14

31 3 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Audrey

HANGGANG sa mga oras na 'to, iniisip ko pa rin ang naging eksena namin ni Sir Lucho noong nakaraang linggo. It's day ten out of one hundred days agreement today. Matama kong pinagmamasdan ang house rules na ginawa ko bago magsimula ang agreement namin. Kumuha ako ng dalawang kulay ng highlighter at ginuhitan ko ang number four saka ten na rules.

It's purely business—Bawal ma-in love.

Humalukipkip ako at matamang pinagmasdan ang kalendaryo. May ninety-day na lang ako na kasama siya dito sa bahay niya. Yes, we're back to Manila again. Back into his house with Amelié - the naughtiest kid I ever met my entire life. Minsan mabait pero madalas malakas mang-asar at gaya ng nagdaang araw, nasa labas na naman siya ngayon naglalaro.

Nabaling ang tingin ko sa cellphone ko na natunog. It was a call from Zico. Agad ko sinagot dahil baka importante. Hindi naman kasi tatawag ang isang 'yon sa akin nang walang dahilan.

"Hello Zi, what's up?" tanong ko nang mag-connect ang tawag namin.

"Are you busy?" Inalis ko sa tainga ang cellphone at tiningnang maigi kung si Zico ba talaga ang kausap ko. Ang kilala kong kaibigan 'di nagtatanong kung abala ba ako. "Audrey, are you still there?"

Narinig ko iyon. Malakas kasi speaker nitong cellphone ko kahit hindi pa naka-loud speaker. I decided to pressed the loud speaker mode on, so I can talk to Zico even if I place my gadget on top of the table. Nag-aayos kasi ako ng binili ko sa grocery store na malapit matapos ko mag-withdraw sa banko na nasa loob din nitong subdivision. Hindi naman nauubusan dito ng pagkain pero nasabi ko sa house rules na makikihati ako lalo't pagkain ko ang gustong kainin ni Amelié.

"Yep, I'm still here and kinda busy sorting my groceries."

"Naks, feeling may bahay." Tumawa si Zico nang malakas. My eyes rolled. Lagi nila pang-asar sa akin ang mga salitang iyon. "Kidding aside, Aud. Nasa labas ako ng bahay ng boss mo." Agad ako sumilip sa labas at nakita ko nga siya nakatayo sa may gate. "Bilisan mo at nangangalay na ako dito sa labas."

"Sandali nga!"

Dali-dali akong lumabas at nilagpasan si Amelié na naglalaro ng mga manika niya sa front porch. Mabilis ko binuksan ang gate para makapasok si Zico.

"Kilala sa gate si Mr. Illustre kaya agad ako pinapasok at tinuro itong bahay."

"Paano mo nalaman ang pangalan ng subdivision?"

"Google. Alam mo na best friend ko ang search engine na 'yon." Hinampas ko siya ngunit imbis na dumaing sa sakit ay tinawanan lang ako.

"Audrey!" sigaw ni Amelié saka patakbong lumapit at yumakap sa baywang ko.

"Sino siya?"

"This is Amelié. Si Sir Lucho ang temporary guardian niya na kasama ko dito sa bahay." Pakilala ko kay Amelié. Lumuhod si Zico upang maging magkapantay silang dalawa.

"Hello young lady!" Bati ni Zico kay Amelié.

"Hello!" Tumingala sa akin si Amelié. "I'm going to wash now. Lucho will be here by lunch."

"Did he told you that?" Tumango si Amelié saka tumakbo na papasok ng bahay bitbit ang mga laruan niya. Responsible si Amelié siguro dahil ayaw niya talaga bumalik sa foundation. Pinatutunayan niya kay Sir Lucho na wala siya ibang intensyon at gusto nito na makasama ang boss ko sa buhay. "Tara sa loob. Magluluto palang ako ng tanghalian. Ano ba iyang dala mo?"

"Cake. I forgot to greet you on your birthday, so here is my gift; take it. It's your favorite,"

Okay lang naman na nakalimutan niya. Gusto ko na nga kalimutan iyon dahil pinaalala lang ang kagagahan ko. How could I expect more after he almost kissed me? Hindi na talaga ako nagtanda kahit na kailan. What I have with Sir Lucho is pure business and am not allowed to fall in love. Kailangan lagi ko tandaan ang mga ito kung 'di sasaktan ko lamang ang sarili ko.

The Write One To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon