10

40 3 0
                                    

CHAPTER TEN

Audrey

HINDI KO alam kung dapat ko ba itanong kay Sir Lucho ang tanong na umiikot-ikot sa aking isipan. Kagabi ko pa iniisip at dahil ito sa ginawa niyang pagtakas sa ospital para puntahan ako. Sobrang effort naman ang ginawa niya para lang humingi ng dispensa sa mga sinabi ng dati niyang asawa. Dito pa siya natulog sa apartment ko sobrang maliit para sa kanya!

Naalala ko na naman iyong dati niyang asawa!

Para talagang kontrabida ang datingan ni Sera at sa picture lang siya talaga mabait tingnan. Hindi kami pwede pagsamahin sa isang lugar kaya tingin ko maigi na dito na lang ako sa apartment. Kaso paano naman si Sir Lucho?

Ang sabi niya seryoso siya na gusto niya ako matulungan pero 'di naman nabanggit ang dahilan. Naisip ko tuloy na gusto niya ako. Ang kapal ng mukha ko, ano? Iyon talaga ang pumasok sa isip ko at dahil kilala ako sa pagiging straight forward na tao, may parte sa puso at isip ko na gusto ko na talaga itanong 'yon sa kanya.

Binilisan ko ang pagtitimpla ng kape at dinala ko iyon sa kanya. Maaga palang kasi ay nagta-trabaho na siya at parang hindi nagkasakit talaga.

"Thank you, and good morning!" Ngumiti ako at bumalik na sa aking working table. A sight of him in the morning is my breakfast. Busog na ako buong araw makita lamang siya.

Tumitig ako sa screen at inabangan na may maisip ako na isusulat na update ngayong araw. Sa dami ng ongoing ko, hindi ko na alam ang dapat unahin talaga. Sinapo ko ang aking noo saka marahang inangat ang coffee mug ko. Pang-lima ko na ito at pakiramdam ko kape na ang nanalaytay sa ugat ko hindi na dugo. Malalim akong napabuntong-hininga pagkatapos uminom ng kape.

"I think you need a breather. Come on, and change into something presentable."

"I'm wearing presentable clothes now,"

"More presentable, Audrey." Naningkit ang mga mata ko. Anong gusto niya palabasin? Marunong naman akong mag-ayos... minsan. Pero isang ngiti lang niya, marupok na ako ulit. Sinunod ko ang gusto niya mangyari at nagpalit nga ako ng mas presentableng damit. Pero hindi ko natanong kung saan kami pupuntang dalawa. Bahala na nga mamaya.

Pagkabihis ko, agad akong lumabas ng banyo at sa couch na naglagay ng konting make up sa mukha. Sabi niya presentable at iyon ang ibibigay ko sa kanya. I pre-heated my curler before using it to add volume and style to my hair. Lagi ko itong ginagawa sa tuwing lalabas ako kahit na bibili lang naman ako sa convenience store. Baka kasi may makakitang fan at bigla magpa-picture sa akin. At least picture ready ako.

"You forgot this on my car." Inabot sa akin ni Sir Lucho ang compact mirror ko na matagal ko na hinahanap. Nawala sa isip ko na baka nalaglag ko nga ito sa sasakyan niya. "We're going to Tagaytay."

"Long drive?"

"Uhm, yeah, why?"

"Kagagaling mo lang sa sakit kaya."

"I'm okay now. Nakapagtrabaho na nga ako," At ako wala pa nagagawa kung 'di titigan ka. Hindi yata ako mananawang gawin iyon. "Stop being a parent and hurry up there."

"Sir Lucho, may gusto ka ba sa akin?" There, I finally asked.

Nakatitigan kaming dalawa at wala ni-isang umimik panumandali. Dapat ba hindi na lang ako nagtanong?

"It's just a humanitarian act, Audrey. Nothing more, nothing less."

Eh?

WE'RE driving along the freeway to Tagatay. Sa daan, kahit puro billboards ni Alden Richards nakikita ko, tinuon ko pa rin doon ang aking atensyon. Sobrang effort nga itong ginawa ni Sir Lucho kasi, mula sa apartment, nag-book siya ng Grab para umuwi sa bahay niya kung nasaan ang kotse. From there, we travelled to here we are. Panaka-nakang sumisilip ng update sa aking social media account at kapag may naisip na eksena ay agad ko nilalagay sa notes ng cellphone. I choose not to talk to Sir Lucho when not needed or he's asking something. Mabibilang sa kamay ang pag-uusap naming dalawa simula nang umalis kami sa apartment.

The Write One To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon