12

23 4 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Audrey

HINDI ko na naman napigilan ang sarili ko at makailang beses na kung ano-ano ang tinanong ko kay Sir Lucho. I've been crossing lines everytime we got closer and comfortable with each other. Madali lang naman kasi siya makagaanan ng loob matapos ang mga awkward at weird moments sa pagitan namin. Mabait kasi si Sir Lucho at sobrang hands on niya sa akin gaya na lang kanina habang nirerebisa niya gawa ko. Marami siya insights ba siyang in-apply ko bago i-re-write ang project namin. And I got higher score than the first review score he gave me. Achievement ko na iyon maituturing kaya dapat ko i-celebrate.

Ang ibang chapters na na-edit niya at na-check ko na rin ay nilagay niya na sa scheduled post ng CPPI website. Hapon nang Biyernes mag-uumpisa ang bagong romance novel. Kasabay iyon ng iba ko pang ongoing na nakasalang na sa mga i-e-edit ni Sir Lucho. Malaking tulong ang dinulot ng lugar na kinaroroonan namin ngayong dalawa. Walang ibang ingay na maririnig at pulos huni lamang ng ibon.

Presko ang hangin at kung pwede lang na humiling na dito muna kami ay ginawa ko na. Hihiling na naman ako? Hindi naman genie in the bottle si Sir Lucho at ayoko na abusuhin ang kakayahan niyang tumupad ng hiling. Kaya ngayon heto ako at palakad-lakad lamang sa labas ng rest house at nag-iisip ng susunod na eksena sa aking sinusulat. I am holding a notebook in case I think a scene, I can easily write it down.

Dapat nagpapahinga ako dahil birthday ko kaso, hinayaan ko na lang. Wala pa naman nabati sa akin miski na sino. Mukhang abala lahat yata.

"Oh? Sir Gerold?" Taka kong sambit nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng rest house ni Sir Lucho

Lumingon sa akin si Sir Gerold saka ngumiti. "Sybil, nandyan ba ngayon si Lucho o nasa restaurant niya?" tanong niya sa akin.

"Nasa loob po. May inaayos lang kasama ng mga staffs niya."

Inaya ko sila pumasok sa loob ng rest house ni Sir Lucho. Sila, kasi may kasamang cute na bata si Sir Gerold. Sa akin tantya ay nasa edad walo o siyam na ito ngayon, nakatali pataas ang buhok na kulot ang dulot at maputi ang balat. Halatang foreigner ito base pa lamang sa kulay ng mga mata at kutis. Bilugan ang mga mata niya pati na ang mukha gaya sa mga child star na napapanood ko sa pelikula.

May kamukha nga siyang artista sa totoo lang.

"Send me the final financial report by the end of the day tomorrow. Call me when the delivery arrives, okay?" Narinig ko na mga bilin ni Sir Lucho sa kausap niya. "Why are you here again, Ger?"

"Daddy!" sigaw ng bata na kasama ni Sir Gerold.

Lahat kami, kasama na ang mga staff ni Sir Lucho at maging si Sir Lucho mismo ay nagulat. Bukod tanging si Sir Gerold lamang ang hindi. Agad na lumapit kay Sir Lucho ang bata at yumakap sa baywang nito. Wala akong makitang resemblance at hanggang sa mga oras na ito'y iniisip ko pa rin kung sino ang kamukha niyang artista. Nasa dulo na nang dila ko iyon at hindi ko lang magawang pangalanan.

"That's the reason why I am here again, Lucho." Dinig ko sa tinig ni Sir Gerold na 'di siya makapaniwala ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ko ang kawalan niyang ekspresyon kani-kanina lamang. "She came by to our office looking for you. Ang sabi niya anak mo raw siya, Lucho."

"May anak ako?" Napatingin siya sa mga staff niya na nakatulala lang din.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na makialam sa nangyayaring eksena ngayon. "We'll leave first so you two can talk," sabi ko saka inaya na ang mga staff ni Sir Lucho pati na ang bata na tumawag sa kanya ng Daddy.

So much revelation for a day. Hindi na talaga nawalan ng surpresa ang buhay ni Sir Lucho. Ano pa kaya ang susunod? Ang ganda namang regalo nito sa akin.

The Write One To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon