13

23 2 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Lucho

"MR. ILLUSTRE, kailangan mo na magpunta dito para ipatingin ang nakitang tumor malapit sa inyong frontal lobe."

Paulit-ulit na lang ang pakiusap sa akin ni Dr. Ancheta pero ayoko na maniwala sa kanya. Kung magpapatingin 'man ako, sa ibang doktor na at hindi na sa kanya. Dr. Ancheta twisted my life because of his misdiagnosis then and now he's telling me that there's another tumor in my near my frontal lobe which could affect my eyesight. That's the result of imaging test that Sera didn't told me. Naisip ko na baka iyon ang dahilan kaya niya ako sinadya dito pero pinaalis ko siya dahil sa sama ng loob ko sa kanya. Iyong sakit ko na mahirap ibigkas ay hindi naman pala sa akin talaga. He mixed up the result with the other patient before I came in that day.

Gusto ko siya kasuhan kaya lang sayang sa oras kaya pinili ko na huwag na bumalik pa sa ospital. That place twisted my life hardly the past few weeks. Kahit hindi ko masyado iniisip ang tungkol doon ay aamin ako na sandaling huminto ang aking mundo. Napaisip ako kung ano magandang gawin sa huling tatlo hanggang limang taon ko rito sa mundong ibabaw tapos hindi naman pala sa akin ang sakit na nagpahinto ng aking mundo. Paano ko naman siya paniniwalaan ngayon?

But at some point, it helps me to correct and improve my attitude toward others.

Nasapo ko ang aking noo. I'm experiencing tension headache right now. May dalawang rason kaya nasakit ulo ko; una, ang maling diagnosis ni Dr. Ancheta at ikalawa ay itong si Amelié na anak ng dati kong asawa. Hindi na ako maka-focus sa trabaho ko talaga dahil sa mga kaganapan na ito. But all in all, I don't have any terminal illness - just a tumor which I don't know if it's malignant or benign.

Iyong kaso lang dapat ni Amelié ang aasikasuhin ko sa Manila kaso dumagdag pa si Dr. Ancheta nang tawagan niya ako para ibalita ang pagkakamali. Pakiramdam ko talaga ay sinusubukan ako ng Diyos dahil sa mga sunod-sunod na dagok na ito. Ito yata ang paraan Niya para sabihan ako na magdahan-dahan pero parang hindi patas. All I did the past few weeks was to lie to myself, to everyone and to Audrey.

I kept lying and pretending I didn't feel anything for her. For ten fucking years, I keep lying and avoiding the fact that I like Audrey. And now I'm hiding behind the 100 days agreement we have to prevent revealing what illness I acquired.

"I'm busy, Dr. Ancheta. I'll hang up now." Binaling ko agad ang tingin ko sa siyam na taong bata sa aking harapan. Yumuko si Amelié at halatang iniiwasan niya ang aking tingin. "What happened to your promise that you would be nice and would never caused headaches?"

"I'm sorry -"

"I already talked to the government foundation where you came from, and they're willing to travel up here to get you,"

Lumuhod sa harap ko si Amelié at pinagkiskis ang dalawang kamay. "Please, Mr. Illustre, don't let them get me here. I promise I won't cause you a headache."

"What do you want from me? I'm done with your mother; may she rest in peace, and we don't have any paternal relationship."

"You can adopt me -"

"That's not up to me, young lady. You'll be staying with us temporarily. A hundred days should be enough, I guess?"

"Will you keep me when I prove I am a good girl and have no other intention against you?"

"We will talk again after one hundred days,"

Iniwan ko si Amelié sa loob ng study room ko at lumabas na ako para kumuha ng maiinom na alak. Hindi ko alam kung ano nangyayari sa akin at wala akong ideya kung masosolusyunan ba ng alak ang lahat. Nasa kalagitnaan na ako ng rest house nang mabaling ang tingin ko sa labas. There I saw Audrey holding a small cake with a small candle on top it which she's trying lit up. Agad akong napatingin sa kalendaryo at aking napagtanto kung anong espesyal na okasyon ang meron ngayon.

The Write One To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon