CHAPTER TWENTY
Audrey
"HELLO!" bati ko nang makita ko na dumaan si Lucho na nakasuot ng hooded jacket kahit mainit naman ang panahon. "Did you smoke?" tanong ko nang makita ang sigarilyo na hawak niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita din ang dumudugo niyang labi. "W-what happened to your face?"
Akma akong lalapit ngunit pinahinto niya ako sa paglakad palapit.
"I'm okay, Audrey," matipid niyang salita saka tinalikuran na ako. Napanguso ako. Wala akong nagawa kung 'di sundan na lamang siya nang tingin hanggang sa tuluyang makapasok sa kwarto niya.
Ano kayang problema niya? Ang laki ng sugat sa labi niya at tiyak ko na magpapasa iyon. Nakipag-away ba siya? Bakit hindi siya lumaban?
Malalim akong huminga at tinuloy ang paghahanda ng maiinom ko habang nagsusulat. I'm halfway done on my chapter update. Papasadahan ko na lang ng pag-aayos tapos ipapasa ko na kay Lucho. Kaso makakapag-trabaho ba siya kung may sugat ang labi niya?
"Audrey, Lucho has a visitor." Bungad na salita sa akin ni Amelié nang pumasok ito sa kusina.
"Who is that?" tanong ko.
"Me," anang tinig na nagpahayon ng tingin ko mula kay Amelié hanggang kay Sera - ang makulit na ex-wife ni Lucho. "I need to talk to Antonio."
"Should I call Lucho, Audrey?" Tumango ako bilang sagot ngunit nagulat kami ni Amelié nang bigla na lang magsalita si Sera.
"I'll go upstairs to call him myself. Dati naman ako nakatira dito kaya alam ko kung nasaan ang kwarto niya."
Lumapit sa akin si Amelié at nagtago sa akibg likod.
"Bisita ka kaya maghintay ka lang sa living room. Do not make yourself too at home. You're his ex-wife, not his wife." Binalingan ko si Amelié. "Call Lucho through his intercom now," utos ko sa bata na agad naman nito sinunod.
"Feelingera ka din pala. You're his housemate, business partner, to be exact,"
"He likes me."
"Really? Then, why did he ask me to come here?"
"Ikaw pala ang feelingera diyan. Tinawagan ka lang, kumpyansa ka na agad na may meaning iyon."
Pero tinawagan siya ni Lucho?
"Anong sabi mo?" sigaw niya sa akin.
"Audrey, I'm going to wash now!" hiyaw ni Amelié.
I dodge Sera's glare and lifted up my cup of chocolate drink. Iniwan ko siya sa kusina at nilapitan si Amelié. Nakasalubong ko si Lucho pero parang hindi niya ako nakita. Sinundan ko lang siya ulit ng tingin hanggang sa magkita sila ni Sera at magyakapan. I heard Sera like loosing her mind upon seeing Lucho's bruises.
"Ang OA... akala mo naman babalikan pa siya,"
"Who are you talking to, Audrey?"
"Myself."
Inaya ko na si Amelié sa kwarto niya para bantayan habang naliligo siya. Sa cellphone muna ako nagsulat habang ginagawa iyon. Kaso nawili ako sa pakikipag-chat kay Myrna dahil sa mga chika na meron siya tungkol sa CPPI, sa mga kaklase namin at kay Zico.
Myrna: Kumusta kayo ni Lucho?
Ako: Pakiramdam ko iniiwasan niya ako.
Myrna: Ano 'yon? Indirect ghosting?
Ako: Parang gano'n na nga.
Ako: Ang malas ko talaga sa pag-ibig.
Myrna: Labas tayo. Huwag ka ma-stuck sa dalawang lalaki na iyan.
Ako: Kawawa naman si Amelié kung iiwan ko.
Myrna: Hoy gaga ka! Huwag ka paka-martyr diyan. Tatlo lang ang paring martyr kaya hindi ka pwedeng dumagdag.
Myrna: Tara na. Half day lang ako ngayon sa office. Kita tayo sa mall, libre na kita.
BINABASA MO ANG
The Write One To Love
RomancePaano ba malalaman kung siya na ang "the one"? For Audrey, wala siya ideya talaga. Kahit may sarili siyang mundo kapag nagsusulat, pulos kamalian pa rin ang napapasukan na relasyon. At kung siya ang tatanungin, ibabase lang rin niya ang lahat sa nab...