CHAPTER TWENTY-NINE
Audrey
"FOR SOME people, changes in behavior are temporary, while changes for others persist. But in Mr. Illustre's case, I cannot conclude that he has POCD or postoperative cognitive dysfunction."
Hindi ko magawang i-proseso ang lahat ng sinabi ni Dr. Ramos sa akin. Nalilito ako at hindi ko alam kung dapat ba ako mabahala sa mga sinabi niya. I contacted him so he can walk me through to what's happening to Lucho. Lagi kasing sinasabi ni Lucho na nagbago na siya na isang dahilan kung bakit siya nag-resign sa trabaho. Gusto ko malaman ang pinagdadaanan ni Lucho para alam ko kung paano siya kakausapin na hindi siya masasaktan.
I don't want Lucho to close his all doors to everyone. Matapos ng naging breakdown niya, hindi na ako mapakali kaya narito na ako ngayon. Pero may doctor-patient confidentiality pa rin na nasa gitna ko at ni Dr. Ramos kahit sabihin na malapit ako kay Lucho. Hindi ako ang nasa emergency contact ni Lucho at hindi rin kami kasal na magbibigay sa akin ng authority na alamin ang lahat.
"Mr. Illustre is a healthy man. Kalimitan ng mga may POCD ay matatanda na. Walang ibang sakit at naagapan naman na iyong tumor na nakita kay Mr. Illustre matapos maoperahan." Dagdag pa ni Dr. Ramos.
Huminga nang malalim ang doktor bago muling nagsalita.
"Depression after surgery is widespread, Ms. Habunal, and I must commend your urgency for knowing what's happening to Mr. Illustre. Importante na may matibay na sandigan ang mga katulad niyang dumaan sa operasyon. Some patients hardly reconnect with their families because they fear being a burden. Maybe that's what's all in Mr. Illustre's head. He's afraid to be a burden to anybody, especially to you."
"Ano pong dapat ko gawin?" tanong ko sa doktor.
"Be with him always. Show him that you're always available to talk." Tumango ako pagkarinig ng mga sinabi ni Dr. Ramos. "It requires long patience, Ms. Habunal, so be kind to him and yourself too."
Lahat ng sinabi ni Dr. Ramos ay tinatak ko sa aking isipan. Dala-dala ko iyon hanggang sa magkita kami ni Myrna sa isang mall malapit lang sa ospital na pinanggalingan ko.
"Ang lalim naman ng iniisip mo, girl! Bakit hindi natin pag-usapan iyan? Pero may tsismis muna ako sayo," Naiiling akong nagtuon ng atensyon sa kaibigan ko. "Matapos mag-resign ni Lucho, nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa CPPI. Hindi lang naman kasi isang writer ang hawak niya kaya medyo nagkagulo pero naayos din naman agad."
"Nasaan ang tsismis doon? Nasabi na sa akin ni Lucho iyan. Nahuli ka ng isang araw, Myrna."
"Gaga! Eto na nga ang tsismis, may kumalat kasi na blind item sa bulletin board ng CPPI tungkol sa inyo ni Lucho."
"Hindi rin tsismis iyan, girl."
Umirap sa akin si Myrna. "Hindi pa kasi ako tapos!" singhal niya saka sinabunutan ako. "So, eto na nga, sabi sa post, termination ang nangyari hindi resignation dahil naging biased daw si Lucho sa kaso niyo ni Simon kahit desisyon ng lahat na tanggalin ang problematic na writer na iyon."
"Dagdag stress na naman kay Lucho iyan," sambit ko saka napakamot ako sa akin noo. "He's been over the edge the past few days and I went to see his doctor."
"May sakit ba siya ulit?"
"Wala pero may aftermath yung surgery sa mental health ni Lucho. Ang sabi ng doktor sa akin, manatili lang ako sa kanyang tabi at kailangan ko magkaroon ng mahabang pasensya sa sitwasyon na meron siya ngayon."
"Ibig bang sabihin niyan ay hindi ka na sa bahay lilipat? Sasamahan mo na ba siya sa bahay niya para after surgery care?"
Hindi ako nakasagot agad sa mga tanong na iyon ni Myrna. Hindi ko kasi alam ang dapat isagot gayong 'di pa naman ako nakakapagdesisyon. Napatingin ako sa suot ko na singsing. I think I can still practice chastity even if I'm living with Lucho. Pero ako nga ba ang kailangan ni Lucho?
BINABASA MO ANG
The Write One To Love
RomancePaano ba malalaman kung siya na ang "the one"? For Audrey, wala siya ideya talaga. Kahit may sarili siyang mundo kapag nagsusulat, pulos kamalian pa rin ang napapasukan na relasyon. At kung siya ang tatanungin, ibabase lang rin niya ang lahat sa nab...