CHAPTER TWENTY-SEVEN
Audrey
MATAPOS ang epic fail na birthday celebration na dinaluhan namin ni Lucho sa bahay ng nanay niya, balik na kami sa normal na gawain namin. We're still hanging out with each other, but not daily because we both have work to deal and a life to live on our own. I'm still looking for an apartment where I can live without having electricity and water service problem. Hindi nga ako nakaligo dahil wala na namang tubig sa buong barangay ngayon at tingin ko iyon ang dahilan kaya mainit ang ulo ko. Hindi ko na nga mabilang sa kamay ko ang mga natarayan ko kanina pa mula sa laundromat hanggang dito sa CPPI.
"Hindi naman halatang 'di ka naligo, girl," mahinang sambit sa akin ni Myrna nang magkita kami sa cafeteria ng CPPI. May meeting ako para sa bagong project na pagtutulungan namin ni Ms. Vanessa kaso nasa meeting pa siya nang dumating ako. "Bakit hindi ka na lang bumalik sa bahay ng boyfriend mo?"
"Hindi pa alam ni So Ji Sub na kami na." Matamlay kong sabi saka pinuno ng junk food ang bibig ko.
"I'm not referring to your Korean actor crush. Am I allowed to say, Sir –"
"Sybil Montague! The CPPI's Rising Author, Sybil Montague is here!" Napatingin ako kay Myrna at nag-kibit-balikat lang siya. "Don't you know me?" Umiling ako at tumawa lang siya nang malakas na nakakuha sa atensyon ng lahat. "Ang mga rising star ngayon hindi na marunong makakilala sa mga mas matagal sa kanila sa industriya."
Kumunot ang noo ko pagka-rinig sa sinabi niya. Ano ba ang gusto niya palabasin ngayon? Marunong naman akong gumalang sa nakakatanda sa akin pero kung ganito ka-arogante, baka ma-sopla ko lang na iniiwasan ko mangyari lalo't mainit pa ang ulo ko hanggang ngayon.
"I don't know what they see in your works, but for me, it's nonsense. It lacks something I know I can give to the company alone."
"Ano?!" sigaw ko na mas lalong nakakuha sa atensyon ng mga tao sa cafeteria. Napatayo dahilan para tumuob ang kinauupuan ko. Tumayo din si Myrna para pigilan ako matapos itayo ang upuang tumuob at kalmahin ako. "What do you mean by nonsense? Are you referring to my novels?"
"Pati ikaw..."
Susugurin ko dapat siya ngunit may pumigil sa akin. "Let me handle him." Napatingin ako sa nagsalita at bahagyang kumalma ang ekspresyon ko nang makilala iyon. It was Lucho and he's with Sir Gerold and Ms. Vanessa. "Let's take this matter upstairs, and not cause any trouble that everyone can talk about." He said nonchantly. "Everyone, you can eat now freely because the show is over."
Hinila niya iyong lalaking nang-aaway sa akin habang inimbitahan naman ako ni Ms. Vanessa na sumabay sa kanya. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Myrna dahil sa mabilis na pangyayari. Natagpuan ko na lang sarili ko nakaupo sa harapan ng lalaki kanina sa loob ng isa sa mga conference room ng CPPI. Pinipilit ko ikalma ang sarili ko pero kapag napapatingin ako sa lalaking kaharap ko ay kumukulo lalo ang aking dugo. How dare he call my novels nonsense and lacking?
Alam ba niya kung anong hirap pinagdaanan ko para makatapos ng isang nobela? Wala siyang ideya kaya wala rin siya karapatan na tawagin ang nobela ko na walang kwenta.
"Your little quarrel outside creates topics that everyone talks about everywhere." Lucho declared upon taking the seat in between ours. "Let's resolve this before it ignites another fire of issues outside."
"Hindi naman ako nagsimula ng away –"
"Still, your reaction a while is appropriate, Ms. Habunal. You could ignore him since you don't know Simon. His comments don't pertain to your story alone." Dapat hindi na ako magulat dahil nalaman ko sa group chat namin na sikat itong writer na 'to na may matabil na dila pero masyadong unfair naman itong si Lucho. "And what's wrong with you, Simon? This wasn't the first time that you bullied our rising authors. What attention do you still need? Why do you need to take everything in public?"
BINABASA MO ANG
The Write One To Love
RomancePaano ba malalaman kung siya na ang "the one"? For Audrey, wala siya ideya talaga. Kahit may sarili siyang mundo kapag nagsusulat, pulos kamalian pa rin ang napapasukan na relasyon. At kung siya ang tatanungin, ibabase lang rin niya ang lahat sa nab...