpo na iyon at parang hindi siya aware na lumalabas kami ni Zico.

The Write One To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon