06

35 3 0
                                    

CHAPTER SIX

Audrey

LET'S strike an agreement, Audrey.

Totoong sinabi siya ni Sir Lucho sa akin kagabi. Magkaroon daw kami ng agreement dalawa.

Live with me for 100 days, and I will help you write a romance novel.

He's serious.

100 days with my editor under the same roof. Hindi lang siya basta editor sa akin. Sir Lucho was the man whom I confesses my feelings with! Paano ko naman magagawang tumira na kasama siya sa isang bahay sa loob ng isang daang araw? Magagawa ko ba huminga noon? Saka bakit 100 days?

Nabaling ang atensyon ko sa cellphone na kanina pa tunog ng tunog. Isang hindi importanteng pangalan ang naka-rehistro sa screen kaya binalewala ko lang. Akma ko itutuloy ang ginagawang pag-e-edit ng aking manuscript ngunit nahinto ng may kumatok naman. Can't I have a peaceful day just for once?

I have once when I'm with Lucho... I mean Sir Lucho.

Naalala ko na naman ang sinabi niya hanggang sa mga araw na 'to ay hindi ko pa nasasagot. Ano ba ang dapat ko isagot?

Another bell rings.

"Sandali!" sigaw ko at padabog na tinungo ang pintuan. Basta ko na lang iyon binukas na hindi tumitingin peep hole. Bahagya pa ako nagulat nang mapagbuksan ko ng pintuan si Jeff. "W-what do you want?"

"About last night, Elianne -"

"I don't want to talk about it. Go away, Jeff." I tried to shove him out of my apartment, but I failed. "Ano ba ang kailangan mo?"

"Ang maka-usap ka nang maayos, Elianne."

"Ayoko nga 'di ba? Kaya umalis ka na!"

"Pero -"

"She said go away. Alin ang hindi mo maintindihan sa sinabi niya?" tanong ng baritonong tinig na lagi na nakaka-abot sa eksena na ganito. Kagabi din ay naabutan niya ako umiiyak sa harap ni Jeff. I even cried and consumed all of his tissue in the car. Napasinghap ako nang basta niya itulak palabas si Jeff ng apartment ko. Bagay na hindi ko nagawa kanina. "I don't want to see you around this corner again or I'll file a restraining order."

Doon umalis si Jeff at iniwan kami ni Sir Lucho. Duwag pa rin siya. Walang pagbabago. Hindi ko alam kung bakit ko siya pinili na maging boyfriend. Nabulagan lang ba ako? Pero alam ko sa sarili ko na minahal ko siya.

Minahal ba niya ako bilang ako o dahil may nakukuha siya sa akin na kailangan niya?

"Do not think about him. Don't let him get into your head, Aud."

"Lagi mo na lang ako naabutan sa ganitong eksena. You can freely judge me. Hindi talaga ako marunong pumili ng lalaking mamahalin kaya lagi ganito."

"Who am I to judge you when I'm not that perfect either?" He had two failed marriages. But still, mine is somehow more toxic than his. "Stop thinking about the odds. Try concentrating on your piece. I'll stay here doing my things."

"D-dito ka magta-trabaho?"

"Do I need to repeat myself to you?"

Umiling ako at binalikan na ang tinatapos ko na editing. Huminga ako nang malalim at sinubukan ko mag-focus sa ginagawa. Sinuot ko ang headphone at nakinig sa kanta na paborito ko habang nag-e-edit. Ngunit taksil ang mga mata ko dahil sumisilip pa rin ako sa gawi ni Sir Lucho. He looks so divine. From the way he flip the pages of the paper he's holding to the way his forehead slightly creased upon seeing an error on it.

Ang illegal lahat at kailangan ko na ibaling sa iba ang aking tingin. Ngunit hindi talaga nakiki-ayon ang mga mata ko. How could be a man like him so perfect but encountered two failed marriages? What's wrong with my editor? I unconsciously sashayed my eyes on his crotch.

The Write One To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon