02

74 5 0
                                    

CHAPTER TWO

Audrey

I ONLY have three wishes in life, almost every day that God made. Una, gusto ko makanood ng live concert ng paborito kong banda - ang Westlife kaso sold out na ang tickets kaya bawi na lang siguro ko sa next life. Ayokong bumili sa scalpers, bukod sobrang taas ng presyo, karamihan ay scammers pa.

My second wish is to have a boyfriend who will help me in my writing career. Hirap na hirap na akong humanap ng inspirasyon para sa bago kong sinusulat. Gusto ko na ng first hand experience sa lahat at ayokong masanay na kinikilig sa mga palabas na aking pinapanood. Pero iyong hindi na sana toxic at sex addict.

Ang panghuli at pinaka-importante kong hiling ay huwag mag brownout pero hindi effective ngayon ang aking hiling. Sa isang iglap nawala lahat ang sinulat ko mula kaninang madaling araw dahil sa biglaang pagpitik ng ilaw. Wala na akong magawa kung 'di hinang-hina na maupo sa sahig, yakapin ang aking binti at lunurin ang aking mukha sa pagitan noon.

It was four thousand two hundred words that I suddenly lost! Saang parte ng kamay ng Diyos pupulutin ang higit apat na libong salita na nawala? Sagad na ba itong kamalasan ko ngayon? Wala na bang susunod?

Kulang na lang ay lunurin ko ang aking sarili ngayon para matapos na ang aking paghihirap. Can I die here, right now?

Dahan-dahan akong humiga at tulala lamang na tumitig sa computer set ko. Iniisip ko kung anong gagawin ko gayong malapit na ang deadline ng unang sampung episode ng bago kong nobela. Kakapirma ko palang noong isang araw ng kontrata at na-approved agad iyong synopsis na pinasa ko kaso may ganito pa akong problema ngayon. Mr. Dimaculangan told me that the schedule of my new novel on their website is every Friday and Satuday. Kailangan may dalawang araw na palugit bago ang posting para ma-edit ng naka-assign na editor sa akin.

Next month pa naman ako magsisimula kaso kailangan ng editor nila ng at least ten chapters next week. Saan ko na pupulutin ang sarili ko ngayon? Imbis na konti na lang isusulat ko ay bumalik ako sa umpisa!

"Patay na ang nakatira dito!" sigaw ko nang marinig na may nag-do-doorbell sa labas. Wala akong gana bumangon at mas gusto ko paglamayan ang nawala kong word count. Sandali lang naman iyong brownout pero dahil hindi nag-autosave ang ginawa ko, nawala ang lahat!

"Pisti kang babae ka! Bakit ayaw mo magbukas ng pintuan?" Pinili ko hindi sumagot matapos marinig ang boses ni Myrna - kaibigan at nagsilbi kong editor bago ako pumirma sa Coffee Pages Publishing Inc noong isang araw. "Ano ang drama mo ngayon at nakahilata ka diyan?"

I have a spare key underneath my doormat. Kaya madaling nakapasok itong si Myrna matapos ko katamaran ang pagbubukas ng pintuan. Para kasi akong tinakasan ng lakas at kaluluwa mula pa kanina nang pumitik ang ilaw.

"Myrna!" Paiyak ko na sigaw sa kaibigan.

"Ano ba'ng problema mo? Huwag mo sabihin niloko ka ng boyfriend mo." Napalis ang pag-iyak ko sana at napalitan iyon ng mapait na ekspresyon. "Wala ka nga palang boyfriend. Pasensya na, madalas makalimot."

"What are you doing here?" tanong ko agad sa kanya. Hindi pa rin ako bumabangon kaya nakayuko siya sa akin. "I lost it."

"Ang alin?"

"Iyong sinulat ko mula kaninang madaling araw, lahat nawala!" Inis na inis ko ginulo ang aking buhok nang maalala na naman ang mapait kong kapalaran. "Can I just die? Sige na, patayin mo na lang ako."

Umupo si Myrna sa sahig at pilit akong hinila paupo rin. "You have to write again. Huwag mong biguin ang CPPI dahil lang sa nawala ang sinulat mo."

"Paano?"

The Write One To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon