CHAPTER ELEVEN
Lucho
KULANG ang salitang nagulat ako sa tanong ni Audrey kanina bago kami tumungo rito sa rest house ko. After feeding Audrey, I left her and visit my restaurant nearby. Para makapag-isip isip ako kung may ibang ibig sabihin na ba itong ginagawa ko ngayon. I somehow not ready for any serious relationship for now. Nakakadala at ayoko na mapa-loob muli sa isang palyadong relasyon ulit. But I know, I already sent a lot of mixed signals to her already. Ang mahirap nito, baka masaktan ko siya kapag sinabi ko na wala muna akong balak na pumasok sa isang relasyon. We have an agreement and she made us rules. Naka-highlight pa roon iyong rule number 4 na inulit naman niya rule number 10.
Malalim akong huminga. I should've cleared my stance before this agreement happened.
Sa kakaisip, napadpad ako sa restaurant na punong-puno pa rin ng mga customer. Pati ako'y napatulong na rin sa pag-se-serve ng mga order dahil hindi magkanda-mayaw ang mga staffs ko. Kilala sa buong mundo ang chef na na-hire ko dito at may isang branch nitong restaurant sa Italy. Isang dahilan kaya marami ang napunta dito kahit na anong araw. When everything is under control, I decided to stand by the counter. I diligently observed the process from ordering to payment and fulfilling the orders.
"Antonio." Tawag na pumukaw sa aking panonood sa mga nangyayari sa loob ng restaurant. Paglingon ko, agad na mukha ni Sera ang bumungad sa akin. "Are you here for work or to rest?" tanong niya sa akin.
"Both." I'm still off when she decided everything for me back in the hospital. Kahit hindi ko pa nalalaman ang resulta ng imaging test talaga. "Why are you here? Wala ka naman ng property dito, right?"
"I decided to go here and talk to you. One of your cleaning staff told me that you'll be here -"
"Sir!" sigaw na pumukaw sa amin pareho ni Sera. It's Audrey and she wave her both hands to get my attention. Parang bata kung tutuusin ngunit hindi ako naiinis. Bakit nga kahit immature si Audrey ay hindi ako naiinis? Ano'ng meron sa kanya?
"You're with her again?" Tanong ni Sera sa akin kaya bumalik sa kanya ang aking atensyon. Ngunit sandali lang iyon dahil binalikan uli ng mga mata ko si Audrey. Napansin ko na may batang lumapit kay Audrey at yumakap dito. I heaved another sigh before facing Sera.
"We're working together, and you have no say in my decision, Sera. You're out of my life, and I'm drawing the line now."
"Draw the line?" Hindi makapaniwala si Sera nang marinig ang sinabi ko. Iniwan ko siya at nilapitan si Audrey na may kausap na bata sa may harap ng restaurant. Base sa itsura ng bata mukhang nahiwalay ito sa mga magulang niya.
I tried my best to comfort the kid. Gano'n din ginawa ni Audrey at pareho pa kaming luminga-linga sa paligid hanggang sa lumapit na ang guard ng restaurant ko sa amin.
"Baka nasa paligid lang mga magulang nitong bata. I'll bring her in my rest house." Iyon ang bilin ko sa guard at kinalong na ang bata saka inaya si Audrey na bumalik sa rest house. "Why did you came out, Aud?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik.
"I'm done writing. Magpapa-alam sana ako lumibot dito kaso tinawag niya akong mama kanina tapos umiyak."
"Baka kamukha mo ang nanay niya,"
"Or maybe I'm wearing the same clothes as her mom." Tahimik na ang bata na pinag-uusapan namin na kalong ko. Alam naman ng mga gwardya kung saan dadalhin ang maghahanap sa batang ito. "Kalmado na siya ngayon kaysa kanina. Talent mo talaga ang pagpapatahan, sir."
Naisip ko kung ilang beses ko na siya napatahan noon. Marami-rami na rin at hindi pa nag-uumpisa ang agreement ng lagay na 'to. Puro set backs at maraming mga pangyayari na hindi inaasahan. But I acknowledge her house rules before. Sadyang hindi ko nagawa pagtuunan ng pansin ang kontrata na ginawa ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Write One To Love
RomancePaano ba malalaman kung siya na ang "the one"? For Audrey, wala siya ideya talaga. Kahit may sarili siyang mundo kapag nagsusulat, pulos kamalian pa rin ang napapasukan na relasyon. At kung siya ang tatanungin, ibabase lang rin niya ang lahat sa nab...